Daryl's PoV
Nakangiti kong hinatid sila sa labas ng bahay at kumaway sa kanila hanggang sa mawala na sila sa aking paningin. Pumasok sa bahay. Napabuntong hininga ako ng maramdaman ko na namang mag-isa na lang ako. Naupo ako sa sofa at napahawak sa tiyan ko. Napatigil ako ng maramdaman ko ang pagtulo ng aking luha. Tumingin ako sa aking tiyan at hinaplos ito.
"Pasensya na kayo mga anak ha? Kung umiiyak na naman ako. Wag kayong mag-alala... Hindi ko ipaparamdam sa inyo na wala ang ama ninyo." sabi ko pagkatapos ay ngumiti. Naglakad ako paakyat at natulog na.
Nagising ako na tanghali na. Kumain ako at uminom ng gatas na binili nila kahapon. Pagkatapos ay pumunta ako sa laptop na ibinigay sa akin ni Dark. Habang ang tatlong magkakapatid naman ay siyang nag-ayos ng mga CCTV at WiFi ngunit hindi ko naman ang mga ito makita sa paligid. Sabi nila, para daw hindi ito mapansin ng iba.
Ang Laptop na ibinigay ni Dark ay nakakonekta na dito kaya naman bubuksan ko na lamang ito. Sabi pa nila, kapag may di kilalang tao daw ang nakapasok sa bahay ay tutunog ang kung ano mang meron sila kay malalaman nila at agad daw silang pupunta dito. Na hindi ko masyadong maintindihan kaya hinayaan ko na lamang.
Nagsearch ako ng mga pwedeng gawin ng isang buntis upang hindi ako mahirapan sa panganganak. Pagkakita ko ng resulta ay agad ko namang tinanong ang mga ito kay Happy na masayang sinagot naman nito. Ngunit paulit-ulit akong pinapaalalahanan na mag-iingat ako sa aking pagkilos na siyang malugod kong sinusunod naman.
Natapos akong mag-exercise at kumain ng tanghalian. Wala akong magawa kaya naman napagpasiyahan kong maglakad lakad sa labas habang hinihimas ang aking tiyan na bahagya ng nakaumbok. At habang naglalakad na himas ang tiyan ay kumakanta kanta din ako ng iba't ibang magandang kanta.
"I love to hold you close, tonight and always
I love to wake up next to you
I love to hold you close, tonight and always
I'd love to wake up next to you""Same bed but it feels just a little bit bigger now
Our song on the radio but it don't sound the same
When our friends talk about you, all it does is just tear me down
'Cause my heart breaks a little when I hear your name""Cause love comes slow and it goes so fast"
Napatigil ako sa pagkanta ng matapat ako sa upuan na nasa isang parke ng village. Naupo ako dito at nagsimula muling kumanta. Ilang kanta pa ang aking natapos...
"Ooh, love, no one's ever gonna hurt you, love.
I'm gonna give you all of my love.
Nobody matters like you." Kanta ko habang nakatingin sa aking tiyan na aking hinahaplos.'I won't let anyone hurt, my babies' Pagsasabi ko sa sarili ko at tmayo na upang bumalik sa bahay na tinitirhan ko.
Napapapikit ako sa tuwing humahangin. Masarap sa pakiramdam ang hangin. Hindi mo kasi maaamoy ang kahit anong usok na galing sa mga sasakyan. Nakita ko din na ang mga dumadaang sasakyan ay parang may puting tela na nakatakip sa kanilang mga tambutso at may ideya ako dun.
Noon, sa eskwela, pinagawa kami ng ganun. Ang mga tinik ng isda ay inilagay namin sa tela pagkatapos ay itinakip namin sa tambutso ng sasakyan at laking tuwa namin ng wala itong inilabas na maduming usok. Siguro ay ganoon ang kanilang ginawa rito.
Malamig ang simoy ng hangin kaya naman ako'y inantok at sakto namang nasa tapat na ako ng bahay. Pumasok ako sa bahay at dumiretso sa aking kwarto. Binuksan ko ang bintana at inayos ang unan na inilagay ko sa duyan sa balkonahe ng kwarto at doon natulog.
Nagising ako sa narinig kong ingay na nanggagaling sa labas ng aking kwarto kaya naman bumangon ako at doon ay nakita kong nakalipat na ako sa kama pero...
'Sinong naglipat sakin dito?' Tanong ko sa sarili bago nagpasyang tumayo na upang tignan kung sino at kung bakit maingay sa labas ng aking kwarto.
Nakita ko sila Dark, Leo, Luca, Leoluca,Marco, at iba pang pinsan ni Happy pero nang ilipat ko ang aking mata sa ibang bahagi ay nakita kong may iba pang tao dito. At mukhang pinipigilan nila Dark, Leo, Luca, Leoluca at Marco sina Happy na tila gustong pumunta sa direksyon ko.
"Uhm... Hi?" Nahihiya kong sabi na ikinatigil naman nilang lahat at napalingon sa gawi ko.
"Daryllllllllllllll!" Sigaw nila na ikinagulat ko.
"Bakit po? Ano pong meron dito?" Takang tanong ko at mas lalong nagtaka at nagulat ng may dalawang nasa 30's ang mukha na kumaripas ng lapit sa akin at niyakap ako.
"Ár n-iníon! Airím uaim go mór thú!" Sabi ng mga ito habang yakap yakap ako. "Tá brón orm toisc nár aimsigh tú láithreach thú!" Sabi nitong muli.
"A-ano po?" Naguguluhang tanong ko.
"Oh! Sorry, my daughter. Ang ibig naming sabihin ay patawarin mo kami dahil ngayon ka lang namin nahanap. Forgive us, anak ko..." Paliwanag ng babae na may itim na buhok.
"Déanaimid cuardach i ngach ceantar, tír a bheidh tú ach ní féidir linn tú a aimsiú..." sabi naman ng gwapong lalaki na nasa 30's din ang mukha at redheaded ito gaya na lamang ng akin.
"Uhm... Happy?" Baling ko kay Happy at tumingin ng parang nanghihingi ng tulong.
"Uhm... We have a good feeling about you, daryl, that's why we decided to check you out and Marco found out that you didn't have parents and your husband's family put you out in that Hospital. So we decided to check your DNA and found out that you're our long lost cousin." Paliwanag nito.
Mabagal na nagproseso na utak ko ang sinabi niya at bigla ay nakaramdam ako ng pagkahilo kaya napakapit ako sa mga ito bago ako mawalan ng malay.
"Daryyllllllllllllllllllllllllllllllll!" Sigaw nila Happy.
"M'iníon!" Sigaw ng ama ko daw
"Princess!" Gulat na sigaw naman ng ina ko daw
BINABASA MO ANG
The Broken Wife
RomanceMahal ko siya. At tanggap ko na hindi niya ako mahal. Pero dahil sa mga magulang niya napilitan siyang magpakasal sa akin. Hindi ako mayaman. At isa lamang akong sekretarya ng ama niya. Kaya naman laking gulat ko ng sabihin nila iyon sakin. He's my...