CHAPTER ONE

129 9 6
                                    


"SALAMAT PO," buntong-hiningang usual ni Marose Rodriguez nang dumaong na ang fast craft na sinasakyan. Kanina pa siya nahihilo at nasusuka sa loob ng ferry.

Bakit kasi kailangang may aircon pa sa loob ng ferry? piping reklamo ni Marose. Lihim siyang napatawa at napailing kasi siya lamang ata ang travel vlogger na ayaw sa ferry na may aircon kapag nagbabiyahe.

Dumaong sila at napatingala si Marose sa mga tipak ng bato na sinubok na ng panahon. Pakiramdam niya nasa ibang bansa siya sa ganda ng nasa paligid niya. May nakasulat na Port of the Moon at doon naghihintay ang pinsan niyang si KM.

"Kumusta ang biyahe?" nakangiting tanong ng babae.

Pinaikot niya ang mga mata. "Alam mong gustong-gusto kong nagbabiyahe at iyon ang kabuhayan ko, pero hindi ko naman alam na sobrang layo pala rito!"

Tumawa ito. May buhay, pati ang mga mata nito ay kumikinang sa saya. Niyakap siya nito ng mahigpit. "I've missed you so much, Kambal."

"I missed you, too, Kambal." Sanggang-dikit sila noong mga bata sila hanggang sa kunin ito ng ama nang mamatay ang ina nitong si Tita Jeremiah. Magkapatid ang Nanay nito at Nanay niya.

"Sabi ko naman sa'yo ipapasundo na lang kita sa chopper para hindi ka na mahirapan pa,"anito.

"Sus, malaking tulong na sa akin na patitirahin mo ako rito sa paraiso mo. Ibang klase ka na talaga. Hindi na kita maabot, Kambal."

Tinawanan lang siya nito at hinawakan ang kanyang kamay. "Ikaw nga riyan ang nalibot na ang Pilipinas. Marose Adventurous. Ang pinakasikat na travel vlogger sa Pilipinas."

Umiling siya. "Sabihin mo iyan kay Mama."

Nakakaunawang tumango ito.

May kumuhang mga staff sa mga gamit niya at sumakay sila sa isang coaster. Iginala ni Marose ang paningin sa kabuuan ng Puerto Azul. Kahit hindi maganda ang kanyang pakiramdam at nanlalagkit ang kanyang mahabang buhok dahil sa mahabang biyahe patungo sa isla, hindi niya mapigilan ang sariling mamangha sa kagandahan na nakahain sa kanyang harapan. Napawi ang labing-anim na oras na biyahe niya patungo sa isla.

Patapos na ang Pebrero at maalinsangan na ang panahon ngunit hindi iyon ramdam sa isla na tila may air-generator doon. Mahangin at gusto niya ang pinagsamang amoy ng tubig-alat at preskong hangin ng mga puno.

Kaya hindi na nagulat si Marose nang malaman na isa ang Puerto Azul sa pinakamagandang isla sa buong mundo ayon sa isang sikat na travel magazine. Lalo siyang napanganga nang masilayan ang naggagandahang villa sa mataas na bahagi ng isla. Para iyong tirahan ng mga diyos!

Kaya naman pala mahal ang membership fee at acquisition cost ng Puerto Azul.

Puerto Azul was a 600-hectare island located in Maconacon, one of the unexplored coastal towns of Isabela. It was developed by Dustland Corporation owned by Paul Angelo Pablo, KM's husband.

"Kambal, ano ang kaibahan ng Puerto Azul sa Balesin Island?" tukoy sa isang pamosong beach resort sa Quezon Province.

"Thru membership kumikita ang Balesin, bibigyan ka ng free villas in the span of two to three weeks in a year. Ganoon din naman sa Puerto Azul, but Paul had a vision of creating a community that offers the basic reason why rich families and individuals subscribe to this kind of luxury – privacy. Kaya naisip na hatiin itong villa sa dalawang services. Una ang mga nagtataasang villa sa kaliwa mo. Iyang ang Lam-ang Villas na maari mong makuha if you acquire it. It is ten times expensive than getting a membership to Ańgalo and Aran Villas na siyang pupuntahan natin. Fifteen days na free villa sa loob ng isang taon."

The Butterfly WhispererTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon