Chapter 11

102 5 0
                                    


Daryl's Point of View

'Sleepy Heads' naisip ko na lamang.

Hinayaan ko na lamang muna silang magsitulog tutal tatlong oras pa naman bago ang oras ng pasukan nila. Inayos ko ang higaan nila at nilagyan sila ng kumot.

Sanay ang tatlo na kahit saan matulog dahil ayokong masanay sila na kutson lagi ang hinihigaan, hindi ko din naman sila sinasanay na kumain ng mga mamahaling pagkain ngunit hindi ko naman sila madalas pakainin ng mga delata, minsan lang din kami kumain sa labas.

Hindi ko kasi gustong masanay sila sa kahit anong may konekta sa pinaggagawa ng mga mayayaman. At kung magpapabili naman sila ng mga laruan ay tinuturuan ko sila na isa muna bago yung isa pa. Na sinusunod naman nila.

Pero hindi sang-ayon si athair sa pinapasanay ko sa mga bata ngunit naiintindihan naman niya ako kaya naman pinagbigyan ko silang kapag bumili sila ng mga mamahaling laruan ay tatanggapin ng mga bata ito.

Sabi ni athair, "Why letting them feel what an average people feel and do if we have a money to make them feel comfortable and fine? You know, daryl, my princess, we cannot bring our money to our graves, right?" na may punto naman.

Nag-ayos ako ng mga gamit ko at ng mga bata. Pagkatapos ay naghanda narin ako ng mga babaunin nila at nilagyan ko ng ekstra para sa batang sinapak noon ni Sky.

"Gising na mga anak..." malambing kong sabi pagkatapos kong maiayos ang mga gamit nila. At dahil mabilis lang silang magising ay agad naman silang bahagyang dumilat at kinusot ang kanilang mga mata na pinigilan ko. "Baka lumabo ang mga mata niyo, babies."

Ngumiti naman sila pagkatapos ay tumayo na. Inalalayan ko sila sa pagtayo pagkatapos ay pinaupo muna sila sa sofa upang ihanda na ang kanilang pagliliguan.

"Sinong unang maliligo?" tanong ko.

"Ako po muna, ma." agad na sagot naman ni Sky.

"Ako muna kuya para di ka na mainip sa paghihintay sa akin." sabi naman ni Zel.

Tumingin ako kay Sky na tumingin naman kay Al na tumango lang kaya naman pumayag na si Sky. "Okay princess. Pero ingat sa pagligo okay? Baka madulas ka." paalala nito bago hinatid ang kapatid papasok sa cr.

"Okay kuya." agad na sabi ni Zel at hinalikan ang kuya niya sa pisngi.

Pawang nakangiti kami dahil maganda ang aming paggising. "Sky tignan mo kung may takdang aralin ka. O kung may nakalimutan kang gawin, okay? Ikaw din Al, okay?" malambing paring saad ko sa kanila na ikinatango naman nila.

Lumapit ako sa kanila upang tulungan sila ngunit kapag kaya na nila ay agad ko namang sinisilip ang aking prinsesa at inaasikaso rin ito sa pagligo dahil hindi pa nito gaanong abot ang lalagyan ng mga sabon.

Pagkatapos ng isang oras ay natapos narin ang tatlo sa pag-aayos at paggawa ng mga takdang aralin nila at ngayon ay inihatid ko na sila sa school. "Mag-iingat kayo dito, ha? Wag sasama sa kung sino at wag tatanggap ng kahit anong galing sa ibang tao, okay?" Paalala ko sa kanila.

"Okay po mom." Sagot naman nila.

"And sky, wag makikipag-away, okay? At huwag mong hahayaang mawala sa paningin ninyo si Zel, okay ba?" sabi ko naman sa dalawa.

"Opo, ma. Don't worry about us. We're going to eat those healthy foods you give to us. You should eat healthy foods also, mom." sagot naman ni Sky.

"Wag kang magpalipas ng gutom, ma." agad na dugtong ni Al. At tumango tango naman si Zel.

"Sky, diba sabi ko wag kang mag-iingles? Nasa pilipinas tayo 'nak. At opo, kakain po ako ng masustansiyang pagkain." sabi ko naman at tumango pa kay Sky. Pagkatapos ay tumingin kay Al, "Tawagan mo ko pag may hindi kaaya ayang pangyayari ang naganap, Al ha?" paalala ko na ikinatango lang ni Al.

