Chapter 3

32 1 2
                                    

Chapter 3

Coming Home

"So you know Optimus, Ive?" Trace asked. Napalingon ako sa kanila. Tumatawa si Philip at seryoso naman si Trace. Patawid na kami pabalik ng building namin. Tirik pa rin ang araw pero bearable naman kasi mahangin.

Umiling ako. "To be honest... no."

Tumango lang siya. Si Philip naman ay mukhang may itatanong pa base sa reaksyon niya.

"You don't really know him, Fontanilla?" bakas ang pang aasar sa kanyang boses. "But you know Renata?"

"Of course I know Renata, Cordova. Why are you asking ba?" I asked, irritated.

Tumawa si Philip. Si Renata 'yong new student sa kabilang section and also a friend of ours. Nakakasabay namin siya minsan mag-lunch if she's not too busy.

"Kilala mo si Renata pero 'yong brother niya... hindi?"

Natigil ako sa paglalakad. Namilog ang mga mata ko sa gulat. What the fuck? Magkapatid 'yong dalawang iyon? Lumingon ako sa kanilang dalawa. Natawa silang dalawa sa reaksyon ko.

"Nagka-issue si Renata coz they were seen together in a mall. Alam mo naman ang itsura ni Optimus at Renata. Akala ng buong batch natin ay may something sila... but Renata strongly denied that one, right?" said Trace.

"What the hell? Bakit hindi ko alam?"

"Kasi absent ka no'n. Pero kinwento naman ni Renata sa amin na kapatid niya talaga 'yon at nagpasama lang siya sa mall." si Philip.

Napailing na lang ako upon hearing the revelation. Kaya pala medyo may resemblance sila ni Optimus. Renata is fair also just like Optimus. Noong nakilala namin siya, Renata lang ang ipinakilala niya.

"But you've never really met Optimus before, Ive?" ani Trace. Umiling ako sa kanya.

"Friends yata sila ni Kuya T, e, what do you think?" tanong ni Philip kay Trace. Trace just shrugged his shoulders.

"Nga pala, how come kilala mo si Lazaro Honasan? And he called you princess, huh?"

Bumaling ako sa kanya. "I know Lazaro because he's friends with Kuya. As well as Calum Villafuente since lagi silang nasa bahay every weekends. So medyo close kami."

"Not just close... he called you princess like you're his sibling. I bet Calum calls you princess, too?" hindi makapaniwalang sabi ni Philip. I nodded as well.

Nagkatinginan kami ni Philip at sabay na natawa. Yep, bantay sarado po ako ng mga lalaki kahit sa bahay.

"Anong ginagawa nila sa bahay niyo?" Si Trace.

"Naglalaro sila o di kaya ay nagja-jamming nila Kuya." I said. He only nodded.

Iilan na lang ang tao sa room nang pumasok kami. Wala na si Miss Hermosa. But our classmates told us na pwede na raw mag-lunch since may program mamaya. Dumiretso na kami sa canteen para kumain. Pagtapos ay nagpasya na bumalik sa room. May mga tao na rin na kakatapos lang din kumain.

Uupo na sana kami when the bell rang. Natawa na lang kaming tatlo bago lumabas at dumiretso na sa Auditorium. Then the announcements and reminders of the Student Council started.

After two hours of listening, natapos na din. Nagpakilala lang ng iba't ibang booths and activities. One week ang Intramurals namin to be exact. And it will start on Monday after parade.

"Okay, people. Narinig niyo na ang mga reminders and I expect you to enjoy so no more activities and school works, alright? You may now go home," said our teacher before dismissing us early.

Waiting For Your LoveWhere stories live. Discover now