"Bili na kayo! Fresh pa ang mga 'to!" pag-aakit ni Amy sa mga mamimili. Kailangan niyang lakasan ang boses niya at kapalan ang mukha para matinda ng marami-rami. Sabi nga ng ibang tindera ay hindi siya nababagay sa palengke dahil sa kaniyang porselanang kutis at mala-artistang mukha. Pero hindi naman naniniwala sa mga ito at iniisip na naiinggit lang ang mga ito kasi mas maraming bumibili sa kaniya.
"Magkano sa carrots?" tanong ng isang mamimili.
"Murang-mura lang po! 60 pesos lang po kada kilo." ngiting sagot ni Amy.
"O sige, pabili ng isang kilo."
Agad na kumuha ng plactic bag si Amy at kumuha ng carrots bago ito itinimbang. Nang makitang medyo kulang ay dinagdagan niya ito hanggang makaabot ito sa saktong isang kilo.
"Salamat po," habang inaabot ang plastic ay inabot na rin sa kaniya ang bayad pero nagulat na lamang ang dalawa nang may biglang humablot ng bag na pagmamay-ari ng kinakausap na mamimili ni Amy.
"Ang bag ko!" natatarantang sigaw ng may-ari kaya naman agad na humarap si Amy dito.
"Huwag po kayong mag-alala, hahabulin ko po siya." mabilis na sabi ni Amy bago kumaripas ng takbo.
"Hoy! Isauli mo 'yan!" sigaw ni Amy habang hinihuli ang magnanakaw na napatingin naman sa kaniya at mas lalo pang binilisan ang takbo nang makitang hinahabol siya.
Mahinang napamura si Amy at binilisan din ang takbo. Dahil na rin sa pagtataranta ng magnanakaw ay tumakbo siya sa isang iskinita na puro pader na lamang at wala na siyang matatakbuhan pa.
Medyo nanghihingal na napahinto si Amy bago niya itinuro ang magnanakaw.
"Bakit hindi na lang kayo maghanap ng trabaho kaysa naman magnakaw kayo ng pinaghirapan ng iba?" medyo nanggigil na tanong ni Amy.
"Ano bang pakialam mo?" pasigaw na tanong ng magnanakaw dahilan para kumulo ang dugo ni Amy.
"Ano ang pakialam ko?" pag-uulit ni Amy sa sinabi ng magnanakaw habang dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa magnanakaw na umaatras naman.
"Isa lang naman sa mga mamimili ko ang ninakawan mo...alangan namang papabayaan kong manakawan siya, eh alam ko namang pinaghihirapan niya ang perang ipinangbibili niya ng gulay sa akin." sagot ni Amy at naisipan niyang humito bago niya binigyan ng masamang tingin ang magnanakaw.
"Wala kong pakialam!" sigaw nito sabay plinanong suntukin si Amy na agad naman nitong naiwasan at binawian niya agad ito ng sipa sa tiyan dahilan para mapaatras ang magnanakaw sa lakas ng sipa na natamo niya.
Sumigaw ang magnanakaw at plinanong suntukin muli si Amy ngunit bago niya pa ito magawang idapo ito kay Amy ay mabilis niya itong iniwasan at agad na kinuha ang makapal na kahoy sa sahig bago niya itong hinampas sa magnanakaw dahilan para mabitawan nito ang bag na hawak-hawak at napahiga bago mawalan ng malay.
"Imbes na humahanap ka ng maganda solusyon para maibsan ang kahirap...ang pinili mo pa 'yung masama." bulong ni Amy bago kinuha ang bag na nasa lupa at iniwan na lamang ang magnanakaw sa iskinita.
"Ito na po 'yun bag ninyo." ngiting sabi ni Amy habang iniaabot ang bag sa totoong nagmamay-ari nito.
"Maraming salamat talaga sa 'yo, Amy!" medyo maluha-luhang sabi ng may-ari ng bag dahil na rin sa lubos na kasiyahang nararamdaman niya nang maibalik sa kaniya ang kaniyang bag.
"Walang anuman po 'yun, pero ang tip ko po sa inyo...'wag niyo ng ilagay sa bag ninyo ang wallet or cellphone ninyo para naman makasigurado kayong hindi kayo mananakawan."
"Gagawin ko talaga 'yan, maraming salamat ulit."
Nakangiting kumaway si Amy habang pinapanood na umlis ang mamimili na palaging bumibili sa kaniya.
"Ano na naman ang narinig kong hinabol mo raw 'yung magnanakaw na nikawan 'yung bumibili sa 'yo?" napatingin si Amy sa kaniyang likuran at nakita niya ang nakabusangot niyang tiyahin na inapon siya nang mamatay ang kaniyang mga magulang.
