prologo: pagdadalamhati ng mag-ama

694 18 0
                                    

Matapos makamit ang kapayapaan na hinahangad ng mga nilalang sa buong Encantadia pinangaralan ang Hara ng Lireo bilang bayani ng Encantadia. Habang nagsasaya ang lahat ng mga nilalang dahil sa nakamit na kapayapaan mayroon pa ring nagdadalamhati sa pagkawala ng Hara ng Lireo — walang iba kung 'di ang kaniyang mag-ama; si Ybrahim, ang Rama ng Sapiro at ang kaisa-isang anak ni Amihan — si Diwani Lira.

Humarap ang Diwani sa kaniyang mga dama.

"Pwede bang...iwan ninyo ako, saglit?" nagkatinginan ang dalawang dama bago nila tinanguan ang hiling ng Diwani at tahimik na umalis.

Napahinga ng malalim ang Diwani bago humarap muli sa buong Lireo na may pilit na ngiti habang tumitingala ng diretso.

"Inay, nami-miss ko na po kayo," pagsisimula niya. "nami-miss ko na po 'yong papaano niyo po ako yakapin, nami-miss ko na rin po ang mga ngiti niyo na nagpapagaan palagi ng pakiramdam ko," napahinto siya at napaiyak. "sobrang nami-miss ko na po kayo, Inay." dagdag niya at napaupo sa sobrang kalungkutan at pagdadalamhati sa pagkawala ng kaniyang Inang Reyna.

"Bakit ka umiiyak, Lira?" napatingin ang Diwani sa kaniyang ama na mayroong pag-aalala sa kaniyang mga mata nang makita itong umiiyak.

"Itay," mahinang tawag nito dahil na rin sa pag-iyak. Biglang naluha ang Rama ng Sapiro nang marinig ang kalungkutan sa boses ng kaniyang anak kaya naman lumuhod siya sa harap nito bago niya pinunasan ang mga luha ng kaniyang anak.

"Nami-miss ko na po si Inay," humahagolgol na ani ng Diwani.

"Ako rin, anak...ngunit wala tayong magagawa dahil ito ang itinakda ni Bathalumang Emre sa atin, lalong-lalo na, sa iyong Ina." nanginginig na sagot ni Ybrahim na kahit matagal nang nawalay ang kaniyang mahal ay hindi pa rin maalis sa kaniya ang kalungkutan at pagkadurog ng kaniyang puso.

"Sa totoo lang, hindi ko pa rin matanggap na wala na sa piling natin ang iyong ina," pagsisimula niya habang pinapunasan pa rin ang mga pisngi ng kaniyang anak. "ngunit alam kong kailangan ko itong tanggapin para sa ika-bubuti ng kaharian, ng ivtre ng iyong ina at para na rin sa ikabubuti ng puso ko." dagdag niya na nagpahinto sa pag-iyak ni Lira.

Alam niya ang pagmamahal ng kaniyang ama sa kaniyang Inang Reyna at alam niya kung gaano rin nasaktan ang Rama sa pagkamatay ni Amihan. Nang mapansin niyang tahimik itong umiiyak ay siya naman ang yumakap dito.

Kahit pa man masakit pa rin ang pagkawala ni Amihan. Alam nilang kailangan na tanggap nila ito dahil ito ang itinakda ni Bathalumang Emre na mangyari at ito rin ang pasya ni Amihan upang mailigtas ang bawat nilalalang na naninirahan sa kaharian ng Lireo at sa Encantadia.

Second Chance | ybramihan (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon