Kumuha ako ng lapis at papel upang makagawa ng isang sanaysay. Paumanhin sapagkat kumuha rin ako ng ating kape, at tsaka umupo. Ngunit, paano ako susulat kung wala tayong paksa? Ano ang mga isusulat kong parirala?
Inabot ko ang aking tasa at humigop ng kape. Matamis ngunit hindi nakakasawa, mainit ngunit hindi nakakapaso.
Sandali.
Yaman din lamang na ako ay uminom nito, ang magiging paksa ng aking sanaysay ay ang isang kape. Ngunit, papaano ko ito bibigyan ng panimula? Paano ko nga ba ito lalaparan ng mga titik at mga salita?
Marahil ay magsimula na lamang tayo sa tubig at tasa.
Sabihin naman nating nasa loob tayo ng isang tasa, ako ang butil ng kape at ikaw ang naman ang asukal.
Hindi mabubuo ang isang tamang templa kung hindi ito lalagyan ng kapeng butil at asukal. Kasama ng pagbuhos ng mainit-init na tubig ng pag-ibig, tayo ay makakagawa. Ikaw at ako ang kailangang magtrabaho upang ito'y magiging makatotohanan at upang maging maganda ang ating kape –ang ating relasyon. Salamat sapagkat, dahil sa iyo, nasilayan ko muli ang aking halaga na minsan ko nang hindi nakita.
Matamis ngunit hindi nakakasawa. Mainit ngunit hindi nakakapaso.
Hindi perpekto ngunit ito'y ating trinabaho. Kung mayroon mang ibang kape na ibibigay sa akin, tatanggihan ko sapagkat pipiliin at pipiliin ko parin ang ating binuo. Hindi perpekto ngunit malasa.
Hindi ito sobrang pait at hindi rin sobrang tamis, sapagkat lahat ay mayroong balanse.
Naging masaya, naging kaaya aya, at naging alapaap ang pakiramdam dahil sa ating kapeng binuo -dahil sa ating relasyong binuo. At dahil sa kapeng ito, naramdaman ko ang pag-aaruga.
Ngunit, paglipas ng oras, bakit nagiging mapait? Bakit ang ating kape ay nawawalan ng tamis? Bakit ang ating kape ay bigla nalamang uminit nang hindi ko maintindihan hanngang tayo ay napaso. Bakit ang ating kape ay bigla na lamang nagbago? Bakit bigla na lamang tayong nagbago?
Ginawa ko ang aking parte at sinubok ayusin ang ating binuong kape, ang ating relasyon. Sinubok ko ang nakipaglaban sa init nito ngunit bakit ako napapaso at nasasaktan sa bagay na minsan nang nag paramdam sa akin ng totoong kalma at pag-aaruga.
Sandali lamang at nagiging trahideya na ang lahat, nagiging trahedya na ang aking naisusulat. Ito ba ang magiging wakas ng aking sanaysay? Ang ating tasa't kape ba ay mawawalan na ng saysay?
Ikaw ang bida sa panimula, kwento natin ang panggitna ngunit sa pagwawakas, ika'y hindi ko kayang mawala. Pipiliin ko na lamang hindi tapusin ang aking sanaysay sapagkat hindi ko kayang wakasan ito kung hindi tayong dalawa ang bida.
Mabalik ulit tayo sa kape, iinum parin ako kahit wala ng tamis at kahit ako ay napapaso na.
Mayroong ibang nag bibigay ng kape, ngunit tinatangihan ko dahil umaasa parin ako sa isang araw na bibigyan mo ulit ng tamis.
Tahimik akong mag kakape ng mag-isa kahit patuloy na akong napapaso at nasasaktan. Tahimik akong mag kakape kahit wala na ang tamis at kahit na ito ay sobrang pait.
Hahawakan ko parin ang ating tasa't kape, nag babakasakaling isang araw hahaluan mo ng asukal, at magiging maayos na muli ang lahat –sapagkat ang ating kape ay ang ating relasyon.
Sana, balang araw, kung tatapusin ko ang sanaysay na ito, ikaw parin ang paksa. At sana, balang araw, sa sanaysay ko ay ang pag-iirogan parin natin ang bida.
BINABASA MO ANG
Kape at Sanaysay
RomanceIsinulat noong Marso sa taong dalawampu't dalawampung libo't dalawampu. Isang maikling kwento na itinatampok ang monologo nina Juan Manuel at Herano Adro. Ang kwentong ito ay itinatampok ang mga realidad sa isang relasyon -ang kagustuhang ayusin at...