"Tinulungan ko lang po sila na makuha 'yung bag na ninakaw."
Napabuntong hininga ang tiyahin ni Amy bago napamaywang.
"Papaano kung sa pagtulong mo, ikaw naman 'yung napahamak?" tanong nito na nagpatahimik kay Amy. "Oo, magandang tumulong sa iba pero paano nga kapag ikaw 'yung napahamak?" napabuntong hininga na lamang si Amy bago niya niyakap ang kaniyang tiyahin.
"Tita Rosanna, kaya ko naman pong protektahan ang sarili ko...nag-iingat naman po ako e. Atsaka hindi ko magawang hindi tumulong, para bang matagal ko na itong ginagawa." napataas naman ang kilay ng kaniyang tiyahin sa itinuran niya pero pinagsawalang-bahala niya na lamang ito.
"Sige na nga! Basta't mag-iingat ka." natuwa naman si Amy sa sagot ng tiyahin dahilan para mapayakap siya rito.
Medyo lumayo siya sa kaniyang tiyahin na meron ngiti sa kaniyang mga labi.
"Syempre naman po!" pagsisimula nito bago niya tinapik ang sariling dibdib. "ako pa ba? Si Amy Castillo." pagmamalaki nito na nagpatawa sa kaniyang tiyahin.
"Hay naku, 'yan na naman ang confident mo...bumalik na nga tayo sa pagtitinda."
Napatango naman si Amy bago binati ulit ang mga mamimili nila.
"Bili na kayo! Fresh pa ang mga 'to!" sigaw ni Amy habang kumakaway ulit sa mga mamimili na nagdadaan sa kanilang tindahan habang ang kaniyang tiyahin at pinsan ay busy sa pagkikilo at pagsusukli sa mga namimili.
Maggagabi nang makarating sa bahay na tinutuluyan nila - na malapit lang sa palengke pinagbebentahan nila. Agad na naupo ang dalaga sa kahoy na upuan ng kanilang bahay at napahinga ito ng malalim dahil na rin sa nararamdamang pagod.
"Manood muna kayo at ako'y magluluto muna." sambit ng kaniyang tiyahin nang maupo ang kaniyang pamangkin at anak sa sala.
Agad na tumayo si Amy.
"Samahan ko na po kayong maghanda ng makakain."
Napatingin naman ang tiyahin nito sa kaniya atsaka napailing. "Huwag na, kaya ko naman 'to eh...atsaka alam kong pagod ka dahil sa pagtitinda at sa paghabol mo roon sa magnanakaw." sagot ng kaniyang tiyahin bago nito ilagay ang kaniyang mga kamay sa balikat ni Amy na napatingin sa mga ito at pinaupo muli siya sa sala. "kaya naman maupo ko na lang d'yan at magpahinga." dagdag nito kaya naman walang nagawa si Amy na sundin na lamang ang sinabi ng kaniyang tiyahin.
"Ano ka ba, pinsan...kailangan mo ring magpahinga, tandaan mo hindi ka superhero." napatingin naman si Amy sa kaniyang pinsan.
"Ano naman ang kinalaman ng pagod sa isang superhero?" tanong ni Amy sa kaniyang pinsan nang hindi niya maintindihan kung bakit pinagsama ng kaniyang pinsan ang dalawang salita na wala naman kinalaman sa isa't isa.
"Ano ka ba, hindi ba't hindi nagpapahinga ang mga superheroes sa pagtatanggol sa mga tao? At hindi rin ba, tumutulong ka rin sa mga taong nangangailangan? Pero wala kang powers o sobrang taas ng stamina para hindi mapagod. Kaya naman kung gusto mo pang makatulong sa iba, kailangan mo ring magpahinga." pagpapaliwanag ng kaniyang pinsan na kahit pa man nauunawaan ni Amy ay wala pa rin itong katuturan para sa kaniya, kaya naman binatok niya na lamang 'to.
"Huwag ka na ngang mag-explain, mas masyado mo lang pinagugulo." napa-pout naman ang kaniyang pinsan sa sinabi niya.
"Masama bang masabi na concern lang?"
Napatingin ulit si Amy dito.
"Masama rin bang tumulong kahit wala kang powers o mala-superhero man lang?"
BINABASA MO ANG
Second Chance | ybramihan (on-going)
FanfictionNagulantang ang lahat ng mga diwata nang makita ang napakapamilyar na mukha ng naging hara at bayani ng buong Encantadia; buhay at nakatayo sa kanilang harapan ngunit nakasuot ng napakabanyagang kasuotan. "A-Amihan?" gulat na naibigkas ng Rama ng Sa...