kabanata dalawa: si Amy

589 19 8
                                    

"Hindi ko isusuko ang aking trono sa 'yo, Hagorn."

"Manalig kayo na uunahin ko ang kapakanan ng Encantadia bago ang aking sarili."

"Mahal kita, Ybrahim."

Agad na magmulat ng mga mata si Amy nang mapanaginipan niya na naman ang tungkol sa isang babae na kahawig na kahawig niya. Pero bakit niya ito napapanaginipan?

"Siguro, pagod lang talaga ako." bulong niya bago tumayo at inayos ang kaniyang higaan.

"Sino kaya si Ybrahim?" pagtatanong nito kahit pa man siya lang ang nasa kwarto niya. Mas lalo siyang nagtataka kung bakit palaging tinatawag ng kahawig niya ang pangalan na Ybrahim at kapag titingin naman siya sa lalaking tinatawag nito ay malabo ang mukha nito.

Tinapik-tapik niya ang kaniyang pisngi at napatingin sa salamin.

"Akala ko ba, pagod ka lang?" pagtatanong niya sa kaniyang sarili habang tinuturo ang sarili sa salamin.

Ang atensyon niya ay lumipat sa pintuan nang ito ay magbukas at nakita niya ang kaniyang tiyahin na sumisilip sa pintuan nang mapansin ng kaniyang tiyahin na gising na ang pamangkin ay binuksan niya itong tuluyan.

"Halika na, luto na ang pagkain." napatango naman si Amy atsaka sinundan ang tiyahin patungong kusina.

Napaupo siya sa tabi ng kaniyang pinsan na medyo kulang pa ata ang tulog dahil nakahiga pa ang ulo nito sa lamesa.

Binatukan niya ito. "Hoy! Bawal niyang ginagawa mo." napasinghap naman sa sakit ang pinsan niya at dahan-dahan inangat ang kaniyang ulo.

"Ate Amy naman! Ang sakit ng pagbatok mo sa akin." pagko-complain nito kaya naman napatawa si Amy.

"Ano ka ba, mahina pa nga 'yon."

"Eh 'di, kayo na...kayo na 'tong malakas." nakabusangot na ani ng kaniyang pinsan kaya naman ginulo ni Amy ang buhok nito.

"Sus! Naiingit na naman si pinsan." medyo nakangiting pagloloko ni Amy dito na mas lalo naman nitong pinagkabusangutan.

Nang mailapag na ng kaniyang tiyahin ang mga ipang-aalumusal nila ay nagsimula na silang magdasal bago kumain.

Nang matapos ay naligo na sila't naghanda para pumunta ng palengke para magbenta muli. Habang busy sa pagtitinda ng mga gulay si Amy isang kamay ang humawak sa kaniyang balikat dahilan para agad niya itong kunin ang pinaikot dahilan para napasigaw sa sakit ang may-ari ng kamay na 'yon. Laking gulat niya nang mamukhaaa niya ang may-ari no'n.

"R-Rafael?" gulat na bigkas ni Amy sa pangalan ng lalaking nanliligaw sa kaniya. Mabilis na binitawan ni Amy ang braso ni Rafael bago siya humingin ng tawad.

"You're fast and strong as always, Amy." kahit pa man, medyo nasaktan siya sa ginawa ng nililigawan ay hindi pa rin maalis sa kaniyang ang paghanga.

"Huwag ka kasing bigla-bigla nanghahawak."

"I'll remember that."

Napatingin si Amy kay Rafael, nagtataka.

"Bakit ka pala nandito?" tanong ni Amy.

Ngumiti si Rafael bago bumaba ang kaniyang tingin sa kamay ni Amy at hinawakan ito.

