Chapter 9

13 1 0
                                    

Chapter 9

Run

"Tangina. Ayos ah?" Kuya said in disbelief. Bahagya pang nakaawang ang mga labi. "Para kayong may mga patago kung makahingi kayo sa akin ng pera, ah?"

Nagsipagtawanan lamang ang pinsan ko sa sinabi nito. Nanghihingi kasi sila ng pera kay Kuya. Natuwa yata masiyado sa dami ng food stalls na nakita at naengganyong bumili.

Akala ko pa naman may mga pera, may mga wallet kasing dala. Props ang walanghiya. Natawa ako para kay Kuya.

"Nadale ka do'n, boi." I muttered under my breath while chuckling. 

Natapos ang parade kanina kaya maaga kaming nakabalik. May ilang speeches pa kaming pinakinggan tapos nag-announce si Kuya na pwede na munang magsi-kain bago magstart ang ilang mga activities.Dahil kalat ang tao, mas pinili naming sa harap ng Auditorium tumambay dahil hindi masiyadong mainit.

Sarado ang Audi kung kaya't sa labas nito, sa may bandang entrance ay may ilang mga Grade 12 na nag aayos ng kanilang booth. May nakita akong karatula na may nakalagay na Jail Booth.

Sila pala ang mago-operate ngayong taon, last year kasi sila Kuya. Sino kaya ang mga huhulihin mamaya?

Tumingin ako sa kanya, nakangisi. "Barya lang sa'yo 'yan, Kuya, sige na."

Pinapalibutan siya ng mga pinsan ko at nakalahad ang mga palad. Nasa tabi lamang ako at pinapanood silang parang mga batang nanghihingi ng pera sa kanilang tatay.

Nalukot ang mukha niya sa sinabi ko. Umatras siya dahil lalo siyang nilalapitan ng mga ito habang nakangisi.

"Teka teka, bakit ako lang? Nandiyan si Ivory, oh? Damay niyo din. Ano, ako lang ba anak ni Atty. Augustus Fontanilla tsaka ni Atty. Carina Fontanilla, ha? Siya din naman, ah?" Parang batang ungot nito, bahagya pang nakanguso.

Natawa ako nang malakas. Tangena. Nagturo pa. Awit 'yan, sir.

"Oh sige para sa ikatatahimik ng kaluluwa mo, maglalapag ako." kinuha ko ang wallet ko at naglabas ng 500.

Hindi pa sila nakakapagdiwang sa nilapag kong pera ay dinukot na ito ni Odreic mula sa kamay ko. Siya kasi ang pinakamalapit sa akin.

"Ang saya nito, sir!" sigaw nito bago tumakbo nang mabilis.

Naghagalpakan sina Triana, Emerald at Pristine sa ginawa nito bago hinabol si Odreic para makihati sa binigay kong pera. Natawa din ako dahil muntik pang makabunggo ang gunggong habang tumatakbo papunta sa mga stalls.

The boys immediately groaned. "Tangina mo, Odreic! Kawatan kang hayop ka!"

Napailing na lamang ako. Nagagawa nga naman ng gutom. Lumingon lahat ng lalaki kay Kuya na akala yata ay nakaligtas na.

"Ano? Lapag din, tsong."

"Inuman ba 'to? Bakit kailangang mag-ambag ako? Hindi nga ako umiinom sa pagkakaalam ko." angal pa rin ni Kuya. Napatingin ako rito ng masama. Ayos, ah?

"Aba, tsong. Ang daming ngawa. Ako nga rin hindi umiinom pero nag-ambag na, partida, wala ka pang naririnig na reklamo." angal ko din.

Agad na natawa ang mga pinsan kong lalaki sa sinabi ko dahilan para kutongan nila lalo si Kuya. Pinagmasdan ko sila. Etong mga 'to akala mo mga walang pera. Lalo na 'tong si Ryko at Trench, akala mo mga hindi sumasahod, e. Hmp.

"Pag ako nainis, malapit na ako maasar." Hash said seriously. "Nagugutom na ako, Theodore Isaiah."

"Ano raw? Pag ikaw nainis, malapit ka na maasar? Ewan ko sa'yo!" Sabi ni Ryko sa kapatid niya bago tumawa. Nagtawanan din sila dahil sa sinabi ni Hashshashin pero hindi si Kuya. Nainis pa nga yata. Haha.

Waiting For Your LoveWhere stories live. Discover now