Chapter 2

3 0 0
                                    

Nagising ako sa isang kaluskos at inalala ang mga nangyari kagabi hanggang sa pwersahan akong napabangon at nakita ang isang matandang babae na nakita ko kahapon sa palengke at nagbigay ng isang pin.

"Nasaan po ako? Lola?", Tanong ko kay lola.

"Iha, nasa bahay kita, dito ka na titita sa ngayon sabi ng kamahalan" sagot sakin ni lola habang sumi-simsim ng tsaa.

"Po? Hindi po maari! May trabaho pa po ako sa palengke ngayon kaya't kailangan ko na pong mag-magmadaling umuwi. Pati lola, may nalalaman ka pang kamahalan" sabi ko sabay alis sa kama at naglakad ng pa-ika ika. Hindi naman na masakit ang aking mga binti marahil ginamot na ito ng matanda. At hindi na ako nag-abalang magtanong kung sino ang nagdala sakin dito dahil kita ko naman ang ebidensiya. Binuksan ko ang pintuan at nagulat sa nakita ko, maraming lumilipad na fairies at talagang nagniningning ang kapaligiran. Namamalikmata lang ba ako? O hindi? Asan ako? Hayy weird na naman. Tumingin ako sa matanda at tinignan niya lang din ako at tumalikod sa akin.

Paano ako uuwi neto? Hindi ko pa naman alam ang lugar na ito at aalamin ko pa. Isinara ko ang pinto at lumapit sa matanda upang magtanong ulit dahil hindi na pangkaraniwan ang aking nakikita simula pa kahapon. Kailangan kong makakuha ng sagot.

"Ahhmm, Lola? Pwede po ba akong magtanong?" sabi ko kay lola.

"Sige lang iha, alam ko naman talagang magtatanong ka, dahil bago lahat ng mga nakikita mo at hindi pang-karaniwan." Sabi ni lola sabay upo sa kanyang upuan kanina at inabutan ako ng isang tsaa.

Tinikman ko ito at nagustuhan ang lasa at umupo sa katapat na upuan ng matanda.

"Lola kasi kahapon bago ako pumasok sa trabaho ay may nakita ako sa dyaryo na isang maikling paanya o alok na pumasok sa eskwelahan kapalit ng dalawang kahilingan. Tapos sa palengke naman ay nakita kita at binigyan mo ako ng isang pin na may letrang A at habang tumatakbo ako sa kagubatan ay may nakita akong bolang puti", sabi ko kay lola na animo'y batang ignorante na ngayon lang naabutan ng bagay na kailanman ay hindi pa nakikita.

"Iha, ang mga nakita mo kahapon ay magiging bahagi ng buhay mo simula ngayon. Yung sulat ba kamo sa diyaryo? Maswerte ka iha at nabasa mo iyon dahil pili lang ang nakakakita non. Mga batang may hindi pangkaraniwang lakas ang nakakabasa non at ikaw palang ang inimbitahan ng kamahalan. At yun din ang papasukan mo bukas. Yung pin naman na binigay ko sayo ay ang magiging section mo rito. A kasi ang section ng mga elemental students dito. Yun ang binigay sakin ni kamahalan at ibigay ko daw sa nakabasa ng sulat. Bago ka palang lumabas ng iyong bahay ay alam ko na ikaw yon. At ang bolang puting nakita mo kagabi ay isa sa mga fairy na nandiyan sa labas. Siya ang tumulong sa iyo." Paliwanag sa akin ni lola.

"Hindi ko parin po maintindihan at hindi makapaniwala, sino po yung kamahalan na tinutukoy mo? Anong pangalan ng school ?", sabi ko kay lola.

"Iha, marami pang araw na pwede kong ipaliwanag ang lahat, tama na muna ngayon at kailangan mo pang maghanda bukas. Dahil papasok ka na sa "Enchanted Academy" bukas".

Hindi na ako nagtanong pa sa matanda at tumingala sa bintana.

Nagising ako sa pagtapik sa akin ni lola Esme sa aking braso hudya't na kailangan ko ng bumangon dahil papasok pa ako sa paarala na tinutukoy niya. Nalaman ko pala ang pangalan ni lola kagabi nang magpakilala siya sa akin bago ako makatulog upang sa gayon ay hindi na ko na siya tawagin na lola lang.

Bagama't walang pangalawang palapag ang bahay ay mapapansin dito ang mga antikong bagay o kagamitan na nakalagay sa taas ng tukador at nakasabit sa ding-ding.

"Alchaim, mag-ayos ka na at pumanhik ka na dito upang tayo'y sabay na kumain at lumisan sa lugar na ito at ihatid sa eskwelahan na talagang ang tulad mo ay nararapat" sabi sakin ni lola ng mag galak at tuwa sa mga mata.

"Sige ho, lola esme." Binawian ko siya ng totoong matamis na ngiti.

Nag-ayos na ako ng aking sarili at humarap sa harap ng salamin upang tignan ang aking kasuotan o uniporme na ang sukat ay sakto lamang sa aking manipis na katawan at ang tabas ng aking pulang palda ay hanggang taas ng aking tuhod.

Wala ng paligoy-ligoy pa at lumapit na ako sa hapagkainan at umupo sa isang silya katapat ni lola esme.

"Lola esme? Mukhang masarap po ito ah!" Nagagalak kong sabi dahil sa pagkain na nakahanda sa aking harapan.

"Oo naman Alchaim, inihanda ko talaga iyan para sayo. Hala, sige kumain ka na riyan nang maka-alis na  tayo dahil malayo-layo pa ang ating lalakbayin", sabi ni lola.

Kumain na kami at napagpasyahang lumisan na sa lugar na iyon dahil papasok na ako sa isang eskwelahan na talagang makakatulong sa akin.

Sumakay kami ni lola esme sa isang karwahe na mag-isang umaandar at talagang nakaka-manghang tignan. Ito daw ang sasakyan namin papunta sa paaralan na aking papasukan. Maliit lang pagtinanaw mo ito sa labas ngunit kapag pumasok ka na sa loob ay malaki ito na para bang maituturing naring isang bahay. Habang ako'y namamangha rito ay kinalabit ako ni lola esme.

"Matulog ka na muna iha, dahil matagal-tagal pa tayo makakapunta sa paaralan mo", sabi sakin ni lola habang inaabot sa akin ang kulay gintong unan.

Napagpasyahan kong pumikit muna at umidlip dahil mukha nga talagang matagal pa ang byahe namin.

The Lost Penthesilea ScionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon