ELLIE P.O.V
Kanina pa ako nagpapagulong gulong dito sa kama naiinip na ako magisa lang ako dito sa malaking building na kung tawagin ni nikko ay isang condo. Nagtataka siguro kayo kung bakit ako andito ganito kasi yan kahapon umalis na kami sa probinsya at pumunta dito sa manila sabi kasi ni Lolo P! (Lolo Percing) pasukan na daw ni Nikko sa school kaya kailangan na nya umuwi ayaw nga akong iwan ni Nikko sa probinsya at talagang pinilit pa namin si Lolo P! parang lang makasama ako dito. Unang tapak ko palang dito sa manila talagang namangha ako sa sobrang taas ng mga gusali madaming tao madaming sasakyan maingay kumpara sa probinsya ang tanging maririnig mo lang don ay huni ng ibon at bunganga ng kapitbahay.
Tumayo na ako at pakiramdam ko lalo lang ako maiinip kung hihiga lang ako. Lumabas na ako ng kwarto ang ganda talaga dito kumuha ako ng marshmallow sa ref ang daming biniling ganto si Nikko para daw hindi ako mainip dito tutal naman daw matakaw ako kaya ayan! >3<
THIRD PERSON P.O.V
DREAM HIGH ACADEMY. Paaralan ng mayayaman magaganda at gwapo matalino mga estudyante na walang ginawa kung hindi araw araw makipag yabangan ng mga nabibili nilang gamit na mamahalin kung sabihin nila 'Mas mahal pato sa buhay mo' Piling scholar lang din ang nakakapasok dito. Sa may gate ng DHA madaming estudyante na ang nakaabang na akala mo may isang sikat na arista ang magdadatingan. Isa isa naghintuan ang anim na magagarang sasakyan.
WAAAAAHHHHH! TRES ANG GWAPO
TRES ANAKAN MO AKO!
TRES LINGUNIN MO LANG AKO MAGHUHUBAD TALAGA AKO!Nakakabinging tilian at sigawan ang maririnig mo. Unang bumaba ang isa sakanila.
Tres Set Santos. Ang lalaking may hawak laging magazine ng mga hubad na babae. Gwapo, Matangkad at matangos ang ilong hindi mo din maipagkakaila ang kaputian nito. Lalo na ang pagiging babaero nito.
Sunod na bumaba sa kotse ang isang lalaking nakakatakot pero hindi mo maipagkakaila ang lakas na dating nito.
ANG HOT NI DART *Q*
MAHIHIMATAY TALAGA AKO PAG NGINITIAN NYA AKO!
ANG GWAPO MO DART!
KYAAAAAAHH!Dart Matthew Montecarlos. Unang mapapansin mo sakanya ay yung nagiisang itim na hikaw nya sa may kaliwang tenga nito at yung buhok nyang nyang tirik kawawang butiki ang malalag doon panigurado. Muka syang gangster sa itsura nya lalo na at naka eyeliner ito pero hindi mo maipagkakailang gwapo ang isang ito. Matangkad, Maputi, Matangos ang ilong.
Sunod na bumaba ang dalawang lalaking nagtatalo sila sa walang kakwentang kwentang bagay.
ANG CUTE NI LEAN! *Q*
TANGA ANG GWAPO NI LIAM!
MGA BOBO KAMBAL SILA KAYA PAREHAS LANG SILANG GWAPO! KYAAAAAAAAAHHH!Liam Klein Acosta.
Lean Klein Acosta.
-Halata naman na kambal sila. Hindi sila magkasundo sa lahat na bagay ultimo walang kwentang bagay pinagaawayan nilang dalawa. Gwapo matangkad, cute, mabait naman sila kaso hindi mo talaga maiiwasan ang pagiging pilyo nilang dalawa. May pinagkaiba naman sila. Kung si Liam magaling sa kalokohan ang kambal naman nito na si Lean ay isip bata.SUPOT SI SASUKE!
BANSOT SI NARUTO!
NAKITA MO!?
BOBO LANG KAMBAL? HALATA NAMAN NA BANSOT SI NARUTO!Nagaway na nga sila.
Kyle Maru Sullivan. Ang lalaking may subo subong Milkita (Lollipop) ang lalaking lagi na lang magulo ang buhok na akala mo lagi bagong gising pero kahit ganon bumabagay sa gwapo nyang muka. Matangkad matangos ang ilong maputi.
SANA AKO NA LANG YUNG LOLLIPOP *Q*
KYAAAAAHHH! ANO KAYANG PAKIRAMDAM ANG MADILAAN NYA!Eavan Kincent Colonel. Ang lalaking mahilig sa saging kapag kumakain sya ng saging para syang model ng saging kung kumain. Sa mga nauna sya ang may pinaka maamong muka sakanilang lahat hindi mo masasabing inosente kung pagmamasdan mo sya parang hindi sya makakagawa ng kasalanan. Gwapo lagi din itong nakangiti at sobrang matulingin. Sabi nga nila sobrang swerte mo pa sya ang naging boyfriend mo. Perfect prince kung tawagin nila.
Napabuntong hininga na lang si nikko bago lumabas ng sasakyan rinig na rinig kasi nito ang malalakas na sigawan at tilian ng mga nakakabinging babae sa paligid.
Nikkolauve Montengero. Sa kanilang lahat si Nikko ang tumatayong leader sakanila siya din ang pinaka mayaman sa mga magkakaibigan. May mapupungay na mata at akala mo walang pakialam sa mundo. He has the sexiest eyes. Gwapo, matangkad, matangos ang ilong kissable lips, Suplado, masungit lagi na lang mainitin ang ulo laging nakasigaw pero kahit ganon madaming nagkakandarapa dito.
NIKKO P.O.V
Kamusta na kaya yung tangang babae sa condo ko sana wag syang gumawa ng katangahan don habang wala ako. Naglalakad na kami papuntang tambayan nasa kanang gilid ko ay si Eavan sa kaliwa naman ay si Dart habang nasa likod ang dalawang kambal na si Liam at Lean at sina Maru at Si Tres na abala sa pagngiti at pagkaway sa mga babae. Tsk.
A-ano N-nikko nagbake nga pala ako ng Cookies p-para sayo. May humarang na babae sa harapan namin tiningnan ko mula ulo hanggang paa nakayuko ito. Kinuha ko yung Cookies nya nakalagay sa isang jar na may design. Ngumiti ito ng malapad.
*blag!
Ops! Nabitawan ko. Kitang kita ko ang pagkagulat sa muka nya at mukang iiyak na sya tsk mas maganda pa yung babaeng tanga na sa condo ko kaysa sakanya. Sinadya kong bitawan sa harapan nya yung cookie jar na yon napangisi na lang ako ng may luhang tumulo sa mata nya nilampasan ko sya at inapakan ang cookies na gawa nya.
Sorry miss masama lang ang gising nya. Si Eavan yan ang hero ng lahat.
Kaya nga miss sana samin mo na lang binigay. Si Lean yan at nagapir pa sila ng kambal nya.
Nakarating na kami ng tambayan namin tinamad tuloy akong pumasok malapit na din naman magumpisa yung klase hindi na lang kami aattend ng first subject.
Grabe naman yung ginawa mo kanina nikko dapat binigay mo na lang samin. Lean
Ang takaw mo talaga kambal!. Liam
Wala kang pakialam! . Lean
At nagaway na nga sila napapailing na lang kami sakanilang dalawa sanay na kami sa simpleng awayan nila.
ELLIE P.O.V
Maghapon akong nagisip kung paano ko lulutuin etong hotdog nato tinuro na sakin to nung mga katulong dati pati ang pagsasaing tinuro nila sakin. Medyo madilim na din kasi sa labas at naghahanda ako ng makakain namin hinihintay ko na lang si Nikko.
*click
Tunog yon na bukas na pituan nagtatakbo ako papunta sa may pintuan para salubungin si Nikko. Nginitian ko sya ng malapad.
Hii Nikko . Nakasalubong ang kilay nito at tiningnan ako ng mula ulo hanggang paa.
Bakit ka naka apron? tanong nito at papuntang kwarto nya.
Oo nga pala! Nagluto ako ng Hotdog narunong na akoo hinintay kita para sabay na tayo kumain. Nakangiting sabi ko sakanya.
Sige hintayin mo ako maliligo lang ako. Sabi nya bago isara ang pinto.
Aye Aye! Saludong sabi ko sakanya ngumiti sya.
Dumiretso na ako sa may kusina at naghain na apat na hotdog ang nailuto ko medyo nahirapan pa ako dahil nakakainis yung mantika tumatalsik sakin. Pagkatapos namin kumain pumunta kaming sala at manunuod kaming tv kumuha na din si nikko at snack namin para habang nanunuod kumakain kami. Busy ako sa pagkain at panunuod ng tv ng biglang magsalita etong katabi ko.
Naiinip kaba dito? tanong nya.
Medyo lang wala kasi akong makausap dito tanging panunuod lang ng tv at kumain ang ginagawa ko hindi naman ako pwedeng lumabas gaya ng sinabi mo dahil baka maligaw ako. Nakanguso kong sabi. Tumawa ito.
Gusto mo ba magaral? nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.
K-kaya mo? tumawa ito.
Oo naman ako ata si Nikkolauve Montenegro walang imposible sakin ellie kahit walang records magagawan natin ng paraan yan hindi ako papasok bukas aasikasuhin natin lahat at bibili din tayo ng gagamitin mo. Ginulo nya ang buhok ko.
Thank youu Nikko! Sa sobrang tuwa ko niyakap ko sya ng sobrang higpit.
A-ahh E-ellie hindi ako m-makahinga ng ayos.
Hehe sorry naexcite lang. Thank you talaga Nikko. Napapailing na lang na sagot nito habang nakangiti.
Ang gwapo nya talaga pag nangiti gwapo din naman sya pag nakasimangot pero mas bagay sakanya ang nakangiti palagi. Excited na tuloy ako pumasok! *Q*

YOU ARE READING
LOVE ALARM
Fantasy(UNTOLD STORY SERIES #1) Anong gagawin mo kung isang umaga magising ka na lang nasa isang malawak na palayan ka? yung tipong nagiisa, walang nakakakilala sayo kahit mismo sarili mo hindi mo makilala. Anong gagawin mo? His side: Ayoko sakanya nakaka...