Napabalikwas na lang ako ng bangon dahil sa sobrang liwanag nakakainis sino ba nagbukas ng kurtina ng bintana napahawak na lang ako sa likod ko sobrang sakit nakakainis bakit ba kasi naisipan kong matulog dito sa sofa para sa babaeng yon. Kapal ng muka nya humiga sa kama ko-- Teka! Nasan ang babaeng yon? Pumunta ako sa kama sinilip ko ang ilalim ng unan ilalim ng kumot ilalim ng kama pero WALA! Pumunta din akong C.R para tingnan pero WALA DIN! Hindi kaya panaginip ko lang yung kagabi? pero imposible! Bumaba na ako ng hagdan habang hawak hawak ang aking ulo masakit ulo ko dahil sa babaeng yon!
HAHAHAHAHA Nakakatawa ka naman iha. Napahinto ako dahil may narinig akong nagtatawanan sa may dining area.
Tingin ko nga po nababaliw na yung apo nyo pano ba naman sinasabunutan nya sarili nya. Napataas ang kilay ko sa pinagsasabi ng babaeng to.
Talaga? HAHAHAHAHA . Tawa naman ng matandang to hindi nya ba alam na inuuto sya ng babaeng yan!? tuloy pa din ang tawa ng matanda.
Oh Apo Nikko halika dito sabayan mo kami hindi mo naman sinabi na may bisita ka palang gantong kagandang dalaga. Ngiti na bati ng matandang to lumingon naman sakin yung babae ngumiti ito at puno na puno ang bunganga ng pagkain habang ang dalawang kamay ay may hawak na hotdog. Muka syang tanga.
Lolo tapos na po syang kumain at magpapahatid na lang po ako ng makakain ko maguusap lang kami sandali. Hinigit ko na tong babae nato aangal pa sana kundi ko lang sinalpakan ng hotdog sa bunganga ingay e!
Dinala ko sya sa may kwarto ko gusto ko lang magkalinawan kami mukang maayos na sya e at mukang nasa tamang pagiisip na nga ba? tsk.
Sandali lang naman Nikko. Reklamo nya tiningnan ko sya ng masama at nilock yung pintuan ng kwarto ko.
Hoy babae! Paano mo nalaman pangalan ko.
Shunga naman neto bulong nya pero rinig ko.
NARIRINIG KITA . Sigaw ko pero ngumiti lang ito.
Paano ko nalaman? Hindi mo ba naalala yung pinagsasabi mo kagabi? Ano ba yaaan!?
Ah Shit! Naalala ko nga pala sa sobrang pagkainis ko sa babaeng to naginom nga pala ako kagabi buti na lang wala yung matanda kagabi kundi lagot ako.
Ano tanda mo na? tanong ulit nya. Umiwas ako ng tingin.
Hindi wala akong matandaan. Sagot ko.
Sige ipapaalala ko sayo. Pumunta sya sa may sofa at umupo doon nagtaka ako sa ginagawa nya. Anong ginagawa nya!? Muka syang tanga! Humiga sya at tumingin sa kisame.
KILALA MO BA AKO!? SYEMPRE HINDI! AKO SI *hik AKO SI NIKKOLAUVE MONTENEGRO APO NI DON PERCING MONTENEGRO *hik MADAMING NAGHAHABOL SABI NGA NILA TINGNAN KO LANG SILA MAGHUHUBAD NA SILA AGAD NG PANTY *hik SINO BA NAMAN HINDI MAHUHUMALING SAKIN!? GWAPO MAYAMAN CUTE ANG MGA MATA AT HIGIT SA LAHAT MASARAP AKO! Pilit na gaya nya sa boses ko binato ko sya ng unan ng tumahimik ganyan ba ang sinabi ko kagabi tangina nakakainis!
Sinamaan ko sya ng tingin buti naman tumigil ganyan nga makuha ka sa tingin babae.
Magusap tayo. Umayos naman sya ng upo.
Okeeey. Ngiting sagot nya. Napabuntong hininga na lang ako sa inasal nya.
Saan ka galing? Seryosong tanong ko sakanya.
Diba nga kinuwento ko na sayo na paggising ko akala ko patay na ako at akala ko liwanag ng langit yon kaso sinag pala ng araw at pagtingin ko nasa gitna ako ng palayan.
Ano bang ginagawa mo sa palayan at doon kapa talaga natulog? May saltik kaba!? bored kong tugon.
Paulit ulit? Kulit mo din hindi ko nga alam wala akong matandaan! Okeey. Napakamot na lang ako sa pisngi ko sa inis.
Anong pangalan mo? Napatigil sya sa tanong ko at tumahimik sya sa sandali.
Hindi ko alam, wala akong pangalan. Mahina nitong sambit.
Tiningnan ko sya ng seryoso base sa kinukwento nya hindi mo talaga sya paniniwalaan pero sa mga kinikilos nya halata mong nagsasabi sya ng totoo. Tumingin ito sa akin at ngumiti yung malungkot na ngiti.
Katulad nga ng sinabi ko nagising ako sa gitna ng palayan hindi ko alam kung paano ako napadpad doon hindi ko din alam kung saan ako galing kahit ang pangalan ko ay hindi ko din maalala at pakiramdam ko bagong panganak palang ako sa mundo. Malungkot na ngiti nya. Sa hindi malamang dahilan biglang kumirot ang puso ko hindi ko maintindihan siguro naawa ako sakanya!? Oo tama! Awa para sakanya.
May amnesia ka.
Amnesia? Ano yon? Litong tanong nya.
Amnesia. Pagkalimot kaya siguro hindi mo naalala lahat. Wala ka bang naalala na kahit ano? . Sandali itong natahimik na tila ba may malalim na iniisip.
Madilim at masyadong masikip at may garapon.
Ano? Taka ko syang tiningnan Nanginginig ito at tila takot na takot.
Madilim at masyadong masikip at may garapon. Tumingin ito sa akin. Pag naalala ko yon pakiramdam ko hindi ako makahinga. Bigla na lamang tumulo ang luha nya. Nakakatakot ayoko ayokong maalala yon pakiramdam ko-- . Bigla na lamang syang umiyak ng umiyak niyakap ko sya ng mahigpit at hinaplos ang buhok nito.
Nakakaawa sya kung titingnan hindi nya maalala kung anong nangyari sakanya. Hindi ko alam kung paano sya tutulungan. Tangina! Ano ba tong pinasok ko!? After 123456789 years tumigil na din sya. Suminghot singhot ito at pinunasan yung uhog nya nakakadiri naman etong babaeng to.
Gusto mo ba bigyan kita ng pangalan? Tumingin ito sakin at ngumiti. Napangiti din ako.
Ellie . Ikaw na si Ellie. Nagustuhan mo ba? ngiting tanong ko.
Ngumiti ito ng malapad at tumango. Napakagandang pangalan gustong gusto ko, Ellie ako na si Ellie pakiramdam ko bago lamang ako sa mundong ibabaw .
Kahit medyo weird yung pinagsasabi nya napangiti na din ako parang hindi ako sanay na makita syang malungkot kahit kakakilala ko lang sakanya.
Ang gwapo mo pala nikko kapag nakangiti sana lagi kana lang nakangiti kasi pag malungkot ka parang malungkot na din ako. Nanigas ako sa sinabi nya kakaiba kakaiba yung naramdaman ko bumilis agad ang tibok ng puso ko sa sinabi nya.
At ang panget mo pag nakasimagot ka. Tiningnan ko sya ng masama sa sinabi nya panira e! bwiset.
HAHAHAHAHAHAHA Nakakatawa ang iyong muka sobra HAHAHAHAHAHAHA . Bwiset pagtawanan ba daw ako! Inis akong tumayo bahala sya dyan mamatay sya kakatawa pagkatapos ng lahat! BWISET!
Nikko tawag nya.
ANO!? inis na sigaw ko.
Tu-Tulungan mo ako, tulungan mo ako makaalala. Napatingin ako sakanya nakayuko na ito ngayon. Tulungan mo ako pakiramdam ko sandali lamang ako dito. Tulungan mo ako bago mahuli ang lahat.
Sige. Tutulungan kita Ellie. Ngumiti ito. Salamat Nikko.
Kahit gulong gulo ako sa sinabi nya pumayag na ako. Bakit ba kasi ang BAIT KO!? KAINIS! at tuluyan na akong lumabas ng kwarto ko.
YOU ARE READING
LOVE ALARM
Fantasy(UNTOLD STORY SERIES #1) Anong gagawin mo kung isang umaga magising ka na lang nasa isang malawak na palayan ka? yung tipong nagiisa, walang nakakakilala sayo kahit mismo sarili mo hindi mo makilala. Anong gagawin mo? His side: Ayoko sakanya nakaka...