CHAPTER 002: I MET HIM AGAIN AFTER 3 YEARS

1 0 0
                                    

SHANNON

It's been three years, since I saw that vampire named Trevor. Isa na akong secretary sa isang kompanya na pagmamay–ari ng anak nang kaibigan nang papa ni Samantha. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong nobyo, o manliligaw. Hindi ko alam, ngunit sa t'wing makikilala ko sila ay bigla nalang silang nawawala, o 'di kaya umiiwas.

FLASHBACK:

Umiinom ako magisa sa isang bar dahil gusto ko mapagisa nang mga oras na 'yun. May lumapit na lalaki sa'kin gwapo ito at may magandang pangangatawan. Jackpot! Sigaw ko sa isip ko.

"Hi miss, are you alone?"

"Ye—"

"O–Oh. I'm sorry, I got to go."

Bigla nalang itong tumayo at tumitiling tumakbo palabas ng bar.

"What the fuck?"

Flashback:

Nasa isa akong coffee shop, 7AM palang no'n at kailangan kong magalmusal kaya naman dumaan ako saglit. Kumakain ako ng cake at umiinom ng kape nang mga oras na 'yun, nang may lumapit na waiter sa'kin. May inilapag itong pancakes sa harap ko. Nagangat ako ng tingin at nakangiti ito sa'kin.Ngiting type ako! Jackpot!

"Hi miss, I'm Jonathan. Actually, I'm the owner of this coffee shop and this is the first time that I saw you here so bilang pang welcome, here pancakes it's free for you. Sorry kung bigla kitang kinausap habang kumakain ka, I just can't stop myself ang.. ang ganda mo kasi, so what's your name?"

Mahinhin kong inilapag ang tinidor at ngumiti sa kanya.

"I'm Shan—"

"Oh you're taken. I'm sorry for the inconvenience. Have a good day, by the way the pancakes cost 350 pesos. Just.. just pay it later."

Tumayo ito at padabog na pumasok sa isang mini–office. Napanganga naman ako habang nakatingin lang sa pintong pinasukan nya.

"What the hell? Are you fucking kidding me?!"

Tinapunan ko ng tingin ang pancakes na nasa lamesa, it looks so yummy!

"Aish, I thought it was free."

Agad akong napanguso at hindi na tinapos ang pagkain ko. I really hate it!

END OF FLASHBACKS:

Nakanguso ako habang inaalala ang mga 'yon. Nakakainis, heto na ba ang sinasabi ng Trevor na 'yun?! S'ya ba ang gumagawa nito?!

"Sh–Shannon?"

Nabalik ako sa reyalidad at napatingin kay si Luis. Nakatingin ito sa kamay ko, huli ko na naalala na nasa restaurant nga pala kami at hinihintay ang kliyente.

"You're torturing the steak."

Napatingin ako sa plato ko at halos hindi ko na maintindihan ang steak, kung steak pa ba 'yon o giniling. Kung nakakapagsalita lang ang steak ay baka sinampal na ako neto at pinagmumura.

"Sorry sir, marami kasi akong iniisip."

Tumango s'ya at may kinuha sa bulsa nya. Isang sobre.

"Here, sweldo mo. You look pale, you know what you can go home and take some rest. Don't worry I can handle this alone."

"P–pero sir.."

Ngumiti lang s'ya at ipinatong ang sobre sa kamay ko.

"Get this, go home and take some rest. Health is more important than job, Shannon."

THE SWEETEST POISONWhere stories live. Discover now