Haru’s POV
“KUYAAAA!” sigaw ko habang nasa loob ng banyo pero wala kahit isa sa anim kong kuya ang nakarinig sa akin.
Naman oh! Aanhin ko pa ang anim na kapatid kung wala naman akong mapakinabangan miski isa sa kanila?! Ang sarap nilang ipamigay sa kapitbahay!
“KUYAAAAAAAA! Jungkook! Mga hayop kayo! Sinong nagpatay ng tubig?!” gigil na gigil na sigaw ko habang pilit sinisimot ang tubig sa timba.
Mabubulag na ako’t lahat dahil sa shampoo sa mata ko wala paring miski isa sa kanila ang sumulpot.
Napakahusay! Kung kelan nasa kalagitnaan ako ng paliligo tsaka pa nawalan ng tubig.
Siguro ay nakalimutan nanaman nilang magbayad ng tubig. O baka naman sinadyang patayin ng isa sa mga isip bata kong kapatid ang main water valve!
Inis kong sinipa ang timba sa gilid ko. Napamura pa ako at napangiwi dahil napalakas ata ang pagkakasipa ko. Ang sakit sa paa!
“Isusumbong ko talaga kayo kay kuya Jin! Mga hayop kayo!” gigil na gigil kong sigaw.
Nakapikit kong kinapa ang tuwalya ko. Ipinunas ko yon sa mukha ko na puro bula ng shampoo pagkatapos ay mabilis ko iyon na itinapis sa katawan ko.
Saktong paglabas ko ng banyo ay ang pagpasok naman ni Hoseok sa kwarto ko.
Syempre nagkagulatan kaming pareho! Sinong hindi magugulat? Ang aga-aga nandito naman sa bahay ang hayop na to!
“Anong ginagawa mo sa kwarto ko?! Bastos ka talaga!” bulyaw ko sa kanya. “Isusumbong kita kila kuya!”
“O-oy! Hindi ah! Pinaakyat ako dito ni kuya Jin. Tanungin ko daw anong…kailangan… mo… Wow kinis.”
Sinundan ko ng tingin ang tinitignan ng hayop. Sinamaan ko sya ng tingin ng mapansin kong sa dibdib ko pala sya nakatingin. Bastos talaga!
“Yung mata mo. Dudukutin ko yan.” pagbabanta ko. Agad naman syang nag-iwas ng tingin at napakamot sa batok nya.
“Sorry naman.” mahina nyang sabi bago ako tinignan na mata. Nginitian nya ako ng napakalawak kaya napasimangot ako. Alam ko na kasi kung anong sunod na sasabihin nitong lalaking to. “Tsaka itatanong ko sana kung sasagu--”
“Hindi! Hindi ang sagot ko! Hindi kita sasagutin kahit anong panliligaw ang gawin mo. Tabi nga dyan!”
“U-uy! Teka naman Haru babe!”
Mabigat ang mga paa akong nagmartsa palabas ng kwarto ko at pababa ng hagdan. Rinig na rinig ko naman ang pagsunod sa akin ni Hoseok.
Panay ang sigaw nya na huwag akong magmadali sa magbaba ng hagdan dahil baka madulas nanaman ako katulad nung isang linggo. Basa pa naman daw ang paa ko.
At oo. Nadulas ako dito sa pesteng hagdan nung isang linggo. Paanong hindi ako madudulas kung may mga jolen na nakakalat kung saan saan? Kakatanggal nga lang ng semento sa paa ko kahapon.
Ewan ko ba doon kay Teahyung! Ang tanda tanda na naglalaro pa ng jolen! Kasalanan din ni Hoseok dahil sya ang kalaro ni Taehyung. Nagpapalakas kasi yan sa mga kapatid ko kaya kahit anong sabihin sa kanya nang mga siraulo kong kapatid ay ginagawa.
Kala mo naman talaga sasagutin ko sya!
Kaya hindi na rin ako nag-aabalang tawagin si Jimin at Taehyung na kuya kahit mas matanda sila sa akin. Sobrang isip bata kasi ni Taehyung! Tapos si Jimin palagi nalang kinakampihan si Tae kaya hindi ko nadin sya kinukuya tutal magkaedad lang naman sila.
BINABASA MO ANG
The Kim Family (On Hold)
FanficKim Haru. 18 years old. The only lady in the Kim family. Tagalog BTS Fanfiction