TREVOR
Pauwi palang kami ni Shannon, galing sa bahay ng kaibigan nya. Tahimik lang kami pareho dahil wala ako sa sarili para magsalita, kaya naman nanahimik nalang ako. Nasa kalagitnaan kami ng byahe nang marinig ko s'yang tawagin ako.
"Trevor?"
"Hmm?"
"Tahimik–"
Nahinto s'ya nang biglang tumunog ang cellphone ko.
"Hindi ko alam na may cellphone ka pala."
Hindi ko s'ya sinagot at tiningnan nalang kung sino ang tumatawag. Agad ko iyong sinagot nang makita ko kung sino iyon.
"What now, Veronica?"
SHANNON
May cellphone pala, hindi nagsasabi. Nakatingin lang ako sa kanya habang nakatingin s'ya sa cellphone. Biglang kumunot ang noo nito habang nakatingin doon. Nilagay nya ang cellphone sa tenga n'ya nang maihinto nya na ang kotse sa tabi.
"What now, Veronica?"
Veronica? Tumingin s'ya sa'kin at bumuntong–hininga.
"Hindi ako makakauwi– I'm with someone.– Yes, I'm gonna hang up this now."
Nagulat ako nang itapon nya ang cellphone sa labas ng kotse at nagmaneho na ulit. Nakatingin lang ako sa kanya nang mga oras na 'yun, what's with him? Nang makauwi kami ay nauna na akong pumasok. Maglalakad na sana ako papasok ng kwarto nang may marinig akong ingay sa kusina.
"Walang beer?"
"Wala."
"What kind of house is this then? Geez.
Hindi ba nila alam na hindi pwedeng tawaging bahay ang isang bahay kapag wala iyong alak sa ref?!"
Narinig ko ang isang babaeng sumigaw. Napalunok ako dahil hindi parin pumapasok si Trevor.
"SINO'NG NAND'YAN!?"
"Hulaan mo."
Aba't?
Napaatras ako nang makarinig ako ng yabag mula sa kusina at agad na nagaliwas ang mukha ko nang makita si..
"R–Rafael? Veronica?!"
Nagtitigan sila at tumawa.
"How are you, Shannon?"
Agad ko silang niyakap at sila naman ay niyakap din ako pabalik.
"Ano'ng ginagawa nyo dito?"
Masamang nakatingin si Trevor sa kamay ni Rafael na nakahawak sa bewang ko.
"What's with the stare? I'm just holding my 'Classmate, and a friend'."
Umigting ang panga ni Trevor na mas lalong ikinatawa ng dalawa.
"Just let go of my honey Rafael."
Agad itinaas ni Rafael ang mga kamay nya habang tumatawa.
"Okay, okay. Hahahahaha"
Lumapit si Veronica kay Trevor at hinalikan iyon sa pisngi. Nakaramdam naman ako ng inis nang makitang ngumiti si Trevor kay Veronica. Bago pa man ako magwalk–out ay narinig ko na ang boses ni Trevor sa isip ko.
'Stop looking at me like you want to cut my head off honey. She's just my sister.'
Huminga ako ng malalim at ngumiti. Wooaaah!"Who wants beer tonight?"