"Hindi mo pa ba ako sasagutin?" medyo may na lungkot ang tono at ekspresyon ni Rafael nang sabihin niya ito kaya agad nakaramdaman ng awa si Amy para rito. Pero papaano naman sasagutin ni Amy si Rafael? Ilang linggo pa lamang itong nanliligaw sa kaniya at kahit pa man gusto ni Amy na sagutin ito ay hindi niya kaya...parang hindi pa siya nakahanda...at para bang mayroon na nakalaan para sa kaniya ngunit hindi niya pa ito nakilala.

Bumaba rin ang tingin ni Amy sa kamay nila bago niya iniligay ang isa niya pang kamay sa tuktok at tumingin sa mga mata ni Rafael.

"Sorry, pero mukhang hindi pa talaga ako handa para magkarelasyon." malungkot na tugon ni Amy. Tumango na lamang si Rafael at binigyan ng pilit na ngiti si Amy  bago dahan-dahang binatawan ang kamay ni Amy atsaka nagpaalam.

Napabuntong hininga si Amy habang pinapanood na sumakay ng kotse si Rafael at umalis. Medyo naaawa siya para rito, ngunit alam niya na mayroong babae na magmamahal ng tunay kay Rafael ngunit hindi si Amy ang babaeng 'yon.

"Ayos ka lang ba?" napatingin si Amy sa kaniyang tiyahin na kanina pa naririnig ang pag-uusap ng dalawa.

Napatango naman si Amy na may pilit na ngiti bago niya ibinaba ang tingin habang inaayos ang mga gulay.

"Okay lang naman po ako, pero nag-aalala lang po ako kay Rafael." sagot nito.

Tumingin lang ang tiyahin niya sa kaniya, nag-iisip ng itatanong sa kaniyang pamangkin. "Ang tanong, ayos lang ba ang isinagot mo sa kaniya? Hindi ba siya malulungkot?"

"Mukha naman pong tama ang sinabi ko. Ayaw ko po kasi siyang naghihintay sa wala at masasaktan lang, deserve niya na magkaroon ng babae na mamahalin siya ng totoo." napangiti naman ang kaniyang tiyahin sa sinabi ni Amy.

"Ikaw talagang bata ka...inuuna mo ang kapakanan ng iba kaysa sa sarili mo, pero kailangan mo rin naman maging makasaliri para sa sarili mong kaligayahan." natawa naman si Amy bago niya nilagay ang braso sa mga balikat ng kaniyang tiyahin.

"Huwag po kayong mag-alala, darating din 'yan."

"Ate Amy!" napatingin ang dalawa kay Paolo; ang pinsan ni Amy at anak naman ni Tita Rosanna niya.

"Oh? Bakit, Pao-pao?" pagtawag nito sa nickname na ibinigay niya dahilan para mapabusangot si Paolo at nakaramdam ng hiya sa nickname na ibinigay ng pinsan.

"Huwag niyo nga pong akong tawagin ng ganiyan! Binata't pogi na po ako." nagtawanan naman sina Amy at Tita Rosanna sa sinabi ng binata bago pumunta si Amy palapit dito at ginulo ang buhok nito.

"Sus! Nahiya ka pa!" pagsisimula ni Amy at itinigil ang paggugulo ng buhok ng kaniyang pinsan. "e, ikaw pa nga itong nag-suggest sa akin na tawagin kita sa nickname na Pao...ang ginawa ko lang naman ay dagdagan ng isa pang Pao para maging Pao-pao." dagdag nito dahilan para mas mapabusangot si Paolo.

"Mas maganda naman 'yong isinuggest ko." tinaasan naman ni Amy ng kilay ang kaniyang pinsan bago siya napangisi ng nakakaloko nang may maisip siya.

"Kung tatawagin naman kita bilang Pao...at hindi mo narinig sa unang pagkakataon, parehas din ang kalalabasan matatawag pa rin kitang Pao-pao." tawang pagpapaliwanag ni Amy at kinabusangot ulit ni Paolo habang ang kaniyang ina na si Rosanna ay napatawa rin.

"Wala talaga akong panalo sa 'yo, Ate Amy."

"Sinabi mo pa."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 20, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Second Chance | ybramihan (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon