Daryl's PoV
Pagkatapos 'kong maghugas ng plato ay lumabas ako ng kusina at nakita si Garrix na bumababa at mukhang galing siya sa kwarto ng mga bata at napatulog na ang mga ito.
"Pwede ka ng umuwi tutal napatulog mo na ang mga bata. Para makatulog narin ako." sabi ko sa kaniya.
"W-what? I thought..." sabi niya na ikinataas ko ng kilay. "Never mind. Okay. I'm going back tomorrow. Good night." sabi niyang muli at naglakad na paalis.
"Hmm." sabi ko at tumango. Napansin kong natigilan siya at muling haharap sa akin kaya naman inunahan ko na siya at mabilis na sinara ang pinto.
Labag man sa loob kong gawin iyon, ngunit pagod na talaga ako at gusto ko ng matulog dahil nagkaroon ng problema sa kumpaniyang pinagtatrabahuan ko. Dumagdag pang tumawag ang aking mga kuya na nagkaroon daw ng maliit na problema sa kumpaniya namin ngunit di ko na raw kailangan intindihin dahil naayos na nila ipinaalam lang nila sa akin.
Napabuntong hininga ako at umakyat na papunta sa aking kwarto upang matulog na ngunit bago iyon ay binuksan ko ang kwarto ng mga bata at hinalikan sila isa isa sa kanilang mga noo bago dumiretso sa kwarto.
KINABUKASAN ay nagising ako sa pagtunog ng aking cellphone kaya naman papikit pikit ko iyong kinapa at nakapikit ang isang matang tinignan kung sino ang tumatawag... Si Máthair.
"Hello Máthair? How are you? I miss you and Athair already."
"Oh... My princess! We miss you so much! And guess what? We're going back there soon!"
"Really?! I'm excited to see you now, mom. The kids are waiting too." napabuntong hininga ako ng maalala si Night. "Lalo na yung pasalubong niyo sa kanila."
'Pagdating na lang siguro nila.'
"Don't stress your self about that so much. You know that they're our first apo and only apo for now. So leave that to us. And also, remember what I'm always telling you?" paalala naman ni mom.
"Yeah." napabuntong hininga na lang ako. "Okay mom. I'm gonna go to the kids, talk to you later." sabi ko at tinignan ang oras.
"Sure. See you soon." sagot naman ni mom.
"Soon, Máthair." sabi ko at binaba na ang tawag.
**
Naligo na ako at nagbihis pagkatapos ay pumunta sa kwarto ng mga bata ngunit wala na ang mga ito roon. Bumaba ako sa hagdan at pumunta sa kusina dahil wala rin sila sa sala pagkarating ko roon ay nakita ko sila na kasama ang ama at nakayuko sila habang akbay ang bawat isa.Tila nagbubulungan ang mga ito at hindi napansin ang kaniyang presensya kaya naman naisipan kong lapitan ang mga ito na iniiwasang makagawa ng ingay.
Malapit na na ko sa kanila ngunit bago ko pa sila gulatin at humarap na sila sa akin at ako ang ginulat. "Good morning, mom"/"Hi mom." "Mommy!" "Wife."
Pare-parehong bati nila sakin. Huminga ako ng malalim at ngumiti sa kanila. "Good morning, guys. Anong pinag-uusapan niyo kanina?"
"Wala po!"/"Nothing!"/"Wala po yun. Heheheh"
Sabay sabay nilang sabi."Talaga? Pero bakit parang mayroon?" pagdududa ko pero hinayaan ko na lang sila at dumiretso sa may refrigerator upang kunin ang ulam na natira kagabi at ininit ito. "Sige maupo na kayo kung ganoon."
"Tulungan ka na po namin, mommy." masiglang sabi ni Zel pagkatapos ay lumapit sa akin agad ko namang ibinigay sa kaniya yung baso at nakita ko naman sina Sky at Al ay pumunta sa ref upang kumuha ng maiinom.
Tahimik kaming nagsikain at ng kami'y matapos na ay agad kaming gumayak. Gaya ng dati ay binigyan ko ng dalawang baunan si Zel at tig-isa naman kina Al at Sky. Pagkatapos ay hinatid naman kami ni Garrix sa aming pinapasukan.
BINABASA MO ANG
The Broken Wife
RomanceMahal ko siya. At tanggap ko na hindi niya ako mahal. Pero dahil sa mga magulang niya napilitan siyang magpakasal sa akin. Hindi ako mayaman. At isa lamang akong sekretarya ng ama niya. Kaya naman laking gulat ko ng sabihin nila iyon sakin. He's my...