Chapter 2 : What the EFF is this?!

32.9K 1K 48
                                    

Aly's POV

Habang naglalakad na ako pababa ng bahay bitbit ang aking mga bagahe. Hindi ko parin lubos maisip na totoo ang mga ito.Baka naman niloloko lamang ako ni Arie o baka naman kinontsyaba niya lang si Mama na sabihin ang mga iyon?

Nakarating na ako sa baba ng hagdan nang makita ko si Mama na nakaupo at si Arie na nakangiti ng masama sa akin.

" Mama? " mahinhing sabi ko nakatingin naman sa akin si Mama at kitang kita ko ang galit sa mga mata nito.

" Mama!! sabihin mo sakin na hindi to totoo diba? Na hindi ako ampon na anak mo talaga ako. Mama!! Parang-awa muna Ma! sabihin mo sakin na hindi to totoo na lahat ng to hindi totoo. Ayokong umalis Mama!! " umiiyak na sabi ko rito habang nakaluhod ako sa harapan nito.

Ayoko talagang umalis. Alam kong hindi ako ampon. Nagulat ako ng lumapit ito at hinablot ang aking mga bagahe at itinapon sa labas.

" Lumayas ka sa pamamahay ko Alyona! Hindi ka karapatdapat na andito at wag na wag mo kong tatawaging Mama dahil hindi kita anak!!! " sigaw nito sa akin habang sinasabunutan ako.

" Mama! Tama na po. Parang awa niyo na po Mama!! " umiiyak sa sabi ko rito habang pinipilit na alisin ang kamay na nakahawak sa aking buhok.

" Mama,T-Tama na " rinig kong sabi ni Arie. Aba ngayon kapa naawa sakin huh?

" Hindi!! Hindi ako papayag na kukunin mo sa akin ang lahat!!! Akin ang kayamanan ni Edmund. Kaya lumayas ka dito !!!! " sigaw ulit ni Mama habang kinakaladkad ako palabas ng bahay.

" Mama, Parang-awa niyo na po " sigaw ko naman pero parang wala itong nararamdaman. Inihagis niya ako sa labas ng bahay na parang baboy lamang.

" Wag na wag kanang babalik ditong Hampaslupa ka!! " sigaw ni Mama bago nito isara ang pintuan.

" Mama!! Mama!! Parang-awa mo na po! Wag niyo tong gawin sa akin!! " sigaw ko habang pinipilit na buksan ang pintuan ngunit bigo ako.

Napatingin ako sa labas at nakita ko ang mga kapit-bahay namin na nakatingin sa akin gamit ang kanilang mapang-husgang mata.

" Anong tininitingin-tingin niyo diyan?! Tapos na ang drama!!!! " sigaw ko sakanila kaya nagsibalikan na sila sa kani-kanilang bahay.

Wala na akong nagawa kundi umalis ng bahay ng may masakit na puso. Ayokong iwan ang lugar kung saan ako lumaki at nakilala sila Papa. Pero wala na akong choice.

Habang maglalakad ako nakaramdam ako ng patak ng ulan. Umuulan na pala. Nakisama pa ang langit sa pagdadalamhati ko. Pero hindi ko na rin nakayanan dahil kasabay ng pagbagsak ng ulan ay ang pagbagsak ng aking luha na nagpaupo naman sakin. Hindi ko alam ngunit napahagulgol na lamang ako.

Ano ba ang ginawa ko para maging ganito ang aking buhay?! Ako naman ung inaapi ah?! Ako naman ung walang kalaban laban pero bakit ako ung pinaparusahan ng ganito?! Ano bang mali ang aking ginawa para makuha ko ang ganito kasakit na kaparusahan?!

Papa!! Pakinggan mo ko!! Ano ba talaga nangyayari?! Bakit nangyayari sa akin to?! At ang pinakamasakit?

" SINO NGA BA TALAGA AKO?!!! " sigaw ko habang humahagulgol sa daan. Wala na akong pake kung sino man ang makakita sa akin.

" Sino ka? " nagulat ako sa nagsalita kaya napalingon ako. Isang lalaking nakahood na abot sa paa nito at may nakakatakot na Aura.

" S-Sino ka?! Wag kang lalapit sakin! " sigaw ko rito habang pausog ako ng pausog.

