Chapter 3

7 5 0
                                    

Chapter 3

“Isasama mo si pamangs sa restaurant, kuya?”

Nadatnan ko kasing inaayos ni kuya Jin kanina yung baby bag ni pamangkin. Isasama nanaman nya ata sa restaurant namin. Si kuya Jin kasi ang head chef doon. Sya na din ang nag-ma-manage simula ng mawala ang mga magulang namin. Wala naman kasi kaming ibang family business kundi yon.

Wala namang problema kung isasama nya si baby Pierce doon dahil may sariling kwarto doon yung bata.

“Oo. Alangan naman iwan ko yan dito mag-isa.” sagot sa akin ni kuya tapos ay sumubo ng pagkalaki-laki.

Nandito ako sa kwarto nila kuya Jin kasi nga diba? Mabait akong kapatid kaya dinalhan ko sya dito ng pagkain.

“Ayaw mo non? Lalaking independent yang anak mo.” nakangiti kong pinagmasdan si baby Pierce na mahimbing na natutulog dito sa crib nya.

Hehe. Nakakatakot siguro yon. Pagdating naming lahat makikita namin si baby Pierce na nagtitimpla na ng sarili nyang gatas sa kusina. #independent

“Ang layo din ng takbo ng imahinasyon mo, ano? Wala pang dalawang taon yang anak ko baka nakakalimutan mo.”

“Joke lang. To naman.” sabi ko nalang.

Tumahimik ako sandali. Iniisip ko kasi kung paano ako magpapaalam kay kuya Jin na pupunta ako sila Anon ngayon.

Tsk. Baka kasi mainit pa ang ulo ni kuya sa babaeng yon kaya baka hindi ako payagan.

“Ahm.. Kuya?” alanganing tanong ko habang pinaglalaruan ng dulo ng buhok ko. Walang, pa-cute lang. Baka sakaling madala ng cuteness ko si kuya.

“Ano?” tanong nya habang sinisimot ang pagkain sa plato nya. Ang bilis nga matapos kumain eh. Parang vacuum yung bunganga.

“Kase naisip ko…wag mo nalang isama si Pierce sa restaurant. Ako nang bahala sa kanya hehe.”

Tumaas ang isang kilay ni kuya sa sinabi ko.

“At bakit?”

“A-anong bakit?” nauutal kong tanong. “Syempre kasi diba, tuwing isinasama mo si Pierce sa restaurant, hindi ka nakakapag-focus sa trabaho? Nahahati utak mo eh.”

“And then? Just go straight to the point, Haru. Ano talagang gusto mong sabihin?” huli sa akin ni kuya. “Alam kong may kapalit tong pagdadala mo ng pagkain dito sa kwarto.”

Eksaherada akong bumuntong hininga. Napangiwi si kuya, ewan ko, siguro naamoy nya yung hininga kong amoy dyosa.

Wala na akong nagawa kundi ang sabihin sa kanya ang totoo kong agenda.

“Tsk! Kasi naman kuya Jin! Sabado naman ngayon kaya balak ko sanang umalis ng bahay. You know, chillax chillax.”

At syempre, makalayo muna sa magulong bahay na to. Gutso ko muna ng day off. Yung hindi ko makikita pagmumukha nila Taehyung. Yung hindi ko kailangan isipin yung mga nakakainis na kalandian ni Hoseok. Yung ganon ba.

“At isasama mo ang anak ko sa balak mong pag-lalakwatsa? Ganon? ” nakataas nanaman ang kilay na sabi ni kuya. Napairap nalang ako dahil mas mataray pa sya sa akin.

“Of course not! Doon lang naman kami kila Anon.”

Naalala ko bigla yung text sa akin ni Soobin, yung kapatid ni Anon.

[From: Soobin Sungit

Ate Haru pumunta ka dito ngayon. Isama mo si Pierce. Iyak ng iyak si ate Shanon. Natutuliglig na ko sa bunganga nya.]

Grabe din yon si Soobin. Kala mo obligado talaga akong sundin yung sinasabi nya. May attitude problem talaga yung batang yon.

“No.” maikling sagot ni kuya. Ramdam ko din ang bigla nyang pagkawala sa mood.

The Kim Family (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon