Chapter 7
Complete... and Contented
Kasalukuyang naglalakad kami ni Hash papunta sa Parking Lot kung saan naka-park ang Raptor. Bumusina si Kuya James sa di kalayuan. Tumakbo kami palapit at agad sumakay sa sasakyan.
"Natagalan yata kayo, Miss Ivory, Sir Hash?" tanong ni Kuya habang pinapaandar ang sasakyan paalis. Napatingin ako kay Hash na nakasandal ang ulo sa bintana, nakatulala.
Ngumiti ako. "Mahaba po ang pila sa EDSA este sa Krispy Kreme, Kuya. Na-traffic po kami." Biro ko. Natawa na lang ito at nagpatuloy sa pagmamaneho.
My cousin was pulled from his reverie when he heard what I said. He laughed. "Loko ka talaga. Na-traffic, huh? Na-traffic ka kamo kay Optimus. Yiee." sabay sundot sa pisngi ko. Naiiritang inilag ko ito sa kanya. Pinagsasabi nito?
"Tss."
Natigil ito sa pagtawa at umakbay sa akin.
"Ang weird ng name niya, ha. Sana naman hindi Sentinel o Megatron ang pangalan ng erpats niya." He sighed, worried.
Binatukan ko siya. "Siraulo!"
Bumunghalit ako ng tawa. Sinalo niya ang kamay ko at natawa din sa sinabi. Yawa ka, Hashshashin Arc! Sentinel? Megatron? Kakanood niya 'to ng Transformers e. Tawa pa din ako nang tawa. Bwisit na ito.
"What? I am damn serious, okay!" He said while chuckling. "Baka nga talaga Sentinel o Megatron ang pangalan ng erpats niya."
I shook my head. "Baliw ka talaga, Hash."
Nanliliit ang mga mata nitong nagtanong sa akin. "Nga pala... paano niya nalamang may bahay kayo sa Dalmore?"
When I told Optimus earlier that we live in The Continental, he immediately asked what happened to our house in Dalmore. It's a village in Makati. May bahay si Daddy sa Dalmore kasi nandoon din ang law firm niya. Nung nagpakasal sila ni Mommy, tumira kami doon ng ilang taon. Grade 7 si Kuya nung lumipat kami while me, I am still in Elementary at the time.
Kumunot ang noo ko. Oo nga 'no? "Siguro invited siya nung nag-birthday si Kuya doon? Probably his 12th birthday kasi 'di ba nandito pa kayo sa Pilipinas no'n? Hindi pa kayo umaalis papuntang Los Angeles."
"Hmm. Siguro nga," He answered. Naka-akbay pa rin ito sa akin at sumandal siya muli sa bintana kaya nasama ako. Umayos ako ng upo at sumandal na rin sa kanya.
Why are we living in The Continental now? May agreement kasi si Daddy at ang mga kapatid niya na kapag lahat sila ay nakapag-asawa na, they will all live in the same village. So simula nung lahat sila ay nagkapamilya na, they chose the most high-end village here in Manila, The Continental. Sinong mag-aakala na ang pinakabunso sa kanila ang mauunang masakal este ikasal, si Tito Licinius. Pangalawa si Tito Jonathan. Sumunod si Daddy at panghuli si Tito Pablo.
Pagdating sa bahay ay dumiretso kami ni Hash sa garden kung saan naghahanda na sila ng mga plato at pagkain na mukhang kakatapos lang lutuin.
Sumigaw si Hash. "Kainan na! Sakto ang dating ko! Ang galing ko talaga!" sabay baba ng anim na box ng Krispy Kreme na bitbit nito sa may isang sun lounger.
Nakita ko ang mga pinsan kong hindi pa yata balak magbihis at nakabalot lamang ng tuwalya. Paniguradong maliligo pa itong mga 'to pagtapos kumain. Napailing na lamang ako at itinabi sa sun lounger na pinaglapagan ni Hash ng mga box ang plastic bag na hawak ko.
Nagtawanan ang mga nakarinig. Tito Licinius and Tita Hyacinth both shook their heads. Ang takaw talaga nitong lalaking ito.
Lumapit ako kila Mommy at Daddy para humalik at magmano. Umambang lalapit si Kuya sa akin na nakasimangot ngunit itinaas ko lamang ang index finger ko sa kanya.