Chapter 7

210 34 9
                                    

Yourie's pov

Dahan dahan kong minulat ang mata ko at nagulat ako sa nakita ko

"s-sino ka?" nahihirapang saad ko, babangong sana ako pero pinigilan nya ako

"Czarina ang pangalan ko, a medic student" pagpapakilala nya, umupo ako ng dahan dahan at inalalayan naman nya ako

"masakit pa ba yung sugat mo?  Sinong may gawa nyan?" tanong nya kaya napahawak ako sa sugat ko, kumikirot sya at sobrang hapdi

"s-si Aimee" sabi ko sa kanya kaya tumango tango sya

"syanga pala, kailangan mong kumain" sabi nya saakin pero umiling iling ako

"s-sila ate Tina?" tanong ko sa kanya

"may training kasi ngayon lahat ng students eh, ako ang naiwan para mag bantay sayo" sabi nya saakin at tumayo na sya, naka uniform rin sya at kinuha nya ang espada nya

"pero aalis na ako ngayon, hindi ako pwedeng umabsent eh" paalam nya

*knock knock*

Bigla naman pumasok si Russel na naka uniform rin kaya nginitian ako ni Czarina

"nandyan na yung boyfriend mo,  mag pagaling ka bye!" sabi nya at kumaway saakin, hindi ko naman boyfriend si Russel eh ex ko kaya yan

"masakit pa ba yung sugat mo?" tanong nya at umupo sa upuan na inuupuan ni Czarina kanina

"ikaw kaya saksakin ko ha" sabi ko sa kanya kaya natawa naman sya at umiling iling

"namilosopo pa nga" natatawang saad nya kaya natawa rin ako na dapat hindi ko ginawa

"aww" daing ko dahil kumirot yung sugat ko

"oh kinarma diba?" sabi nya at inalalayan akong maka ayos ng upo, napatitig ako sa kanya dahil hindi sya nag bago, dahil wala syang pinagbago, sya parin yung Russel na minahal ko noon hanggang ngayon

"anong tinititig titig mo? Baka gusto mo na rin akong saksakin ha?" tanong nya kaya napa ngiti ako, nandito rin sya para sabayan ang trip ko pero bakit ko nga ba sya pinagpalit sa nakaraan ko?

*knock knock*

Pareho kaming napatingin sa pintuan ng dumating si Kenneth kaya tumayo si Russel

"una na ako" saad nya

"Russel" mahinang bulong ko na sapat lang para ako kang ang makarinig, nang makalabas si Russel ay lumapit saakin si Kenneth pero nanatiling nasa kumot ang tingin ko

"tumayo ka,  papaltan natin yang cover ng higaan mo" sabi nya at inalalayan akong tumayo,  masakit at makirot yung sugat ko pero pinilit kong hindi dumaing dahil panigurado at sesermonan ako nito

"dahan dahan" sabi nya ay inupo ako sa upuan,  pinanuod ko sya habang pinapaltan nya ang cover ng kama ko

"Ken, nag tratraining kayo hindi ba?" tanong ko sa kanya kaya tumango tango sya

"by section ba yung training o kanya kanya?" tanong ko sa kanya

"kanya kanya ang training ngayon, tinuturuan kami ni Tina sa lahat ng alam nya" sabi nya kaya tumango tango ako, malaking tulong siguro kung sasama rin ako sa kanila, isang linggo ang training at contest na, pwede kaming mamatay sa araw na iyon kapag wala kaming alam

"mag bibihis ako" sabi ko at tumayo, hawak hawak ko parin yung sugat ko dahil masakit nga kasi

"huwag ka ng sumama, mas makakabuti na nandito ka lang" sabi nya saakin kaya nilingon ko sya habang hinahanda ang uniform ko

Black University: Death Night [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon