Chapter 2

6.3K 218 9
                                    

Chapter 2

Tristan PoV

NAISIPAN kong mag-commute ngayong araw. Matagal ko na kasing binalak mag-commute pero nawawalan ako ng oras. Isang buwan pa lamang ako rito sa probinsya para asikasuhin ang sarili kong negosyo. Minabuti ko na sumunod kay Kuya Samuel dahil maganda raw ang takbo ng negosyo dito sa probinsya lalo na't maraming mga turista ang namamasyal sa ganda ng Calauag Paradise.

Sa probinsya kami lumaki ni Kuya Samuel ngunit pinili kong manirahan sa Maynila kasama nila Papa dahil sa nangyari noong bata pa ako.

Umaandar ang jeep na sinasakyan ko nang may humabol pang isang pasahero. Nakipagsiksikan ito sa tabi ko. Umusog ako para makaupo ito.

"Manong, pakisiyo po ng bayad!" sabi nito sa katabi ko.

Nang iniabot ng lalaki ang bayad ng babae sa driver tumingin ang driver dito.
"Saan ito Miss?" tanong nito sa akin.

"Sa palengke lang, Manong."

Tumingin ako sa babaeng katabi ko. Pamilyar siya sa akin, at iniisip ko kung saan ko ba siya nakita.

"Kulang ng piso itong pinambayad mo," reklamo ng driver.

Humawak ang babae sa handle na nasa itaas at tumingin sa driver.

"Manong, kahapon sumakay ako rito rin sa jeep mo. Otso pesos lang ang binayad ko sa 'yo, ngayon naman nagtaas ka na ng piso. Pambihira ka naman, Manong, baka sa susunod na araw sampung piso na ang singil mo. Aba maawa ka naman sa aming mga pasahero mo!"

Napatitig ako sa babaeng katabi ko.
Napahanga ako nito dahil sobrang halaga ng pera para rito. At nakakatuwang isipin dahil pareho kami ng babae.

"Manong, ako na ho ang bahala sa bayad nilang lahat!" malakas na sabi ko at inilabas ang isang libong piso sa wallet ko.

Tumingin ito ng masama sa akin. "Pulitika ka ba? Kunsabagay malapit na eleksyon!" nakangising sabi nito.

Hindi ko na sinagot ang babae dahil mukha itong badtrip.

Hinawakan nito ang hanggang balikat nitong blondeng buhok. Mukhang nakikilala ko ang babaeng ito. Tama! Siya iyong tumulong sa akin noong nakaraang araw.

"Manong, salamat!" sabi ng mga ito sa akin. Nginitian ko lamang sila. Nagsibabaan na ang mga ito sa palengke. Bumaba na rin ang babae. Bumaba na rin ako para sundan ito. Inihabol ng driver ang sukli ko pero hindi ko na iyon kinuha rito.

Napansin marahil ng babae ang pagsunod ko kaya huminto ito at nilingon ako.

"Teka nga... sinusundan mo ba ako? Hoy, wala kang mahihita sa akin wala akong pera!" Singhal nito sa akin.

Tinawanan ko ito. "I'm Tristan Elizarde. Ako iyong tinulungan ninyo noong nakaraang araw."

Umikot ito sa harapan ko. "Ay oo!" Tinapik nito ang balikat ko. "May maitutulong ba ako sa 'yo? Pasensya ka na kanina, a. Badtrip kasi sa akin iyong mga taong mahilig manamantala sa mga tao. Aba mahirap ang buhay ngayon."

Nginitian ko ito. "Gusto sana kitang makausap."

"Ano? Trabaho ba. Saktong-sakto kailangan ko ng pera." Nangislap ang mga mata nito.

"Willing ka bang maging asawa ko?" seryoso kong tanong.

Nanlaki ang mga mata nito. "Ano?"

Matagal ko ng pinag-isipan ang bagay na ito dahil sa pangungulit sa akin ni Papa na mag-asawa na raw ako. Pero hindi pa ako nakahanda sa bagay na iyon. Isa pa hindi ko pa nahahanap ang babaeng para sa akin. Hindi pa ako nakahandang magmahal dahil natatakot akong maulit ang nakaraan.

HIS INNOCENT WIFE (COMPLETED-UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon