CHAPTER FOUR

44 5 1
                                    


MAROSE HAD a vivid memory of her childhood. She and her brother Maddox would do 'guess if we are faking it' and her stepfather would judge it. Madali niyang malaman kung umaarte lang ang kapatid dahil sa mata nitong malikot.

Knowing whether a person was lying thru their eyes was her secret talent. Eyes were the windows of someone's soul. A second of flickering and it would tell your emotion. She was good at capturing that. It was like watching a car running. And at a considerable speed, you focused on the alloy wheel and rim of the car tire. Mabilis ang takbo ng sasakyan ngunit mas tatatak ang gulong dahil sa mabagal nitong pag-ikot.

Kagaya sa pagtatago ng emosyon, kahit gaano kabilis iyon, kailangan lang ni Marose nang konting segundo para malaman ang emosyon ng kaharap.

She was applying that principle to Akihiro. She was observing him. At the back of her mind, she was waiting for him to spill the joke. Na nililiko lang siya nito.

Dahil iba ang kinikilos nito ngayon. Paanong ang nakangiting Akihiro na nakasama niya sa Vietnam ay ibang-iba ngayon?

But she couldn't decipher him. He was cold and calculating. His eyes void of any emotions.

"Akin na," putol nito sa pagmumuni-muni niya.

"A-ang alin?" tanong niya sa lalaki na nakatingin sa kanya, parang pinag-aaralan kung totoo ba siya o isang panaginip.

"Your bag," he said, bored and impatient. Katatapos lang niyang kunin ang mga gamit niya. Madali lang naman niyang naayos iyon dahil kalilipat lang naman niya kagabi.

Hmm, gentleman ang mokong. "Hindi kaya ko na," tanggi niya, hindi nasupil ang ngiting lumabas sa labi niya.

"I am not doing this for you," saad nito saka kinuha ang maleta niya.

Kasi naman konting bagay lang kinikilig ka, Marose. Malamang ginawa niya iyon para sa baby niyo. Isinampa ng lalaki ang ang kanyang maleta sa coaster. Nakasimangot na sumunod siya ng upo sa lalaki.

"Paano mo nalaman na nandito ako? Paanong kilala mo ako?" tanong nito, ni hindi nag-abala na tapunan siya ng tingin. Ang maalon-alon na buhok nito ay tinatangay ng hangin. Kahit saang anggulo talaga tignan, guwapo ang hudyo. And he smelled nice, lalo na't sinasabayan pa iyon na sariwang hangin. Kung puwede lang siyang magpabebe, yayakapin niya ang lalaki at sasamyuhin ang amoy nito.

"You don't remember?" she asked.

"Not all the details," sagot nito.

Alam ni Marose na lasing silang dalawa noon pero natatandaan pa naman niya ang mga nangyari sa kanila.

Natatandaan niya ang sensasyon kung paano siya halikan nito, kung paanong ginhawa ang naramdaman niya nang magdikit ang mainit nitong katawan sa kanya. Alam pa niya ---

Stop! Oh, Marose, just stop! Hinihingal na paalala niya sa sarili.

"Okay ka lang?" tanong nito.

"Yeah, excited lang si b-baby," alanganing ngiti niya. "Linggo rin ang ginugol ko para hanapin ka. Buti at alam ko ang pangalan mo. Google here, google there, plus the fact that you own ADNIL, and you are one of the owners here in Puerto Azul. Madali na lang," aniya.

"Strikto sila sa security dito sa isla. Not unless you are invited, hindi ka makakatapak sa lugar na ito."

Ang yabang naman ng lalaking ito. "Pinsan ko si KM."

The Butterfly WhispererTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon