DIANNE.
Moma Michelle always share to me her love story pero never siyang nag mention sa akin kung sino ang mga lalakeng dumaan sa buhay niya. I also knew a little bit about my mom but I never bother to ask the real story.
Kahit na purong pagmamahal ang ipinapakita sa akin ni moma Michelle, dala-dala ko parin ang sakit sa aking puso sa tuwing napapaisip ako kung bakit hindi ako kayang panindigan ng aking tunay na ama't ina at kung bakit hindi man lang ako hinanap ng mga relatives ko.
I don't belong. That's what I always feel.
Hanggang sa makilala ko si Andrei. He's introvert. He's focus on playing his guitar when he joined our club. I was sophomore that time at vice-mayor ng club. Inatasan ako ng aming mayor na maging public relation na rin, kung saan kikilalanin ko ng lubusan ang mga members. Kaso, iba ang aura ni Drei baja dala narin ng pagiging introvert niya.
Naging busy rin ako sa academics at pagpapatakbo ng club kaya mga iilan silang baguhan ang hindi ko napagtuunan ng pansin.
Naging usap-usapan sa school ang paghihiwalay namin ni Fred. Isang araw, hinarana niya ako kasama ng mga members ng club upang makipagbalikan. Kaso I said "NO". While I was crying that time in the shoulder of our club adviser, nakita kong ngumiti ng bahagya si Drei.
Si moma Michelle lang talaga ang naging kasangga ko. Siya rin ang tunay na nakakaalam kung bakit ako nakipaghiwalay kay Fred. Kahit na may mga friends ako sa school, I am not open about my private life.
Pagkatapos ng break up namin ni Fred, I asked Maam Julie na i transfer niya ako sa ibang group ng aming club at buti nalang pumayag siya. She assigned me sa song writing group. 'Nung hapon ring iyon narinig ko ang boses ni Andrei.
Lalabas na sana ako dahil pinatawag ako ng aming class adviser kaso napatigil ako ng marinig ko ang mala-David Archuleta niyang tinig. Mas ginanahan pa ako ng kinanta niya ang paborito kong kanta. His voice became a beautiful melody in my heart.
One day, I saw him alone playing his guitar pero walang kabuhay-buhay ang kanyang pagpapatugtog and there I found out na pumanaw na ang kanyang mama dahil sa sakit sa puso. I thought na kailangan niya ng karamay. So, starting that day, I became her older sister.
I discovered how charming he is lalo na 'pag siya'y ngumingiti. Iba ang kanyang ngiti kapag kinakaskas a niya ang kanyang gitara at ang kanyang mga mata'y parang nangungusap at puno ng pag-ibig. I started making songs for him to cheer him up lalo na 'pag naaalala niya ang kanyang ina. He also hear me his songs na ginawa niya para sa akin.
Hindi nagtagal, nahulog na ang loob ko sa kanya ng lubusan.
Kaso, pinigilan ko ang sarili ko. I need to. Para hindi na ako masaktan pang muli.
'Nong graduation namin sa high school, I saw him may dala siyang isang bulaklak at dala rin niya ang kanyang gitara.
"Kailan ba magsisimula ang program?" Nahihiya niyang tanong.
"Mga 8 pa ata Drei" Masaya kong tugon sa kanya.
"7:30 pa naman, maaari bang may iparinig ako sa'yo Dianne?"
Then, we went to Math Park. Walang tao nang mga oras na iyon dahil ang lahat ay nasa gym, nag-aantay na simulan ang graduation program.
Magkatabi kaming umupo sa tiled-table ng Math Park na ang design ay parang DaMath Board games at nakapatong ang aming mga paa sa upuan.
"Ikaw ang naging lyrics sa musika ko,
Ikaw ang buhay sa gitara ko,
Nang dahil sa'yo naging makulay high school life ko,
Nang dahil sa'yo bumalik ang sigla ko.
Ikaw ang pumuno sa puwang na nasa aking puso
Ikaw ang dahilan ng aking pagbangon,
Ikaw ang nagbigay ng depinisyon sa mga ngiti ko,
Wala ng iba kundi ikaw.
BINABASA MO ANG
Dapat Ka Bang Mahalin?
Short StoryHow can you say that he is still worthy to love if destiny forbids you? This is a short story of acceptance, trust, and love written in TAGALOG-ENGLISH LANGUAGE. I hope you will love this. Lovelots, Ginoong Amado