Chapter 11

152 32 7
                                    

Cross Pov

"Ji-won!?" takang tanong namin kay Bea ng banggitin nya ang pangalang Ji-won, saan naman nya nakuha ang pangalan na iyon? Simula kasi ng mawalan sya ng malay ay si Ji-won na kaagad nag kanyang hinahanap

Takte lalaki ba yun?

"Ji-won? Sandali parang familliar eh" sambit ni Allen at nag isip

"guys pwede ko bang sirain ito?" tanong ni Russel habang nakahawak sa pader kung saan naka suot ang wire ng tv kaya kinunutan ko sya ng noo

"hindi kaya may mapahamak nanaman saatin kapag ginawa mo yan?" tanong ko sa kanya kaya napakamot sya habang tinitignan ang cellphone na kapit nya, lowbat na ito at hindi na raw mabuksan

"tama! Si Ji-won ay multo!" sigaw ni Allen kaya mas lalong kumunot ang noo ko

"oo totoo! multo nga sya!" sigaw rin ni Bea kay Allen

"hindi totoo ang multo, wala pang nagpapatunay nito at haka haka lang" sambit ni Ken kaya napatingin kami sa kanya

"hindi totoo yang Ji-won na yan" sambit nya sabay tayo at labas ng dorm, yung lalaki na yun napaka epal kahit kailan

"malay nyo alam ni Ji-won kung nasaan si Yourie" biglang sabi ni Jamaica

"pero kailangan din natin mag training" nababahalang sabi ni Mark kaya tumango tango kami

"pero paano si Yourie?" tanong ni Kim sa gitna ng pananahinik nya

"mas matutuwa pa si Yourie kung iintindihin natin ang mga sarili natin" malungkot na tugon ni Russel at kinuha ang sandata nya

"hindi tayo pwedeng magpabaya, yun ang gusto nya" sabi ni Russel kaya nag sitayuan na rin kami

"tol alam ko kung paano makaka usap si Ji-won" sabi ni Allen

"kung ganon, mga lalaki kang ang sasama sayo" utos ni Tina kaya tumango tango si Allen

"pwede ba akong sumama?" tanong ko kaya tinanguan ako ni Tina

"love mag iingat ka ha" sabi ni Bea kaya tinangu tanguan ko sya

"mag training ka ng mabuti at mag iingat ka palagi" sabi ko sa kanya kaya tumango tango sya, kasama nya sila Tina na umalis kaya ang natira nalang ay ako, si Russel, si Mark at si Allen, wala si Ken dahil may sarili namang mundo yun at hindi raw sya nnainiwala sa multo

Pweee paano nga sya makakakita ng multo kung hinahanap nya

Gago talaga

"tara na, saan ba yang tinutukoy mo" tanong ni Russel kay Allen

"kung saan nakulong si Mark" sabi nito kaya nangunot ang noo ni Mark

"tae ka naman tol ayaw ko ng bumalik doon" natatakot na saad nito

"tanga hindi ka naman ikukulong doon" sabi ni Russel sa kanya kaya napa iling iling nalang ako sa mga katarantaduhan ng nga kaibigan ko

Tahimik naming tinahak ang daan sa likod ng university, napaisip lang ako, alam kaya ng mga estudyante ang lugar na ito? O kaya napupuntahan rin nila ito? Bakit kaya walang estudyante na napapadpad dito

Tange lang? Kahit naman ako hindi ko hihilingin na mapadpad sa lugar na ito

"nandito na tayo" sabi ni Allen kaya nagpalinga linga ako, oo nga, nandito na kami

"nung time na iniwan ako ni Jamaica para humingi ng tulong pinasok ko mag isa ang lugar na ito, may babae akong nakita" sabi nya kaya nag taka si Mark

"parang wala naman" sabi ni Mark

"hindi mo sya napansin marahil ay dahil sa takot, ngunit nabanggit nya saakin ang pangalan na Ji-won" kwento ni Allen kaya tumango tango kami, ano bang meron sa Ji-won na yan? Bakit parang kami ang pinagtritripan ng multo na yan

Black University: Death Night [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon