"Alex?... Alex.. Alex??"
Nakikita ni Alex ang lalaki ngunit hindi ang mukha nito. Ilang dipa na lang ang layo nito sa kanya, halos abot kamay na niya ngunit hindi pa rin niya magawang hawakan ito. Umuulan... Malamig... Madilim ngunit hindi katulad ng maraming nakaraang gabi, hindi siya tumatakbo ngayon.
"Sino ka?"
"Sino ka?!""Yours" tugon nito.
"Ma'am... Ma'am?". Nagising si Alex sa loob ng isang kwarto na hindi pamilyar. Sinuri niya ang paligid, malawak at malinis ito ngunit malungkot ang kulay. Mayroong side table sa tabi ng kanyang higaan kung saan nakapatong ang magagandang rosas at kulay asul na Bible. Mayroon ding dalawang monitor sa kabilang bahagi ng kuwarto at may mataas na bakal sa gilid nito. 'Dextrose ba yun?' pagtataka ni Alex... 'Hospital?!'
Tumingin siya sa taong nakatayo sa tabi niya"Uhmm... kuya George?" Tanong ni Alex. "Nasaan ako?" Nakakunot kanyang noo. Alam niya kung nasaan siya, ngunit gusto niya makasigurado.
"Ma'am nasa San Pedro De Padua Hospital po tayo" Sagot ni George na may pagaalala sa mukha.
'I figured that out' huminga ng malalim si Alex. Naupo ito at tinignan ang mga braso. Wala naman nakakabit na tubo sa kanya at wala naman siyang nararamdaman na kakaiba. 'Why am I here then?'
Hindi na hinintay ni George na magtanong si Alex "Ma'am hinimatay po kayo kagabi habang pauwi..."
"Hinimatay or nakatulog po?" napakamot ito nang maalala ang sinabi ng doctor sa kanila kagabi.
"Ma'am huwag po sana kayo magalit pero ano po ba nangyari sa inyo?"
"Uhmmm...." Pilit inalala ni Alex ang nangyari noong nakaraang gabi. 'Tatay Guard... Car... kiss.. Kiss?! Derrick?!!'
"Nasaan si Derrick?!" Bulalas nito. Hindi niya sinagot ang tanong ni George.
"Ha? Ah eh ma'am..." Hindi malaman ni George ang isasagot nang biglang may nagbukas ng pinto.
"Alex gising ka na pala" si Derrick, may malaking ngiti ang mga labi nito. "I brought some food, I'm certain that you're already hungry"
Hindi makapaniwala si Alex sa casual na kilos at pakikipagusap nito sa kanya. 'This perv!' naaalala pa niya ang mga halik na ginawa nito sa kanya. Nais niya itong sigawan at awayin ngunit nakatuon ang attention nito kay George.
"Kuya salamat... go home and buy your kids some pasalubong" inabot nito ang ilang piraso ng pera. "Sorry for keeping you here"
'akalain mo yun, pervs can be nice too' isip ni Alex
"Okay lang sir, tinawagan ko naman na si misis kagabi." Kinuha nito ang pera na inabot ni Derrick "Maraming salamat sir, matutuwa ang mga bata"
May dinukot sa bulsa si Derrick, isang susi. "Take orion with you, para hindi ka na mag-commute."
'Wow! Never thought he'd be this generous' hindi makapaniwala si Alex sa mga nasasaksihan
"Naku salamat Sir!... Uwi na po ako" nagpaalam na ito kay Derrick. "Ma'am pagaling po kayo" isang may pagaalalang ngiti ang ibinigay nito kay Alex bago lumabas ng kuwarto.
"Thank you ulit kuya! Ingat po" muling pagpapasalamat ni Derrick.
Nang makalabas na si George ay bumaling naman ito kay Alex. Naupo si Derrick sa tabi niya at hinawakan kanyang ang ulo. "How are you feeling?"
Ang nakapagtataka ay nakatingin lamang siya kay Derrick, nakakunot man ang noo ay walang namang pagtutol. Sa totoo lamang ay nagugustuhan niya ang ginagawa ni Derrick. Nakakapagpakalma ang hawak nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Intertwined
RomantiekCan Love be really enough? Enough to leave. Enough to hurt. Enough to hate. "You found me broken and you left me shattered" - M