Nagulat ako dahil palapit ito ng palapit sa akin. Biglang humangin ng malakas at natanggal hood na nagtatago ng kanyang ulo mas lalo akong nagulat ng mapansin ko ang mapupulang mata nito.

" Napakalakas ng Aura mo~ Hindi ako nagkakamali baka isa kang Pureblood! " nakakatakot na sabi nito habang nakangiti ng nakakatakot sa akin.

" Anong Pureblood? T-Teka! Wag kang lalapit sakin!! " natatakot na sabi ko rito ngunit pasaway ito at papalapit ng papalapit sa akin nagulat ako ng bigla niya akong hinawakan sa aking wrist.

" A-ano ba! Bitawan mo ko!!! " sigaw ko rito habang nagpupumiglas ngunit napakalakas nito. nanginig ako sa pangdidiri ng dilaan niya ang pisngi ko.

" Dinner is served ~ " rinig kong sabi nung lalaki at akmang kakagatin na ako nito kaya't ipinikit ko na ang aking mga mata. Mamamatay na kaya ako?

" Ah!Ahhhhhhhhhhhh!!!! " napamulat ako sa pagsigaw ng lalaki at nagulat ako ng kinakain na ng kulay asul na apoy ang lalaki.

Napatingin ako sa aking mga kamay at nababalutan rin ito ng Asul na Apoy.

" Aah!! Nasusunog rin ako?! Pero hindi naman ako nasasaktan? A-Ano to? " bulalas ko habang tinititigan ang apoy na bumabalot sa aking mga kamay.

" Anong klaseng apoy yan?! Ngayon lamang ako nakakita ng ganyang kulay ng Apoy!! " sigaw parin nung lalaki at akmang susugurin na sana ako ng biglang may sumulpot na babae sa harapan ko at parang may sinabi sa lalaki at biglang itong nagpakamatay?

" A-Anong ginawa mo dun sa lalaki? At sino ka? " sunod sunod na tanong ko sa babaeng sumulpot sa harapan ko.

Nagulat ako ng lumingon at humarap sa akin ung babae. Napaka-ganda nito. May blonde itong buhok at pink na mata. katamtaman rin ang tangkad. Nginitian naman ako nung babae?

" Tell me what happened here and after that forget all the things you have seen " ma-awtoridad na sabi nung babae habang nakatingin sa akin with her glowing pink eyes.

" Huh? Bakit ko naman kakalimutan ang nangyaring iyon? Teka inuutusan mo ba akong magkwento sayo? Sino ka ba?! " mayabang kong sabi dito sa babae.

Napansin kong nagulat ito sa aking sinabi ngunit ngumiti rin naman " Forgive my rudeness , Im Caimie Steinweg. Nice to meet you Miss? " mahinhing sabi nito sa akin at inilahad ang kanyang kanang kamay. ( Steinweg - Pronounced as Steinway )

" uhm, Alyona Euphemia Eckhart " sabi ko naman dito habang inaabot ang kanyang kamay pero nagulat ako ng biglang lumabas ulit ung kulay asul na apoy rito na para bang ayaw hawakan ang kamay ni Caimie.

" Oh my! Y-You are a PureBlood Elemental Royalty and not just any Royalty! You're an Einzbern!! The Einzbern! " sigaw na sabi ni Caimie habang nakatingin sa umaapoy na kamay ko itinago ko naman ito at kusang nawala ang apoy.

Ano bang sinasabi nito? PureBlood nanaman? Kakainin rin ba ako nito?! Anung Royalty? At Anung Einzbern?!

" Uhm? Anung PureBlood? Einzbern? " naguguluhang tanung ko sakanya.

" I'll explain on the way, But right now we need to go before someone can smell you again. " sabi nito sabay pitik ng kamay niya at may lumabas na sasakyan at sumakay na siya rito.

" So? What are you waiting for? Let's Go! I know you dont have a place to go now right? " sabi nanaman ni Caimie sakin habang nakatingin sa mga bagahe ko.

Hindi na lamang ako nagsalita at inilagay ang aking mga gamit sa sasakyan niya at sumakay na rito.

Saan kaya ako dadalhin ng babaeng to? Anu ung pinagsasabi niyang PureBlood? At isa pa. Isa daw akong Einzbern? Ano yun?

-

Featuring Caimie Steinweg on the right! :)

wait patiently for the next update poo :)

The Power Within MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon