Chapter 2
Pagkatapos kong maligo ay doon narin ako nagbihis sa loob ng banyo. Sira kasi yung doorknob ng kwarto ko. Baka bigla nalang may pumasok na unggoy habang nagbibihis ako kaya dito na ako nagbibihis. Ginagawa kasing luneta ng mga kapatid ko ang kwarto ko. Labas pasok sila palagi dito.
Dito sa kwarto ko madalas tumambay sila Jimin, Taehyung at Jungkook . Palibhasa kwarto ko ang pinaka maluwag sa mga kwarto dito sa bahay dahil isa lang ang kama dito. Di tulad ng sa kanila na may tig-tatlong kama.
Tatlo lang kasi ang kwarto dito sa bahay. Yung isa, ito ngang sa akin. Solo ko to. Syempre kasi ako lang ang babae. Dati magkasama kami ni ilong sa iisang kwarto pero ng magdalaga na ako ay sinipa ko na sya palabas ng kwarto namin. Tanda kong isang linggo nya akong hindi pinansin noon dahil sa pag-papaalis ko sa kanya sa kwarto namin na ngayon at kwarto ko nalang. Isa yon sa pinakamalalang away namin ni kambal kaya hindi ko malilimutan yon.
Yung isa naman, kwarto ni Jimin, Taehyung at kuya Jin. Mas malaki ang kwarto nila kesa sa kwarto ko. Medyo mas masikip lang tignan yung kanila kesa sa kwarto ko dahil tatlo ang kama nila doon.. plus yung crib ni baby Pierce.
Kailangang kasama nung dalawang itlog sa kwarto si Kuya Jin kasi baka sumabog yung kwarto nila kapag pinabayaan magsolo yung dalawa doon. Hindi rin naman sila makapagligalig doon sa kwarto nila kasi pinapagalitan agad sila ni kuya kaya palaging nandito sa kwarto ko yung tatlo. Doon din kasi ang kwarto ni baby Pierce kaya bawal silang magkalat at manggulo doon. Sabi ko nga dito nalang sa kwarto ko ilagay ang crib ni Pierce tutal kaya at wiling naman akong magpuyat kung para sa pamangkin ko. Ang kaso ayaw naman nung ama nya na malayo sa kanya ang anak nya.
Yung isa naman ay yung kwarto nila kuya Yoongi at kuya Namjoon. Dito na din napunta si Jungkook. Kaya nga nagalit sa akin yon nung inangkin ko itong kwarto naming dalawa kasi sa kwarto nila kuya Yoongi sya napunta. Bawal kasi sa kwartong yon ang maingay dahil masusungit ang nandoon. Lalo na si kuya Yoongi.
Wag na kayong magulat kung bakit sobrang tahimik doon dahil lungga yun ni kuya Yoongi. Ayaw nya ng maingay. Nandoon din ang mga gamit nya sa pag-produce ng music na ibinebenta nya sa mga taong interesadong bumili nito. Idagdag pa na nandoon nakatambak sa kwarto nila ang mga libro ni kuya Namjoon at ayaw nya din ng maingay dahil madalas syang nagbabasa doon at nagpapaka-nerd kaya bagay na bagay silang magsama sa iisang kwarto ni kuya Yoongs.
Lahat ng kwarto namin ay palaging malinis. Maarte kasi si kuya Jin. Ayaw nya ng madumi. Lagi nya kami sinasabihan lalo na sila kuya Yoongi at Namjoon na kahit gaano ka-busy, dapat naglilinis parin. Pero madalas, sya lang din mag-isa nya ang naglilinis ng buong bahay.
Syempre dahil mahal ko si kuya Jin, palagi ko syang tinutulungan maglinis. Ako na din madalas ang nagpi-prisinta na maglinis ng mga kwarto dahil busy din naman si kuya Jin sa family restaurant na naiwan sa amin ng mga magulang namin. Tinutulungan din sya ng mga kapatid namin doon kaya ako nalang ang gumagawa ng mga hindi na nila kayang gawin dito sa bahay. Minsan nagugulat nalang ako dahil biglang susulpot si Hoseok para tulungan ako sa mga bagay-bagay. May silbi din naman yon kahit ganon yung lalaking yon.
Paglabas ko sa banyo ay hindi na ako nagtaka ng madatnan ko si Jimin, Taehyung at Jungkook sa kwarto ko. Kasama din nila si baby Pierce na natutulog sa dibdib ni Jimin.
Si Jungkook nasa study table ko at abala sa pagsusulat ng kung ano sa yellow pad. Siguro yung assignment namin na essay writing. Nagkibit balikat nalang ako.
Sa school ko nalang gagawin yung akin. Bahala na.
Nalipat ang tingin ko kay Taehyung na nakadapa habang kumakain ng chips katabi sila Jimin at baby Pierce sa kama ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/221439165-288-k284583.jpg)
BINABASA MO ANG
The Kim Family (On Hold)
FanfictionKim Haru. 18 years old. The only lady in the Kim family. Tagalog BTS Fanfiction