Second Chances

100 1 0
                                    

"It's the same old feeling back again. It's the one that they had way back when they were too young to know when love is real. But somehow, some things never change and even time hasn't cooled the flame. It's burning even brighter than it did before. It got another chance and if they take it..."

Almost a year had passed. 11months to be exact. Napakalinaw pa rin sa ala-ala ko yung nangyari nung araw na yun. Pero hindi na masakit, hindi na mabigat, hindi na ako nahihirapan. Good news, right? At marami pang good news na nangyayari habang umaandar ang oras. Tama nga sila, time is really the great healer. Is this God's perfect timing? Siguro nga, sana nga. ^^

------------

Im fine with the kambal again. Bumalik sila sa ministry, biglaan yun pero masaya ako kahit di pa kami nag-uusap at first. Bakit ako masaya? Kasi kahit papano, naisip nilang bumalik sa service nila as youth ministers, that's more than enough to make me happy. ^^

Birthday nga nila nung October. Naalala ko pa, pinipilit akong pumunta ng mga kasama ko sa ministry, and of course para sakin that idea is really awkward.

Flashback

"Pupunta ka ba kina kambal te?" Tanong ng halos lahat sa akin. Ewan ko aa, pero parang hindi naman kasi appropriate na pumunta ako dun lalo na't hindi pa naman kami ok.

"Hindi. Kayo aa, kung ininvite kayo, pumunta kayo." Sagot ko kay Chad nung tinanong nya ako.

After namin magpray sa bahay ng isa naming kasamahan, umuwi na rin ako kasama ng kuya ko. At ayun nga, kahit nakauwi na kami ee kinukulit pa rin nila kaming pumunta. Susunduin pa nga raw kami.

"Sige na par. Punta ka na. Hinahanap ka dito. Pagbigyan mo na sila, birthday naman." Text ni Janine sakin.

"Bakit? San kayo pupunta?" Sabi naman ni mama. Naramdaman siguro nya na lalabas kami ni kuya. Nagtatanungan kasi kami kung pupunta ba.

"Sa birthday nila kambal, nagyayaya sila." Sagot ni kuya kay mama na iritado agad magtanong. Kaloka si mother!

"Sasama ka?" Patungkol ni mama sakin.

"Opo. Pero saglit lang kami." Ayoko rin naman magtagal dun no, gusto ko sanang idagdag.

"Oh, tapos nandun yung mga barkada nya."

"Siguro. Malamang." Alam ko na kung anong iniisip ni mama and alam kong nag-aalala lang sya para sakin.

"Pero mabilis lang naman kami kasi may pasok bukas." Paniniguro ko kay mama.

"Kakain lang tayo tapos uuwi na." Dagdag naman ni kuya.

Maya-maya nga, sinundo na kami.

Flashback ends

Kahit siguro hindi alam ni mama exactly yung mga nangyari before, naiintindihan nya lahat ng pinagdadaanan ko. Syempre naman, nanay yan ee.

Pero siguro nga, gusto talaga ni Lord na pumunta ako kaya kahit humindi na ako, nakauwi na sa bahay at lahat lahat ee gumawa pa rin Siya ng way para makapunta ako. Sabi Niya siguro, "Anak, oras na rin siguro para mapatawad mo na sila sa lahat ng nangyari noon".

Flashback

Alam kong may dahilan kung bakit ako nandito ngayon sa birthday nila. At alam kong hindi ako pwedeng umuwi ng walang nangyayaring tama. Maliban sa busog ako. XD Kaya naman bago kami umuwi, nilapitan ko na sila at niyakap.

"Happy birthday." Bati ko sa kanila.

Si Nora nga, mangiyak-ngiyak pa. Hehe. Nagsorry naman sila and that's it! Ok na kami.

He's Complicated Book 2: Moving OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon