CHAPTER 1 lost

25 3 0
                                    

Flara's POV

"For me, she is the best mother, hindi ko man masabi sakaniya parati pero atleast naiparamdam ko parin, I just can't stand the fact na maaga siyang mawawala samin ni Dad, and I just want to blame the world, blame myself, kahit na wala naman akong ginawa."

Nakita ko ang pagiyak ni Dad, at mas lalong bumuhos ang luhang pinipigilan ko kanina, andito rin ang mga kapatid ni mom at mga kapatid ni dad, pumunta rin ang mga kaibigan nila mom and dad at nagsisiiyakan rin.

I can see lolo and lola in both sides, mas nauna pa si mama kaysa sakanilang pumunta.

Hindi ko masyadong matanaw ang dalawang bisita sa pinakalikod na upuan, kung kaya't napa kunot ako ng noo.

"Please bear with me today kung di ko kayo ma entertain ng maayos." Ngumiti ako at ipinagpatuloy ang aking speech.


Nailibing na si mom at halos mahimatay ako sa kakaiyak, si dad sa tabi ko ay halos di na makahinga kaya tumawag kami ng medical team para umasikaso sakaniya.

"Condolence Flara....." May nagsalita sa likod ko at nakita ko si Izaac at si Zica na magkaholding hands, at mas lalong bumigat ang pakiramdam ko. "Thanks." Mahina kong sambit at inabutan ako ni Zica ng tissue at tinanggap iyon, pilit akong ngumiti sakanila atsaka sila umalis.

Tinitignan ko lang ang puntod ni mommy. No words can explain the way my heart shutters into pieces, parang gusto ko nalang sumuntok ng tao, nanginginig ang kamay ko habang umiiyak.

"Ma'am Flara, kailangan na po nating umuwi, si Sir Leandro po kailangan niya nang magpahinga." Sambit ng assistant ni dad sa opisina.

Tumango ako at walang ganang tumayo, inalalayan niya ako at pinuntahan si dad "Dad, let's go?" Pilit akong ngumiti sakaniya habang mahigpit na hinawakan ang kamay niya.

"This way Ma'am Flara." Iginaya niya kami sa kotse at sumakay kami ni dad, he is still quiet, siguro mas doble ang sakit na nararamdaman niya kaysa sakin, sino ba namang hinde kapag ang asawa mo na ang namatay?

"Dad, take your meds." Iniabot ko sakaniya ang gamot niya at tubig, ilang saglit pa siyang nakatingin sakin bago niya kinuha, ininom niya ito at tumingin ulit sa labas.

Naging tahimik ang byahe at ni walang kayang umimik. Tanging kanta lang sa radyo ang nag iingay sa kotse.

Nang makarating kami ay inalalayan namin si dad na bumaba, He is already 52, while mom is 50. nanghihina na rin ang mga buto niya mas lalo na't panay kayod sa trabaho, medyo mas madali noon dahil nag tutulungan sila ni mommy sa company, pero ngayon hindi ko na yata alam kung makakaya pa ni dad.

"Go get some rest, Flara. Ilang araw kang hindi natulog." Pagpasok namin sa bahay ay para kaming binagsakan ng langit at lupa, wala nang sasalubong sa amin ni papa after ng work niya at work ko sa isang Magazine Production Company.

"Halos di ko na mapansin itong bahay, nang nawala si Miriam, wala nang sumasalubong sa atin...wala nang laging yayakap sakin, wala nang nagpapangiti sa akin kapag malungkot ako, wala nang...."

Humagulgol si dad at agad ko siyang niyakap, this situation really hurt us, hindi ko alam kung anong mangyayari bukas at susunod na araw nang wala na si mommy, kami nalang ni daddy dahil wala naman akong kapatid.

ConstellationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon