Stephanie's POV
"'Nak, kumain ka muna." Sabi ni mommy sakin habang hinihimas-himas ang likod ko.
"Maya-maya nalang po. Hindi pa ko nagugutom." Pilit ko siyang nginitian.
Hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin... Nakaalis na papuntang Amerika si Oppa, kaya kung ano-anong bagay nalang na pwede kong gawin ang pingtutuunan ko ng pansin...
Ang hirap, ang hirap kasi naranasan ko ng maiwan... kung maaari ayoko na ulit maranasan yun... Pero sadya atang mailap ang tadhana. Bakit kaya ano? Ayaw ba niya kong maging masaya?
"Steph. Remember, everthing... Everything happens for a reason... At sa nakikita kong sitwasyon mo? May dahilan lahat. Ang kailangan mo lang gawin, intayin siya." Sabi ni mommy at pumunta nang kusina...
Intayin siya? Intayin siya bumalik? What if... what if he never come back?
***
Binisita ko yung love birds namin...
"Totoo ba kayo? Pampaswerte ba talaga kayo?" Tinatanong ko sila na parang kaya nilang sumagot. *sigh*
*birds chirping*
Flashback ▶▶
"Baka hindi na ko makakita..."
Nung marinig ko yun parang tumigil yung mundo ko.
"B-Bakit?" Ngayon parang ayokong magtanong, ayoko maniwala. Gusto ko gumising sa bangungot na to.
"May sakit ako sa mata... malala... baka pag di naagapan baka hindi na ko makakita ulit..."
Niyakap ko siya...
Umiyak ako. Umiyak ako sa piling niya. Hindi kaya simula nung hindi siya magsalamin kaya nagkasakit siya? Ako ba ang may gawa?
"Tandaan mo. Babalik si oppa. Babalik ako para sayo. Babalik ako ng malinaw ang mga mata, sisiguraduhin kong makikita kita. Kasi ikaw ang pinakamagandang nilalang para sakin. Hmm? I love you baby ko."
Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya.
"I love you. Oppa."
Ayoko siyang umalis... pero ayoko namang isipin yung sarili ko... I don't want to be selfish... at kung hindi ko naman siya paalisin baka magsisi ako... baka mas lalong hindi ko siya makasama... at hinding-hindi ko hahayaang mangyayari yun...
*end*
Kendrick's POV
"Hindi mo ba pinuntahan si Steph unnie?" Tanong ni Lian sakin.
Umiling ako... nag-uusap na kami ni Lian ngayon pero we're not totally in good terms pa. It takes time talaga lahat ng bagay. At hindi lahat ng bagay na gugustuhin ko, makukuha ko agad. Tss. Drama.
"Bakit naman? Kelangan niya ng karamay."
Sabi niya.
"Because I'm not the right person to comfort her."
Sabi ko sa kanya.
"Arasseo."
Sabi niya. At hindi na muling umimik mula nun.
"May pag-asa pa ba ko, Lian?"
Tumingin siya sakin.
"Saan naman?" Tanong niya sakin.
BINABASA MO ANG
Love [HunLi FanFic]
Fiksi PenggemarLove? For you it is just a word, But once you felt it? It becomes your everything. - @kaidi_forever