"Mom malelate ka na po." singit ni Zel. "Sige ka pagagalitan ka ng boss mo tapos kapag pinagalitan ka baka tanggalin ka po niya sa trabaho tapos magiging monster po siya baka po kainin ka niya, ma." mahabang sabi ni Zel na iginuguhit pa sa hangin ang mukha nung monster.

Tumawa naman ako. "O sige na nga. Aalis na si mommy. Mag-iingat kayo okay? Pasok na kayo sa classroom niyo." Sabi ko.

Nang makapasok na ang mga bata ay agad ko namang kinausap ang guro nila at kinamusta ang kalagayan ng mga anak ko kapag nasa klase.

"Wala namang gaanong problema, mommy. Maliban na lang kay Sky na palaaway. Kinakabahan nga ako at baka may makaaway siyang isang mayamang bata. Mahirap kalabanin ang ganoon, mommy." saad ng guro ng mga bata.

"Napagsabihan ko naman na po. Ipinangako niya pong hindi na mauulit." sagot ko.

"Mabuti naman kung ganoon. Sige na baka kailangan mo ng umalis ako ng bahala sa mga bata." muling sabi nito.

Tumango ako at umalis na. Ang trabaho ko ay isang employee sa factory. Dahil may mataas akong pinag-aralan ay mataas din ang ranggo ko kahit na kakatanggap lang sakin.

"INGAT kayo sa pag-uwu!" malumanay at nakangiting paalala ko sa mga katrabaho ko.

"Ikaw din po, ma'am!" nakangiti rin namang sagot ng mga ito.

"Pasensya na kung medyo ginabi na tayo kaysa sa inaasahan, para sana sabay-sabay tayong lahat na wala ng gagawin bukas." paliwanag kong muli.

Ala-sais na kasi ng gabi. Tinapos na namin ang dapat naming tapusin. Ang mga bata naman ay sinundo ng tita nila at pinasyal kaya hindi na rin ako muna umalis sa trabaho.

"Pwede muna kayong magpahinga bukas dahil marami pa namang stocks at ang trabaho lamang bukas ay ang packing and delivering." saad naman ng boss namin na hindi nalalayo sa aking edad.

Mabait ito at ang pamilya nito. Tumutulong din sila kapag nangangailangan ang isa sa mga trabahador dito kaya naman masaya akong mapasama sa kumpaniyang ito.

Mahal na mahal nito ang mga empleyo at ganun din naman kami sa kanila dahil napakabait ng mga ito at sobrang dedicated sa trabaho. Minsan nga'y inasar namin siyang tatanda ng binata ngunit nginitian lamang kami nito.

"Sige po, sir, ma'am. Mauna na po kami." sabi nila at umalis na.

Ako naman ay nakangiting tumuon dito at yumuko bilang pamamaalam at umalis narin.

Saktong pagkasakay ko sa sasakyan ay tumunog ang aking cellphone at nakitang tumatawag si Happy.

"Hello?" pagsagot ko.

"daryl nandito na kami ng mga anak mo. Nasaan ka na? Narito na rin sina kuya. Sabi kasi ng anak mo ay naparito raw ang gunggong. Buti na lamang matalino ang panganah mo't hindi ito hinayaang makapasok. Kaya naman nagmala red alert at ngayon ay naririto na nga sina kuya." mahabang paliwanag nito.

"Sige na. Pauwi na ako mamaya na lamang tayo mag-usap." sabi ko at pinatay na ang tawag.

Nagmamadaling pinaandar ko ang kotse pauwi. Kaya naman pala ganoon ang reaksiyon ni Al nung binuksan niya ang pinto.

At talagang hindi niya muna sa akin sinabi. Napabuntong hininga na lamang ako. Naiintindihan ko naman kung bakit hindi sa akin sinabi ni Al iyon. Marahil prinoprotektahan niya ako.

Nakakahiya mang sabihin ngunit masasabi kong parang hindi ako nagiging mabuting ina sa mga bata lalo na nung mga ilang taon pa lamang sila.

Marahil naninibago ako sa pag-aalaga sa kanila ngunit hindi iyon naging hadlang upang matutukan ko sila sa paglaki nila.

Kabisado ko ang bawat emosyon, nararamdaman at naiisip nila dahil ako ang nagpalaki sa kanila ngunit hindi iyon magandang dahilan upang makatakas ako sa katotohanang iyon.

Bata pa nga ako at marami pang dapat matutunan lalo na sa pagpapalaki ng mga bata ngunit gagawin ko ang lahat upang mapalaki sila ng maayos at may mabuting asal.

The Broken WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon