Note:
At dahil beerday ni Elijah Montefalco, may UD tayo! Hehe. Happy birthday, soldier!
#ElijahMontefalco28thAt28
---
Chapter 5
Mistress
Today is Sunday. We had fun yesterday. That morning, nakipagkamustahan kami sa isa't isa and then we had our lunch together in the garden. Nag-swimming sila hanggang sa mamulikat ang mga binti nila. And when evening came, we ate dinner. Our parents slept early than expected. We, girls, decided to have a movie marathon in the Entertainment Room while the boys played computer games up all night. Hindi nakapunta ang mga kaibigan ni Kuya kahapon kasi may mga lakad sila. They told me that they are actually thinking of visiting today.
"Kuya, tinawagan mo na ba sila? Baka pumunta na 'yong mga iyon dito." sabi ko sa kanya pagkalapit.
Galing ako sa taas at nagbihis muli ng damit. Pagtapos ay dumiretso sa garden na nasa likod bahay namin. And, oh boy. They are all pretty busy. Kauuwi lang namin dahil nagsimba kaming lahat.
Kasama siya ng mga pinsan kong babae sa pag aayos ng decorations dahil ang mga tatay namin ay nagse-set up ng ihawan. Naatasan sina Wyatt, Malcolm, Cairo, and Zackary sa pag aayos ng mga lamesa at upuan. Sina Mommy, Tita Hyacinth, Tita Emery at Tita Olivia ay nasa kusina at nagpe-prepare ng mga iihawin para mamaya.
Si Odreic ay nagrereklamong masakit ang ulo at dumiretso agad sa kwarto ko para matulog dahil tinatamad na raw siyang umakyat sa third floor kung nasaan ang mga guestroom namin. At si Hash naman ay naliligo ulit.
He glanced at me. "They won't. I called them already."
I nodded. Tagasabit siya ng mga paper streamers na ginupit at dinesign nina Emerald at Triana. Si Pristine naman ay taga abot sa kanya ng mga ito. Napabaling ang mga lalaki sa tinanong ko kay Kuya.
"Who, Ivory?" Wyatt asked, confused. Cairo crossed both of his arms while looking at me intently. Zackary raised his brow. Wow, hot seat.
"Lazaro and Calum. Lagi silang nandito kapag walang pasok. Hindi lang sila nakapunta rito kahapon kasi may mga lakad sila."
"We don't mind having them here but who are they?" Si Malcolm.
"They're my friends. I'll introduce them to you maybe some other time," Kuya said. They nodded and then they went back to what they are doing.
Para namang naghahamon ng away itong mga 'to. Napailing na lamang ako. The girls only giggled. Nag angat ako ng tingin sa langit. Magtatanghali na. Medyo masakit na sa balat ang sinag ng araw.
"Ive, 'di pa ba kayo aalis? Nasaan na 'yong kasama mo?"I heard Pristine asked.
I shifted my gaze to her and gave her a knowing look. "You know Hash, Pris."
Tumawa lamang siya sa sagot ko at nagpatuloy sa pagtulong kay Kuya. Tumingin ako sa suot na relo. 10:30 AM. I sighed heavily. Damn it.
Ang tagal naman no'ng isa. May gusto kasi kaming kainin para mamaya and Dad told us not to rely too much on Manang kaya nag-volunteer na lang kami ni Hash na mamili. May kanya kanya na kasi silang ginagawa at kami na lang ang natitirang available.
The backdoor opened. Napatingin ako roon. Lumabas si Hash na nakasuot ng white v-neck tshirt at maong pants. Ngumisi pa ito sa akin, halatang natutuwa na iritado na ako sa paghihintay sa kanya. Inirapan ko ito.
"Seriously? Napakatagal mo," puna ko. Lumapit ito sa akin at agad inatake ng pabango niya ang ilong ko. What the fuck? Ang tapang!
"Hash, mamimili tayo. Hindi tayo gagala. Nakakahiya naman sa pabango mo na aabot pa yata ng isang linggo kahit bumiyahe tayo pa-Mindanao."