Paul's POV
"You accidentally deleted my report!"
Nagulat ako sa sigaw ni Flara kaya napaatras ako "Do you wanna know how much time that I need to finish that?! Nakasalalay doon ang trabaho ko at ang future ko! and you easily deleted it!" Eh, 'di ko naman kasi alam na ganoon palang report ang ginagawa niya, ang alam ko lang ay nag rereport siya.
Di naman kasi ganyan sa lugar namin, onti lang ang gadgets at mga gamit na nandito sa syudad, andito lang kami kapag may trabaho at kapag may mga nag bibigay ng mga trabaho.
"Accidentally lang naman Miriam, atsaka pwede ko 'yan agad maibalik—" Galit na galit?, napa ngiti nalang ako sakaniya para kumalma siya kahit onti, mahirap na kapag nasuntok nito ang gwapo kong mukha.
"Accidentally or not, ikaw ang rason! get lost before I can't control myself." Ako ba ang tinakot niya? Laking hirap ako at 'di kami sumusuko kahit ano mang sabihin ng iba.
Di parin ako umalis at napag pasyahang mas inisin nalang siya, kaya ngumit ako sakaniya.
Nakita ko kung paano siya napatampal sa kaniyang noo.
"You're not leaving huh?" Pero tumayo ako at bumulong kay tatay Leandro.
"Tatay, babalik ako mamaya ha? Ang lakas naman pala ng anak niyo tay."
"What are you doing?!" Sigaw ni Flara.
"Sige anak, bilisan mo at baka ako pa ang matuluyan." Tumawa kaming dalawa at lumapit ako sakaniya para hawakan ang kamay niya. "What is your problem human?"
"Wag ka na magalit misis ko, aayusin ko 'yan para 'di ka na magalit." Binitawan ko ang kamay niya at mabilis akong tumakbo.
Lumabas ako at kumuha ng sasakyan papunta sa bahay namin, ang pinaka dulong bahagi ng Polaris.
Ang Polaris ay may urban at rural, at kabilang kami ni ate sa rural.
Si ate ay nag tratrabaho sa isang coffee shop rito sa syudad, dito siya ipinasok ng ex niya dahil sila ang may ari nitong café.
Naks naman si ate, may pa ganyan ganyan pa siya.
28 years old si ate samantalang 27 ako, sabi nila wag ko na raw tawaging 'ate' dahil isang taon lang naman ang agwat namin.
Pero ganito kami pinalaki nila nanay at tatay, pinalaki kaming kahit may mga matatapobreng tao ay respetuhin parin sila pagka't karma daw ang papatay sakanila.
Noong highschool ako ay naging scholar lang ako sa isang mayamang eskwelahan, 'di na nahirapan si nanay at ate sa pag aaral ko.
Pati rin si ate, pero buti siya ay may mga naging kaibigan siya na tumulong sakaniya, naging close rin kami kaya buti nalang tinulungan niya kami.
Namatay si tatay noong tatlong taong gulang ako dahil sa aksidente niya sa dagat.
Kaya't ayaw kong pumupunta sa mga dagat dahil naalala ko ang nangyari.
"Oh nay, magandang gabi po, mano po." Saad ko kay nanay, nakita ko siyang nakatingin sa kawalan at tinitignan ang palubog na araw.
May sakit si nanay, 'di rin siya nakakapag salita.
"Nay, nakasalubong ko ho si tatay Leandro sa hospital." Kumukuha ako ng baso para lagyan ng tubig ng bigla siyang lumingon sa akin.
Nag sign language siya sa akin na sinasabing 'talaga ba anak? Ano ang kaniyang sinabi?' Ngumiti lang ako sakaniya at uminom.
"May sakit siya nay, ang sekretarya niya ang tumawag sa akin pero mas makikilala ko pa pala ng maaga ang anak niya." Napangiti ako ng maalala si Flara, nakaka miss ang mukha niyang maamo kapag una pero masungit pala kapag iniinis.
BINABASA MO ANG
Constellations
RomanceWhen someone steps out of your life, he or she is already part of your life, he or she will be one of the stars in the constellations, building up to be your journey until your last breath.