UNANG PAHINA

115 7 0
                                    


"Lumayas ka na dito!!" Pagtataboy sa akin ng tiyahin ko.

"Oo lalayas na ako!! Ambabaho niyo mga amoy putok kayong lahat!!" Hiyaw ko at hinabol ako neto.

Hahahaha totoo naman e amoy putok sila nung mga anak niyang mga mukang kalyo. Tssss ilang taon akong nagtiis sa ugali at amoy nila huh! BTW guys ako nga pala si Fiora Kalixus at 18 yrs old na. Balik eksena tayo,isa akong ulilang lubos tanging tiyahin kong amoy putok ang natira at kasalukuyan akong hinahabol neto.

"Mahuli lang kitang bwisit ka!!" Hiyaw neto sa akin. Buti na lang hindi ako nabibigatan sa laman ng bag ko kaya hindi ako nahihirapan tumakbo.

Tumakbo ako papuntang sementeryo at hinabol parin ako ng tiyahin ko. Hingal itong napahinto,huminto din ako sa mataas na nitso,hirap na siyang sundan ako dahil bukod sa may putok siya ay mataba din siya. Aakalain mo ngang asawa ni boomer sa larong left4dead e hahaha. Ang sama ko ba? Mas masama sila sa akin akala n'yo lang.

"Oy tita taba na may tukfu,pagod ka na?" Ngisi ko dito na pang-asar.

"Bastos ka--haaaaa haaaaaa." Hingal niyang sambit.

"Hahahaha exercise iyan tita tabasinsing. Uwi ka muna balikan mo na lang ako kapag mapayat ka na at kaya mo na akong hulihin hahaha." Pang-aasar ko pa lalo na ikinausok ng ilong niya hahaha.

"Bwisit ka--haaaaa!! Huwag ka papahuli sa akin---haaaa!!" Turo niya sa akin at naglakad ito papalayo sa akin.

"Hahahaha bye tita tabasinsing!!" Kaway ko dito.

Bumaba ako sa nitso at naglakad sa daanan dito sa sementeryo. Ang pagkakaalam ko may labasan sa likod dito pero puro naman tsismis na pugad daw ng mga ibang nilalang dito na hindi ko naman pinaniniwalaan. Sa wakas nakita ko rin ang labasan. Napatingin ako sa paligid at napanganga ako sa mga nakikita.

"Bakit walang mga dahon ang mga puno dito?" Ang naisatinig ko sa sarili.

Naglakad pa ako at nasa kakahuyan na ako ng mga patay na puno. Lumingon ako sa sementeryo at maaraw doon pero sa pinupuntahan kong daan ay parang iniiwasan ng araw. Napailing na lang ako at nagpatuloy muli.

Sa kakalakad ko ay hindi ko pansin na may mga bahay na pala sa paligid. Ang lalaki at mukang makaluma dahil sa mga disenyo na gawa sa kahoy ang karamihan at gawa sa bato naman ang iba. Natanaw ko ang isang tindahan kaya napangiti ako sa wakas makakabili na rin ako ng makakain.

"Pabili." Sambit ko at kinakatok ang baryang hawak ko sa tabla.

"Ano iyon?" Biglang sulpot ng lalakeng binata.

"Ay ampog--ahhh soft drinks at sitsirya nga po kuya." Sabi ko nalang.

'muntikan na ako ah! E kase naman ampogi niya e!'

"Ito oh." Abot niya sa akin. Sinadya kong hinaplos ang kamay niya hihihi ang landi at napatingin nalang ako sa ibang direksyon na kunwari hindi ko sinasadya hahaha. Napatingin ako sa paskil sa gilid.

"Wanted Maid?" Basa ko rito.

"Apply ka?" Tanong ni pogi na nasa loob ng tindahan.

"Hmmm sa'yo?" Tanong ko.

"Huh?"

"Ang ibig ko sabihin kuya saan mag-a-apply?" Palusot ko.

"Hmmm." Tango niya at lumabas sa tindahan niya.

"Miss alis ka muna riyan at isasara ko muna ito." Utos niya.

"Bakit?" Tanong ko na gumigilid.

"Para ipunta ka sa papasukan mo." Ngiti neto sa akin! Masasampal kita koya!! Anlandi.

THE LAST VAMPIRE(ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon