SHANNON
It's rainy wednesday so I'm wearing my favorite black hoodie jacket today. Medyo basa pa ang damit na suot ko dahil hindi ako nakadala ng payong. Pinagpagan ko ang skirt ko at pumasok na sa classroom at medyo maingay pa ang mga kaklase ko dahil wala pa ang Professor. Agad akong pumunta sa upuan ko at tinabihan si Samantha.
"Goodmorning, Shannon."
"Goodmorning, Sam."
Agad itong pumulupot sa braso ko at nagsimulang tumili.
"Shan, pinansin ako ni Rafael kanina."
Para itong bulateng binudburan ng asin habang niyuyugyog ako. Agad ko s'yang pinabitaw kaya naman napanguso s'ya."Hindi ka ba natutuwa? Waaaaah 7 years ko ng gusto si Rafael, at sa pitong taong iyon ay ngayon nya lang ako binati ng goodmorning. Hindi mo ba ramdam?"
Nangunot naman ang noo ko at napatingin sa kanya.
"Ramdam ang ano?"
Lumapit ito sa'kin at bumulong.
"Na malapit na maging kami."
Tumili ulit s'ya kaya naagaw namin ang atensyon ng iba, pati na ang atensyon ni Rafael. Tumingin ito sa amin dahilan para mayugyog ako ulit ni Samantha. I can't blame her, she loves that guy so much though. Bago pa man mas lumala ang ingay ay dumating na ang professor. Agad nagsitahimik ang lahat at nagsimula ng makinig kay prof dahil nagsisimula na itong magcheck ng attendance.
"Rafael Imavueno?"
"Present."
"Veronica Shenorypirinome?"
"Present!"
"Samantha Villorina?"
"Present!"
"Shannon Clevenory?"
Agad akong nagtaas ng kamay at ngumiti.
"Present, ma'am."
Pagkatapos ng first subject ay agad kaming nagtungo ni Samantha sa Cafeteria. The place is so crowded so we just decided to spend the break time at the rooftop. Habang paakyat ay bigla akong tinanong ni Samantha.
"Wala ka paring boyfriend Shan?"
Natatawa ko s'yang tiningnan at tumango.
"I don't need a boyfriend Sam, I need money."
Natawa naman s'ya sa sinabi ko. Binuksan ko ang pinto ng rooftop, habang s'ya ay patuloy sa pagsasalita.
"Bakit kasi hindi ka nalang magstay sa bahay? Ilang beses na inoffer ni mommy sa'yo ang bahay."
Ipinatong ko ang mga pagkaing dala ko at naupo sa panyong inilapag ko sa sahig ng rooftop para upuan.
"Kaya ko naman mabuhay magisa. May trabaho naman ako tuwing gabi, kaya hindi na kailangan. Ayaw ko namang makaistorbo sa inyo."
Inirapan nya ako.
"Kailan ka ba naging istorbo? We're friends, Shannon."
"Yes, we're friends at isang kaibigan hindi dapat inaabuso."
Napanganga naman s'ya at natawa.
"Shannon will always be Shannon. Aish! Ewan ko sa'yo. Basta kung kailangan mo ng tulong, you can call me anytime.
Tumango nalang ako kaya naman nagpatuloy na s'ya sa pagkain, pati na rin ako. Matapos naming kumain ay tiningnan namin ang kabuuan ng university. Maraming estudyante ang naglalaro sa school ground, ang iba naman ay nakaupo lang at nagtatawanan kasama ang mga kaibigan nila.