Dahan-dahan ako lumingon at nagsitayuan ang balahibo ko nang marandaman ko ang kakaibang kuryente sa likod ko. Napaangat ang paningin ko kung sino ito. Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Sir ang nasa likod ko. Nakatingin ito sa akin nang blangko ang muka na parang walang kakaibang nangyayari sa sariling alaga niya.
Napaatras ako nang umabante siya kaya randam ko ang lamig ng freezer ng refrigerator. Napalunok ako at napapikit dahil sa kaba halos kaunti nalang ang aming agwat pero randam ko ang hininga niyang tumatama sa aking balat. Sa ganoong sitwasyon ay nagsalita ito."Excuse me." Usal neto kaya dahan-dahan kong idinilat isa-isa kong mata dahil sa kaba at hiya. Halos matunaw na ako sa kinakatayuan ko dahil nahaharangan ko pala s'ya ang tinitignan niya sa loob ng freezer. Yumuko ako at napatigin ako nang hindi sinasadya sa ibaba niya.
'Shit! Nakapili boxer lang si Sir!'
Nahiya at namula ako sa kagagahan ko baka mamaya ako pa makagahasa sa lugar na'to!
Nakayuko akong umalis sa kusina. Bakit ba kase nagmumuka akong magnanakaw e bakit hindi ko binuksan ang ilaw hayssss kaasar!!
Pumunta na lang ako sa kwarto ko. Pagkapasok ko ay nakita kong may TV na sa kwarto ko!
'Nasa iba na naman ba akong kwarto?'
Napatigin ako sa TV na nakabukas at sheyt isang malupit na eksena ang natunghayan ko. Isang maalamat na torrid kiss sa The Glorious lang naman. Napatakip ako ng mata at inilipat sa Cartoon Network ang dati ko pang inaasam noong nakikinuod lang ako sa kapitbahay naming nagtitinda ng yelo.
Napaupo ako sa kama at napalingon ako sa Side table na may pagkain. May kanin at ulam na may tubig na malamig pa ito kahit kumakalam sikmura ko tiniis ko kase baka Atang o Alay pala iyan e! Mamaya lumubo e pa bibig ko sa katakawan! Pero napansin ko ang papel na nakaipit.
(I know you're tired and hungry. Please eat this foods and feel at home here.)
"Wow hmmm si Varus bebs ko kaya 'to? Kase kung si Sir ay napaka assuming ko na nang sobra hahahaha. Hindi na bale eat daw e! Tsibugin ko na lang!" Usal ko sa sarili at linantakan ang pagkain na akala ko ay Alay o Atang hahahaha kase naman sa may pigurin na dragon doon e malay ko ba na sa akin 'yun?
Grabe parang hindi katulong papel ko dito ah. Sa isang kwarto na dapat ay mayaman ang natutulog, ang siyang pinagtutulugan ko.
Nakatulog ako ng maayos dahil na rin sa Air-con ng kwarto hahahaha take note KATULONG LANG AKO HAHAHAHA!!
*Kinabukasan*
Inagahan ko gumising kahit hindi ako sigurado sa oras basta ang kalakaran dito ay pakiramdaman at tansya-tansya lang hahahaha.
Lumabas ako ng Malasyo from now on Malasyo na tawag ko dito hahahaha. Half Mansion,Half Palasyo hahahaha. Nagdidilig ako ng halaman na patay hahaha baka sakali lang mabuhay. Pagkatapos ko magwalis,magdilig,linisin ang fountain,at magpintura ng gate ay bumalik ako sa bodega kung saan ko nakuha ang ginamit ko. Kinuha ko naman ang pintura na malaki kulay green ang pintura at pumunta ako sa taas ng Malasyo para pumunta din sa Yero o bubungan ng Malasyo kase balak ko itong pinturahan dahil kupas na ang kulay.
Hinalo ko na ang pintura at tinimplahan hindi ko nga lang alam kung anong kulay dahil sa dilim ng paligid. Parang alas sais lagi dito. Basta magpipintura ako. Buti may pang rolyong magagamit ko sa pagpintura kaya easy easy lang. Dulo na ako ng Bubong at wala na akong maapakan na maatrasan. Kunting galaw ko malalaglag ako huhuhu!! Pero tinignan ko 'yung napinturahan ko! Kahit madilim ang ganda tignan hahaha at malalaglag na ako!! Napapikit ako nang maramdaman kong pabagsak na ang katawan ko.
"Kung ibuburol ako sana huwag na lang kung sa Tita ko lang din mapupunta lahat ng abuloy at tong ng mga nagsusugal sa lamay ko wahhhhh!!" Hiyaw ko at doon nalang ang alam kong nangyari.
BINABASA MO ANG
THE LAST VAMPIRE(ON GOING)
VampireIlang daang taon na ang lumipas pero nanatili paring buhay ang nag-iisang natitirang bampira sa mundong ibabaw,Isang daag taon siyang nanatili at nagtitiis na mabuhay para sa wala; iyon ang kaniyang pananaw nabubuhay na lamang siya para sa walang ka...