Chapter 1

11.8K 233 10
                                    

Chapter 1

Luningning Pov

KASALUKUYAN kong hinihintay si Jumbo na lumabas sa bahay nila dahil sabay kaming mamasukan sa gotohan ni Aling Ason ngayong araw. Ipinupusod ko ang aking mahabang buhok nang lumabas ito. Nakasuot ako ng puting t-shirt at lumang maong pants na gamit na gamit ko na.

"Halika na panget!" Nauna na itong naglakad. Isinukbit ko ang sling bag ko na luma sa kilikili ko. At hinabol ito sa paglalakad. Vicente Agustin ang buong pangalan ni Jumbo. Jumbo ang alyas nito. Malaki ang katawan nito pero mahihin gumalaw. Sayang ang gandang lalaki nito, may itsura pa naman.

"Bakla sa tingin mo magkakapera tayo sa araw na 'to. Mukha kasing uulan o." Sabay tingin ko sa pagdilim ng kalangitan.

"Malas ka talaga, Ning!" Singhal nito sa akin. Alam kasi nitong may balat ako sa puwet dahil nakita na nito iyon dati noong bata pa kami.

"Hoy, hindi lahat ng may balat sa pwet e malas na. Iyong iba nga ikinayayaman nila." Pangangatwiran ko rito.

"Aba, nangatwiran ka pa." Nagtaas ito ng kilay nang humarap sa akin.

Mayamaya pa ay bumuhos ang malakas na ulan. Wala kaming payong na dala ni Jumbo kaya naman nabasa kaming dalawa.

Napasimangot ako. Totoo yatang malas ako. Siyam na taong gulang ako nang mamatay ang aking mga magulang. Kaarawan ko ang araw na iyon. Dahil wala naman akong kamag-anak na gustong kumupkop sa akin ay namuhay na lamang akong mag-isa. Nagpagala-gala sa kalye, at nagnakaw para mabuhay. Namulot ako ng mga tirang pagkain sa basurahan sa tapat ng fast food chain. Palaging may napapahamak kapag ako ang kasama nila dahil na rin sa kamalasang dala ko. Bente tres anyos na ako pero hanggang ngayon wala pa ring matinong buhay at permanenteng trabaho dahil sa kakulangan ko ng kaalaman. Grade five lamang ang natapos at wala akong diplomang maipakita kaya hindi ako matanggap sa mga trabahong inaaplayan ko.

Inakbayan ako ni Jumbo. Ang baklang kaibigan ko mula pagkabata pareho rin kaming ulila nito. 'Yon nga lang may kumupkop kay Jumbo kaya hindi nito naranasan ang mga naranasan kong hirap.

"Masama lang talaga ang panahon, Ning."

"Sorry. Nadamay ka sa kamalasan ko," nakasimangot kong sabi rito na maiyak-iyak na.

"Ano ka ba? Walang malas o suwerte no! Nagkataon lang na umulan." Pagpapalakas nito sa loob ko.

Nginitian ako ni Jumbo.

Mayamaya pa'y tumila na ang ulan.

Pumasok  kami sa gotohan ni Aling Ason. Ako ang dishwasher at si Jumbo naman ang waiter.

"Luningning, tama na muna ang paghuhugas. Kumain na muna kayo ni Jumbo." Utos ni Aling Ason.

"Sige po salamat." Inalis ko ang apron na suot ko at hinugasan ang mga kamay ko.

Sa likod kami ng gotohan kumain ni Jumbo. Pinagtitinginan ako ng mga kalalakihan na nasa paligid ko.

Nagbubulungan ang mga ito.

"Bakit nila ako tinitignan?" taas kilay na tanong ko kay Jumbo.

"Ano pa nga ba e. Ang ganda-ganda mo kasi para kang miss universe. Ka-level mo na nga si Catriona Gray ng kagandahan. 'Yon nga lang wala kang utak."

Umismid ako. "Ang sama neto."

"Prangka lang ako dahil kaibigan kita."

Hindi naman sumasama ang loob ko sa mga pagsasalita ni Jumbo sa akin. Dahil sanay na sanay na ako sa tabas ng sila nito. Lalo na't magkaibigan kami pero minsan nasasaktan ako kahit biro lang ang sinasabi nito. Kasalanan ko bang wala akong pang-aral dahil pinagkaitan ako ng pagmamahal mula sa mga kamag-anak ko. Wala kasi kahit isa ang may gustong kumupkop sa akin.

HIS INNOCENT WIFE (COMPLETED-UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon