Chapter 49 : Her Dreams

11.4K 296 25
                                    

Alyona's POV

" Hime? "

Napalingon ako sa gilid ko at nakita si Lance-nii na nakaupo sa gilid ng kama ko.

" Okay ka lang? " sabi nito sakin na halatang nag-aalala.

Binigyan ko lamang siya ng ngiti at hinawakan ang kanyang kamay " Medyo okay na ko, Lance-nii. " sabi ko naman rito.

Naramdaman kong humigpit ang hawak niya sa kamay ko " Masakit parin ba ang ulo mo? " tanong nito. Napangiti ako nang haplusin niya ang aking ulo.

Tumango naman ako dito at pumikit muli, Sigurado akong nagcolasped nanaman ako kanina sa labas at nakita ako ni Lance-nii kaya ako narito sa kwarto ko ngaun.

Ang pagkakaalam ko ay nasa labas ako nang Mansion nuon dahil hinatid ko si Caelum, Nang papasok na ako sa bahay ay bigla na lamang sumakit ang aking ulo.

--

flashback // what happened earlier // still Aly's POV

Papasok na sana ako nang Mansion nang biglang sumakit ng husto ang aking ulo, napaluhod naman ako at hinawakan ng mahigpit ang aking ulo.

Masakit! Sobrang sakit!! Feeling ko bumibiyak ang aking ulo, Tulong! Ayoko maramdaman ito. Halos maiyak na ako sa sobrang sakit ng ulo ko.

" Peia! Come Here " pinilit kong imulat ang aking mga mata at nakita ang malabong mukha ng isang babae na nakatitig sa isang batang babae.

" No~ Sweetpeia, Come to daddy. " rinig kong sabi naman ng lalaking katabi nang babae kanina, " Daddy has candies! " nakita ko kung paano sumimangot ang babae.

" Cepheus! Madaya ka talaga! " sumbat naman nung babae kanina habang hinahampas ung lalaki.

" haha! what? Anassa its just that Peia really likes me. " rinig kong sabi nung lalaki at hinagkan ang babaeng katabi nito.

" Daddy, Why are you kissing mommy but not Peia? " napalingon ako sa batang babae kaya naman lumapit ang babae at lalaki sa batang babae at niyakap ito.

" Peia, Why are you jealous? You know how much Daddy and Mommy loves you right? " nakangiting sabi ng lalaki sa batang babae kaya naman ngumiti ito, Kinarga naman nang babae ung bata at nagsimula na silang maglakad papalayo sakin.

Naramdaman ko ang pagpatak nang aking mga luha. " E-eh? Ba-Bakit ako umiiyak? " tanong ko sa sarili ko habang pinupunasan ang aking mga luha na tuloy tuloy na bumabagsak.

Habang umiiyak ako ay napansin ko ang lugar kung nasaan ako, " Garden of Cassiopeia? " A-Anong ginagawa ko dito? Nakita ko ang Pavilion na napapalibutan ang asul na rosas.

Tumalikod naman ako habang tinititigan parin ang pamilyang nakita ko kanina na papalayo, Bakit parang gusto kong sumama sakanila. Bakit parang nasasaktan ako habang tinititigan sila, Bakit-Bakit ako nakakaramdam nang matinding kalungkutan habang tinitignan sila kanina.

--

" Hime " rinig kong sabi muli ni Lance-nii kaya naman iminulat kong muli ang aking mga mata.

The Power Within MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon