Ina
Ang makasama ang aking ina ay ang pinakamaganda at hindi ko malilimutan na alaala sa buong buhay ko.
"Anak, kumain ka na riyan at mag handa ng iyong sarili dahil aalis tayo maya-maya," saad ni Mama na agad kong ikinatuwa. Dahil sa tuwa madali kong natapos ang pagkain at pag-aayos ng sarili.
Dali-dali akong bumaba at diretsong pumunta sa silid ni Mama. Nakatatlong katok ako sa pinto bago ako nito pinagbuksan.
"Oh, anak. Ang bilis mo namang nakapag-handa," natatawang saad ni Mama. "Labis ka naman na nasabik sa sinabi ko sa iyo," dagdag pa nito. Ang ngiti sa labi ng aking ina ay talaga namang nakakahawa. Ang ngiti nito ay nagpapangiti rin sa akin.
"Siyempre naman, Ma. Sino ang anak na hindi masasabik 'pag sinabi ng ina niya na aalis sila? Natitiyak kong sila ay nasasabik din tulad ko."
"Ikaw talaga," saad nito at pinanggigilan ang pisngi ko. "Oh siya, hintayin mo na lang alo sa labas, mag bibihis lang ako," dagdag pa nito na tinanguan ko.
Lumipas ang ilang minuto at sa wakas ay handa na ang aking ina. "Ma, bagay na bagay sa iyo ang damit na 'yan," pagpuri ko sa ganda niya. Purong katotohanan ang sinabi kong iyon, bagay na bagay sa kaniya ang suot niyang simpleng puting kamiseta at pantalon. Tunay talagang napakaganda ng aking ina.
"Bolera ka talagang bata ka, halika na nga at ng makaalis na tayo," saad nito at hinila ako papasakay sa isang tricycle.
"Ma, saan po tayo pupunta?" puno ng kuryosidad na tanong ko.
"Malalaman mo mamaya, anak," sagot nito na ikinalawak ng ngiti ko. Mahilig talagang mang surpresa ang ina ko. ang swerte ko at siya ang naging ina ko.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa lugar na gustong-gusto kong mapuntahan at ito ay ang Enchanted Kingdom.
"Ala! Ma, thank you. Thank you po," halos tumalon sa tuwang pagpapasalamat ko.
Never pa akong nakapunta dito sa Enchanted Kingdom kaya laking pasasalamat ko kay Mama.
"Walang anuman, Anak," saad nito at hinila ako papasakay sa rides. Iba't ibang rides sa enchanted kingdom ang nasakyan namin ni Mama pero kahit na ganun hindi kami nakaramdam ng pagod. Hindi nawala ang ngiti sa mga labi namin ni Mama.
"Handa ka na bang sumakay sa ferris wheel, Nak?"
"Handang-handa na ako, Ma," saad ko at ako na mismo ang humila kay Mama papasakay doon.
Bago kami sumakay sa ferries wheel, pinagsalikop ko ang kamay namin ni Mama na animo'y ayaw ko siyang mawala sa tabi ko. Gumalaw ang ito hanggang sa mapunta kami sa tuktok nito. Agad na sumilay ang ngiti sa aking mga labi ng makita ko ang maganda tanawin mula roon.
"Ma, salamat po. Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na ito," saad ko at inakap si Mama. "Walang anuman, Anak. Gagawin ko ang lahat para sayo. Mahal na mahal kita, Anak ko," saad ni Mama at inakap ako pabalik. "Mahal na mahal din ki—"
"Ella," pagtawag sa akin ng malumanay na boses ng aking pinsan. Tumulo ang luha sa aking mga mata ng hindi si Mama ang una kong makita sa aking paggising.
"Ella, 'wag ka ng umiyak andito lang ako, kami para sa iyo. Hinding-hindi ka namin papabayaan. Tahan na," pagpapatahan nito sa akin at inakap ako ng mahigpit. Nang dahil sa yakap niyang iyon ay mas lalo akong naiyak.Mas lalo kong naalala si Mama dahil sa yakap niyang mahigpit. Ma? Asan ka na? Miss na miss na miss na kita. Diba, ayaw na ayaw mo po akong makita na umiiyak o nasasaktan. Bumalik ka na po, Ma. Pangako, kapag bumalik ka hinding-hindi na ako iiyak.
"Ella, nagsisimula na ang programa na hinanda natin para sa huling gabi ni Auntie Elizabeth, gusto mo bang alayan siya ng mensahe?" tanong sa akin ng pinsan
Pinunasan ko ang mga luha ko at ngumiti ng tipid. "Susunod ako, Ate," tugon ko na tinugunan niya ng isang ngiti. Pilit kong nilakasan ang loob ko.
Lumapit ako sa salamin at pinagmasdan ang aking sarili. Kaya mo 'to, Ella. Kaya mo 'to.
Dahan-dahan akong lumabas sa aking silid at dumiretso sa sala kung saan kitang-kita ko ang ataul na kinalalagyan ng walang buhay na katawan ng mahal kong ina.
Nangangatog ang mga binti na lumapit ako sa ataul na ito at pinagmasdan ang maaliwalas niyang mukha. "Ma, salamat sa lahat. Mahal na mahal po kita," ang tanging nasabi ko at inakap ang ataul na kinalalagyan nito. Mama, pasensiya na po kung hindi ko nasabi sa iyo kung gaano kita kamahal. Sorry po dahil hindi ko na sabi sa iyo na nasw-swertehan ako sa sarili ko dahil ikaq ang naging Ina ko. Kung papipiliin man ako kung sino ang gusto kong maging ina, ikaw at ikaw pa rin amg pipiliin ko, Ma. Kung nasaan ka man po ngayon sana masaya ka po, pinapangako ko pong aalagaan ko ang sarili ko para hindi ka po mag-alala. Mahal na mahal kita, Mama.
Muli kong pinagmasdan ang maaliwalas na mukha ni Mama. Pinagmasdan ko ang mga tao sa paligid ko, umiiyak sila habang nakatingin sa akin na akap-akap pa rin ang ataul ng aking ina.
Habang nagmamasadi ako, bigla na lamang may pumasok sa isip ko dahilan upang ma-realized ko na kailangan ko ng pakawalan ang aking Ina, na kailangan ko na siyang i-let go upang makapagpahinga na siya.
They say, “You have to let people go. Everyone who is in your life are meant to be in your journey but not all of them are meant to stay till the end.”
And my mother is one of the people who are not meant to stay in my journey untill the end. And letting go is what I need to do to my Mom, I will now going to let her go even if it will make my heart tear into pieces.
I love you so much, Mama. I will take care of myself for you. Until we meet again my beloved mother.