A Sibling's Love
"A 40 years old woman, who returned from Philippines in November, dies in Makati City Hospital after he was admitted with symptoms including cold, high fever, and breathing complication."
Napabuntong hininga na lamang ako ng marinig ko ang balitang iyon. Padami na ng padami ang cases ng corona virus dito sa Pilipinas at iba pang bansa. Madami nang tao ang natatakot dahil dito at isa na ako roon. Hindi ako makakapayag na ang isa sa amin ay madapuan ng virus na ito, lalo na ang kapatid ko. Hindi ko kakayanin kung sakaling madapusn siya nito.
"Ate, suspended na ang classes namin," saad ni Bella. Si Bella ang nakababata ko na kapatid, ako na ang nagpapaaral sa kaniya dahil sa binawian na ng buhay ang aking ama. Ang ina naman namin ay namatay sa panganganak kay Bella kaya hindi na niya ito nakilala. Pero, lagi kong sinasabi sa kaniys na mahal na mahal siya ni msms simuls nang nasa sinapupunan pa lang siya.
"Mabuti naman. Mas mapapanatag ako kung ganoon," saad ko rito at nagsimula ng ayusin ang gamit na dadalhin ko sa aking trabaho. "Huwag na huwag kang lalabas ng bahay, Bella. Aalis na ako," dagdag ko pa at niyakap siya bago umalis. "Mag iingat ka, Ate Alice," saad nito na sinagot ko ng tipid na ngiti. "I love you, Ate," pahabol pa nito na nag dulot ng saya sa akin. Napakalambing talaga ng kapatid ko.
----------
Lumipas ang ilaw araw, nagsimula akong umubo at bumahing ng bumahing. Hindi ko iyon inalintana dahil sa pag aakalang ito ay simpleng ubo at sipon lamang. Ngunit, nagdaan muli ang ilang araw, hindi na lamang ito simpleng ubo at sipon. Nilagnat na ako at nahirapang huminga. Hindi ko hinayaang makalapit ang nakababata kong kapatid ng mga araw na 'yon dahil nahihinuha ko na kung ano ang nangyayari. Nahihinuha ko nang tinamaan ako ng corona virus na 'yon.
Agad akong tumawag ng ambulansya upang mag pahatid sa isang hospital. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin sinasabi sa aking kapatid na tinamaan na ako ng virus na iyon, ngunit na titiyak ko na alam na niyang meron ako nito. Matalinong bata ang kapatid ko at gusto niyang maging doktor paglaki niya kaya tiyak na alam na niya ang kalagayan kong ito.
Lumipas ang ilang minuto ay narinig ko na ang nakakabinging ingay ng isang ambulansya. Tiyak na ito na ang tinawagan ko.
Narinig ko ang katok ni Bella sa pinto ng silid ko. Agad na nangilid ang luha ko ng dahil doon. "A-ate? M-may n-nag hahanap s-sa'yo," saad nito. Basag na ang kaniyang boses, alam kong umiiyak na ang kapatid ko kaya tumulo na rin ang aking mga luha.
"P-papasukin m-mo na s-sila, B-bella," nauutal-utal na saad ko. Nahihirapan na naman akong huminga, hindi ko alam kung dahil ba ito sa pag-iyak o dahil sa letseng virus na 'to.
Bumukas ang pinto ng aking silid at nakita ko roon na nagwawala ang aking kapatid na gustong-gusto na lumapit sa akin. Pinipigilan siya ng mga nurses sa paglapit ngunit nahihirapan ang mga ito.
"Ms. Salvador, isasakay na ho namin kayo sa ambulansya," saad ng isang nurse. "N-nurse, maari ko h-ho ba m-munang m-makausap ang a-aking kapatid? Kahit ho sa m-malayuan l-lang. M-mag papaalam lang ako s-sa kaniya," saad ko na sinagit nitong tipid na ngiti.
"B-bella," pagtawag ko sa kapatid ko. " Mag iingat ka kapatid ko. 'Wag na 'wag mong papabayaang ang iyong kalusugan," saad ko rito na dahilan upang hamagulgol ito.
"A-ate, mag iingat po ako. Aalagaan ko ang sarili ko, pangako iyan. Kaya dapat lang na mangako ka rin sa akin na lalaban ka. Na hinding-hindi mo ako iiwan," utal-utal nitong saad dahilan upang madurog ang puso ko. Hindi ko kayang makita ang kapatid ko na umiiyak, na nasasaktan.
"Pangako, Bella. Lalaban ang ate. Mahal na mahal kita," saad ko na agad niya namang tinugunan. "Mahal na mahal din kita, Ate," saad nito. Dahan-dahan na akong sinakay sa wheelchair na isang nurse. Bago ako tuluyang makalabas sa aking silid ay muli kong sinulyapan ang aking kapatid at nginitian ito. Magkikita pa tayong muli, Bella. Lalaban ang ate.
---------
Sa pamamalagi kp sa hospital, lahat ng bilin ng doctor ay sinunod ko. Lahat ng pinapainom na gamot ay ininom ko ng walang reklamo. Pero, imbes na lumakas, mas lalo akong nanghina.
Hinayaan ng mga doctor na bumisita ang kapatid ko dahil siguro sa kadahilanan na alam na nilang hindi na kayang lumaban ng katawan ko.
Dahan-dahang lumapit sa akin ang kapatid ko, suot-suot niya ang mga sinusuot ng doctor at mga nurses na pumapasok sa silid na inuukopa ko.
"A-ate," pagtawag nito sa akin. Mahahalata sa boses niya ang labis na lungkot na nararamdaman. "B-bella, s-sorry," ang tanging nausal ko.
"Ate, hindi mo kailangan mag sorry. Alam kong kaya mo, kaya mo 'tong lampasan. Nangako ka sa akin na lalaban ka at pinanghahawakan ko iyon. H-hindi ko kayang mawala ka, Ate. Hindi ko kaya," saad nito at humagulgol. "Sorry, B-bella. S-sorry. H-hindi na k-kaya ni a-ate. H-hinang-hina na a-ako," pag-amin ko rito.
Napalakas ang hagulgol niya ng dahil doon. Ang sakit, ang sakit na makita ang kapatid mo na nasasaktan ng dahil sa'yo. Bakit kasi nagkaroon pa ako ng virus na ito? Mali mang isipin ito ngunit bakit sa lahat ng tao ako pa? Bakit ako pa?
"B-bella, t-tahan na," pag-aalo ko rito. Bumuntong hininga muna si Bella bago pinunasan ang kaniyang mga luha. "A-ate, p-papakawalan na k-kita. Pangako, g-gagawin ko ang lahat upang m-matupad ang mga p-pangarap natin. Ipinapangako ko rin na aalagaan ko ang sarili, kaya huwag ka ng mag-alala, Ate. Kakayanin ko 'to. Mahal na mahal kita," saad nito na dahilan upang tumulo ang mga luha ko.
"Mahal na mahal din kita, Bella," I said and flashed a genuine smile. Muli kong naalala ang mga pagsubok na kinaharap naming dalawa. Marami na kaming nalagpasan na pagsubok at alam kong marami pang pagsubok ang kakaharapin ng kapatid ko. Gusto ko mang manatili at tulungan siya ngunit oras na para mawala ako. "Hanggang sa muli nating pagkikita, kapatid ko. Mahal na mahal ka ni a-ate," saad ko at aabutin sana ang kaniyang mga kamay ngunit parang naparalis ang buong katawan ko at bumigat ang aking talukap hanggang sa hindi ko na nakayanan. Unti-unti na akong nilamon ng dilim.