Pinagmasdan ko lang sya habang nilalaro nya yung nalaglag na tuyo't na dahon kanina ko pa sya tinatanong pero ayan hindi sya nagsasalita, sabagay ano naman pakialam ko sakanya? hindi ko nga sya kilala hindi ko na lang sya pinansin at agad na umayos ng pagkakaupo at sumandal makatulog na nga lang tutal eto naman talaga pinunta ko dito kaya nga tinakasan ko si lolo e papikit na ako ng bigla syang magsalita.
Kuya naranasan mo nabang magising sa gitna ng palayan? tanong nito habang nilalaro pa din yung dahon na tuyo.
Anong pinagsasabi mo dyan? at wag mo nga akong tawaging KUYA hindi kita kapatid noh baka nga magkasing edad lang tayo nakasimangot kong sagot sakanya, Hindi nya ako pinansin tumingin ito at ngumiti yung malungkot na ngiti at bumaling ito sa may bandang palayan.
Kasi ako oo, naranasan ko na kanina lang. Tumawa ito ng bahagya. Hindi ko nga mapaliwanag e paggising ko nakakasilaw akala ko nga patay na ako at liwanag ng langit yon, yun pala araw lang sa diko malamang dahilan nasa gitna at malawak ako na palayan. Ngumiti ito ng malungkot. Nakakatawa diba? kasi paggising ko hindi ko alam kung nasaan akong lugar at kung paano ako napadpad dito.
Pinagsasabi nito? pinagttripan siguro ako neto sigurado ako anak to ng isa sa mga trabahador dito.
Alam mo mis bumalik kana kung saan ka man galing dahil hindi kita maintindihan nababaliw kana! Inis kong sabi at tuluyan na syang iniwan don. Nakakainis naman dapat matutulog ako kaso ginulo ako ng bwiset na babaeng yon at kung ano ano pa pinagsasabi bahala sya! hindi ko naman sya kilala.
Bumalik na ako pagdating ko kanina pa pala ako hinahanap ni lolo babalik na kami ng masyon may malapit na mansyon dito ang mga Montenegro. Pagdating namin sa mansyon agad akong nagtungo sa aking kwarto dalawang araw na ako dito simula nung dinala ako ni lolo dito andito lang ako sa mansyon hindi ko kasi trip magpagala gala sa labas puro puno makikita mo ganito ba talaga sa probinsya? tsk.
Tok tok!
PASOK!
Sir Nikko pinapatawag na po kayo ng lolo nyo kakain na daw po ng hapunan.
Susunod ako. Napatingin ako sa bintana ng aking kwarto lumalakas na ang ulan sa labas bigla kong naalala yung babaeng kausap ko kanina totoo kaya yung sinabi nya? Hays. Bumaba na lang ako at baka gutom lang bakit ko ba iniisip yung pinagsasabi ng babaeng yon? hindi ko naman sya kilala. Tsk
Pagdating ko sa may dining area andon na si lolo umupo na ako at ngumiti ito sakin.
Apo hinahanap kita kanina saan kaba galing?
Ngumisi ako. Jusko! Wag mo sabihing sinasabi ko sayo NIKKOLAUVE MONTENEGRO wag mo dadalhin yang pagkamanyak mo dito! Hahampasin na sana nya ako ng kutsara na hawak nya.
Lolo! kumalma nga kayo. Inis na sabi ko. Sino naman mamanyakin ko dito? halos matatanda na babae dito at lolo hindi ako manyak habulin lang sadya ang apo nyo. Proud kong sabi. Bigla kong naalala yung babae kanina.
Ahh lolo may anak ba na babae yung mga trabahador nyo? . Bigla syang lumingon sakin at naglabas ng baril at bigla itong kinasa pandalas tuloy ako ng tago sa likod ng upuan.
ANO NA NAMAN BALAK MO BATANG MONTENEGRO!? sigaw ng matandang to nakakabingi.
LOLO Kumalma nga kayo wala naman akong balak ibaba nyo nga yan may ikkawento ako! Inis kong sabi at binaba naman nya at kumalma na konti dahan dahan akong umupo pero ngayon malayo na sakanya mahirap na. Kinuwento ko nga sakanya lahat nagtataka din ang itsura nito.
Sa tinagal ko dito nikko wala pa akong nakikitang babae katulad ng sinabi mo kung anak man ng mga trabahador dito ay sala sa mga batang babae o di kaya binatang lalaki ang mga anak nila. Napaisip ako sa sinabi ni lolo kung ganun sino yon? baka tama nga siguro yung sinabi ng babae kanina pero anong pakialam ko? bakit ko ba iniisip. bwiset!
Sa sobrang pagiisip ko hindi ko namalayan na tumatakbo na ako palabas ng mansyon tangina ano bang ginagawa ko dinala ako ng mga paa ko kung saan ko nakita yung babae kanina. Nakaupo ito nakatingin sa malayo at nanginginig na sa lamig.
Hoy babae!. Sigaw ko. Lumingon ito at ngumiti. Sabi na nga ba babalikan mo ako kuya. Bigla itong bumagsak dali dali akong lumapit. Shit! Nilalagnat ka! Ano bang gagawin ko sayo!? bwiset inis kong sinabunutan ang sarili ko at binuhat ito papuntang mansyon.
Sinalubong ako ng mga katulong nagtataka siguro kung bakit may babae akong buhat buhat. Tiningnan ko sila ng masama.
Ikuha nyo ako ng towel at tubig ngayon na! Sigaw ko. at nagmamadaling umakyat dinala ko sa kwarto ko bwiset ano bang gagawin ko sayo!?
S-Sir eto na po yung towel at tubig sabi nung katulong. Hindi ko sya pinansin at nagmamadaling umalis kumuha akong blouse at pajama nagtataka ba kayo kung bakit merong ganto dito? Sa ate ko yan gamit nya dati hindi na naman nya nagagamit dahil wala na sya dito nasa ibang bansa na sya nakatira. Bumalik ako sa kwarto at hinagis yung blouse at pajama don sa katulong.
Bihisan mo yan. Lalabas lang ako sandali. Bumaba ako at inutusan yung katulong na magluto ng lugaw at magdala na din ng gamot sa kwarto ko. Bumalik na ako sa kwarto at tapos na din syang bihisan nagpaalam na yung katulong tiningnan ko syang mabuti. Mayapa ang tulog nya pero ramdam mo yung paghihirap nya. Kung titingnan mo syang mabuti maganda naman matangos ang ilong mahabang pilikmata mapupulang labi-- Hays! Pinagnanasaan ko ba ang babaeng to? TSK.
Kumatok yung katulong at nilapag yung lugaw at gamot na inutos ko umalis din ito dahil alam naman nya na ako na ang bahala sa babaeng to.
Mis. Inalog ko sya ng marahan para gisingin. Mis kailangan mong kumain at uminom ng gamot. Nagising naman ito at bigla na lang akong niyakap ng mahigpit.
*sob *sob* sob*
Teka umiiyak kaba? pilit kong inaalis yung yakap nya sakin. Ayoko! PLEASE wag mo akong iiwan ayoko ayoko pang mamatay wag mo akong ibibigay sakanya iyak na iyak na sabi nya. T-Teka. Hindi na ako makahinga ng ayos sa ginagawa ng babaeng to. Hinayaan ko na lang sya hanggang sa kumalma sya.
Iyak pa din sya ng iyak higpit din ng yakap nya hinaplos ko na lang ang buhok nya hindi man ako magaling sa ganto atleast nakatulong ako!
Seriously!? Montenegro marunong kanon? sabi ng pakyu ka konsensya! bwiset!
Nung naramdaman kong kumalma na sya ay dahan dahan kong inalis yung pagkakayakap nya sakin. Namumula ang mata nito at ilong ang cute! fuck! Umiwas na lang ako ng tingin.
Kumain kana para makainom ka ng gamot inabot ko sakanya yung bowl na may lugaw tiningnan lang nya ito na para bang--
Ano yan? tanong nya.
Pagkain yan. Pambabara ko sakanya. Biglang ngumiti ito
Hii pagkain. Ngiti nito at kulang na lang lumabas na ang gilagid nya. Napatampal na lang ako sa noo ko
Tigilan mo na yang kalokohan mo mis kumain kana. Bored kong sabi sakanya. Taka syang tumingin sakin na para bang may mali akong sinabi.
Ha? Hindi kita maintindihan kuya. Fuck! tiningan ko sya ng masama. Hindi na ako natutuwa sayo umayos ka sinusubukan ko na ngang maging mabait dito wag mo akong sagarin! Sigaw ko sakanya.
HINDI KO NAMAN TALAGA ALAM E! Maiiyak na sigaw nya. Inis kong sinabunutan ang sarili ko sa sobrang inis.
Pst! Kuya wag mong sabunutan sarili mo, gusto mo ako na lang sumabunot sayo? Inis ko syang nilingon. Agad naman nya tinakpan ang bibig nya. Inis akong tumalikod kumalma ka bulong ko sa sarili ko.
Kuya sinong kausap mo dyan bakit nabulong ka? salita nya ulit. At tuluyan na akong umalis sa sobrang pikon nakakabaliw sya. Tinawag ko na ang katulong at sya na ang pinagasikaso ko dahil baka kung ano lang magawa ko nakakabaliw ang babaeng yon!
YOU ARE READING
LOVE ALARM
Fantasi(UNTOLD STORY SERIES #1) Anong gagawin mo kung isang umaga magising ka na lang nasa isang malawak na palayan ka? yung tipong nagiisa, walang nakakakilala sayo kahit mismo sarili mo hindi mo makilala. Anong gagawin mo? His side: Ayoko sakanya nakaka...
