CHAPTER 3

1 0 0
                                    

Mula dito sa may pool area tanaw ko ang pagtakip ng ulap sa sinag ng araw mukang uulan na naman. Simula pagkabata lumaki na ako sa puder ni Lolo lagi kasi akong iniiwan nila mommy at daddy para sa trabaho nila pakiramdam ko tuloy mas mahalaga ang trabaho nila kaysa sakin pero kahit ganon agad na pinapaliwanag sakin ni lolo kung bakit kailangan nila magtrabaho para daw yon sa akin para makuha ko yung bagay na gusto ko. Oo hindi nga sila nabigo lahat ng gusto ko nakukuha ko sabi nga nila walang imposible sa isang Nikkolauve Montenegro ni wala daw akong hindi nakukuha tingin sa akin ng lahat perpekto kinaiingitan nila ako pero para sakin walang kainggit inggit sa pakiramdam na nagiisa ako walang mga magulang na gumabay tanging si lolo lang nakasama ko. Naalala ko nung 13th birthday ko ineexpect ko na makakauwi sina mommy at daddy out of town kasi nangako sila noon na uuwi para icelebarate ang birthday ko naghintay ako noon sabi ko kay lolo hindi ako mag cecelebrate hangga't wala sina mommy at daddy pero tapos na ang birthday ko hindi pa din sila dumadating ang rason trabaho ulit kaya simula noon hindi na ako naasa lalo na pag may importanteng okasyon sinanay ko na ang sarili ko na wala sila.

Hii Nikko. Hindi ko man sya harapin alam kong nakangiti na naman sya, pasimple kong pinunasan ang konti luha sa mga mata ko.

Alam mo ang tahimik mo hindi ba napapanis yang laway mo? ang lungkot na nga dito sa bahay nyo tapos hindi kapa magsasalita? . Parang tangang sabi nya ayoko sya kausapin dahil baka matuluyan na akong mabaliw pag kinausap ko sya nakakabingi na din.

Gusto mo ba? Ang lungkot ng mga mata mo . Tiningnan ko sya meron syang hawak hawak na isang balot na marshmallow at pfftt Haha may subo subo pa syang dalawang piraso sa bibig habang nagsasalita wala bang manners ang babaeng to? nakakadiri.

Saan galing yan? tanong ko.

Ahh eto ba? Ano ba tawag dito? ang saraap ah! Bigay lang sakin to nung katulong nyo grabe ang babait pala nila noh? ngayon lang ako nakatikim nito. Ngiting kwento nya at sumubo na naman ng panibago. Matakaw.

Marshmallow tawag dyan. Nakakadiri ka ubusin mo na nga yan! inis kong sabi sakanya.

Tse! Alam mo para kang baliw paiba iba ang mood mo yung tipong ang lungkot mo tapos hindi ka magsasalita tapos magiging mabait ng konti tapos ayan na naman magsusungit na naman lagi ka din nakasigaw akala mo lagi bingi ang kausap mo. Nakikinig lang ako sa walang kwentang pinagsasabi nya kahit binging bingi na ako sakanya.

Pero alam mo nikko may nabasa ako.

Marunong kapalang magbasa? nang aasar kong tanong sakanya. Inirapan nya ako.

Aba! syempre naman alaala lang nawala sakin noh! Ayon nga makinig ka may nabasa ako tungkol sa pamilya naisip ko lang. Anong pakiramdam na may magulang?

Hindi ako nakasagot sa tanong nya dahil kahit ako hindi ko alam kung anong isasagot kahit kailan hindi ko naramdaman kung paano magmahal ang isang magulang hindi ko nga alam kung kasali ba sa pagmamahal yung ginagawa nila. Napabuntong hininga na lang ako.

Nakakita kana ba ng kabayo? tanong ko sakanya.

Hmm. Hindi pa! nakangiting sagot nya. Tumayo ako.

Halika ipapakita ko sayo.

WAAAAHHH! TALAGA? napatayo sya at nagtatalon nagulat ako nung niyakap nya ako.

El-Ellie bitawan mo nga ako! Hindi mo na kailangan yumakap tsk. Kunyareng simangot na sagot ko ayoko lang mahalata nyang nagulat ako.

Hehe sorry nadala lang HAHAHAHA taraaa na. Hinigit na nya ako napatingin na lang ako sa hawak hawak nya na kamay ko napailing na lang ako ang kulit nya.

Nakarating kami dito sa may patag na lugar pinapili ko sya kanina kung anong kabayo ang gusto nya at pinili nya yung kulay puti.

Gusto mo bang sumakay? tanong ko sakanya. Tila nagdadalawang isip pa sya.

Hindi ba masyado akong mabigat? baka mabigatan sakin si Kelly babae pa naman sya.

Natawa ako sakanya.

HAHAHAHAHAHA tanga ka talaga kabayo yan kaya ka nyan ako nga kinaya kita nung buhat buhat kita.

Eh! Magkaiba kayo kabayo si Kelly tapos TAO ka! Tiningnan ko sya ng masama.

Sasakay kaba o hindi!? inis na sabi ko.

Oo na sungit. Bulong nya. Agad ko naman syang inalalayan sumakay daming arte sasakay din naman pala.

Wala kaming imik na dalawa sya nakasakay sa likod ni kelly ako inaalalayan lang sya tahimik kami hanggang sa makarating kaming dalawa sa lugar kung saan una kaming nagkita sa may harap ng palayan.

Sa tingin mo babalik pa kaya ang alaala ko? mahinang tanong nya pero sapat na yon para marinig ko.

Napatingin ako kung saan sya nakatingin talagang ngang malawak ang palayan nato.

Oo naman basta tulungan mo ang sarili mo na makaalala at tutulungan din kita. Walang imposible sa mundo ellie lalo na sa isang Nikkolauve Montenegro.

Ngumiti ito. Maraming salamat Nikko kahit alam kong naiinis kana sakin tinutulungan mo pa din ako hindi ko alam kung anong gagawin ko kung hindi kita nakilala kasi sa totoo lang hindi ko alam kung saan ako maguumpisa dahil kahit sarili ko hindi ko kilala. Malungkot na sabi nya.

Nakatingin lang ako sakanya kahit ako din hindi ko alam kung bakit ba kita tinutulungan kasi pwede naman talaga kitang iwan na lang basta kung gugustuhin ko pero hindi ko alam kung anong ginagawa ko.

Wag kana malungkot bukas na bukas papasyal tayo dito pupuntahan natin yung lugar na hindi pa natin napupuntahan parehas at mag sasaya tayo yung saya na alam kong parehas pa nating hindi nararanasan.

Maraming salamat nikko. Ngumiti ito ng malapad.

Nagulat ako sa sinabi ko hindi ko alam kung bakit nasabi ko yon pero masaya ako dahil alam ko sa sarili ko na makakatulong ako.

LOVE ALARMWhere stories live. Discover now