Chapter 5

5 5 0
                                    

Lunes. Alas otso y media. Iritado akong naglakad papunta sa classroom namin. Bukod sa mga babaeng nakaabang sa pagdating ng mga kapatid ko ay nakaka-badtrip sa bahay kanina.

Parang nagsisisi na ako na dinala ko sa bahay nung sabado si Anon.

Ewan ko naman kase kung ano na namang pinag-awayan nila ni kuya Jin. Paano, nung Linggo ay wala na si Anon sa bahay. Tapos si kuya hindi na naman makausap ng maayos. Sobrang tipid sa salita. Parang laging napakalalim ng iniisip.

Mabuti at nakinig kay kuya Yoongs na wag na munang pumunta sa restaurant at mag focus nalang muna sa pag aalaga kay Pierce. Tutal ay naroon naman palagi si Mr. Bang na mapagkakatiwalaang tao sa restaurant namin.

Hindi naman siguro trinigger ng babaitang yon si Kuya about kay ate Pristin, ano?

Sasabunutan ko talaga yon si Anon. Ako tuloy sinisisi nila Jimin kung bakit lutang na naman si kuya. Itong si kuya Yoongs naman din kulang pag-suotin ako ng uniporme ng mga katulong. Ang daming utos palage!

Inis kong sinipa yung maliit na batong nakaharang sa daan. Tumama yun sa isa sa mga babaeng kulang nalang ay tumulo ang laway habang nakatingin sa mga kapatid ko.

Natigil sya sa pagpapantasya at masama ang tingin na bumaling sa akin. Tumaas ang kilay nya at handa na sanang makipagsabunutan sakin kaso ay naisip nyang wag nalang pala dahil kasama ko ang mga kapatid ko.

“Ang oily ng mukha mo.” parinig ko sa kanya pagkadaan ko.

“Witch.” ganti nyang parinig pero hindi ko na pinansin.

Wag nya talaga akong susubukan. Baka maahit ko yung kilay nyang parang busog na linta.

“Lumayo ka nga sakin. Ang aga-aga nakasimangot ka. Alam mo bang nakakahawa ang bad vibes?” nakamangot na sabi sakin ni Jungkook.

Kanina pa yan ganyan. Sya kase yung pinagbuhat ko nung project naming deorama. Nagrereklamo syang wala na nga daw akong tinulong tapos ay sya pa pinagbubuhat ko.

Well, sorry sya. Ang ate ang masusunod.

“Pag sabihan mo muna yang mga fangirls nyong walang mga taste. Like eww, ang u-ugly nyo kaya.” paggaya ko sa tono ng pagsasalita ni Anon.

“Hays. Hanggang ngayon ba Haru di ka padin sanay na may mga kapatid kang artistahin?” nakangiting sabi ni Jimin na halos hindi ko na makita ang mata. Kumakaway pa sa mga babae ang baliw, akala mo isang politiko na napakabuti ng kalooban.

Yuck. If I know naghahanap na ang mga mata nya ng susunod na bibiktimahin.

“Oo nga. Tanggapin mo nalang na nagmumukha kang P.A. kapag kasama mo kami. Ampon ka kase kaya panget ka.” ngising asong habol pa ni Taehyung na lalong uminis sa akin.

“Ah ampon pala huh?!”

Sa inis ko ay inambaan ko sya ng sabunot pero sumingit na sa gitna  namin si kuya Namjoon kaya hindi ko sya naabot.

Argh! May araw ka din saking Kim Taehyung!

“Mahiya nga kayong tatlo pede? Tigilan nyo kakaasar kay Haru. Mga bakla ba kayo ha? ” parang siga sa kantong sigaw ni kuya Joonie sa 3 idiots na feeling campus hearthrobs.

Pwe! Hearthrobs my ass. Kung alam lang ng mga babaeng nagkakandarapa sa kanila gusto sa kanila kung gaano sila kadugyot, ewan ko nalang.

Inirapan ko sila isa-isa. Di bale nang mahilo, ang mahalaga nairapan ko sila.

“Sige na. Pumunta na kayo sa mga room nyo. May gagawin lang ako sa office.” nangungunsumisyon na sabi ni kuya Joonie.

Yung office na sinasabi ni kuya Namjoon ay iyong Student Council Office. Sya kase ang SSG President ng buong school.

The Kim Family (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon