CHAPTER 3 Fired

17 2 0
                                    

I really think that I should just go to work, kaysa naman sa nangyayari dito sa akin sa hospital.

And mark my words I. HATE. HOSPITALS.

"Oh Miriam! Halika dito! Ang sarap nito oh, hmm..." Because of him, my day is ruined!

Let's elaborate his actions inside this room! And I hate it!

Number 1, before he enetered dad's room ay nakahawak pa ito ng camera! is he vlogging us?! I hate it!

Number 2, sobrang ingay niya! To the point na nag eecho pa ang boses nito! Buti naman sana kung angelic voice, 'di naman!

Number 3, sobrang feeling close, gusto makipag friends kahit ayaw ng kausap niya, nakakairita.

Last but not the least, sobra ang lapit niya sa tatay ko.

SOBRA.

"Stop calling me Miriam! And can you lower your voice? Nag eecho sa buong room eh." Tumatawa lang siya habang kumakain, nag uusap sila ni dad na parang anak niya.

Hello? I'm here dad!

Napabuntonh hininga ako at napaupo sa couch, sayang ang tulog ko! Halos alas mag aalastres na at 'di parin umuuwi 'tong si Paul.

Parisha texted me that she already got home, I don't know why she texted me, maybe she think that I am concern.

I am concern!

Imbes na mainip ako dito dahil kay Paul ay kinuha ko nalang 'yung laptop ko at tinapos ang report.

Onting push nalang at pwede ko ng i-email kay tita Iza, wish me luck nalang na wala doon ang nanay ni Izaac, she will be the one ruining my reputation.

One time, habang nasa office kaming lahat, we were surprised that she is there, all we thought she's going to visit tita Iza, but guess what?

Siniraan niya ako at sinabing nag pabuntis ako sa iba noong kami pa ni Izaac, gossips everywhere, nakatingin sa akin na parang nagtatanong.

And luckily dumating si Tita Iza at sinabing mag uusap sila ng 'private' umalis na din siya and there, ipinagpatuloy parin namin ang pagtratrabaho.

I don't know kung anong sinabi noon ni Izaac, but I got this text na sabing 'maswerte ka sa anak ko,Whore!'

Who else would've texted me that? Syempre mama niya.

I still remember that painful memory.

"Miriam!" Napanalik ako sa realidad ng may sumigaw, I looked at my side at andoon na si Paul na naka hawak ng camera.

"Why the hell are you shouting?" Ngumuso siya sa akin na parang nag papacute, eww.

"Makikihiram sana ako niyan, kailangan ko lang i-upload itong bagong bidyo ko, pwede ba?" His filipino accent and language is so fluent, unlike me taglish.

"No, and ayoko." Tinalikuran ko siya at kinuha ko ang laptop ko, agad naman siyang lumapit sa akin kaya iniharang ko ang likod ko sakaniya.

"Sige na Miriam."

"Stop calling me Miriam." That's my mother's name. Pero dahil makulit siya, umuusog parin siya sa akin.

"Can you stop?! I'm finishing my report here!" Bulyaw ko sakaniya, and luckily he stop.

Malapit naman na itong report ko, siguro mamaya ipahiram ko, 'di naman kasi ako madamot, kapag kasi akin, akin na muna.

I don't share what's mine.

"Miriam pahiram na—"

"Isa pang tawag mo ng Miriam sa akin at 'di ko 'to ipapahiram." Bigla siyang tumahimik at umupo ng tuwid na parang namimilosopo.

ConstellationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon