Status Update

130 2 0
                                    

Im baaaaaaaaack! Heidi Clavera at your service. Hihi. Alam kong hindi nyo inaasahan tong part 2 ng He's Complicated, dont worry, ako rin naman ee. Haha. Hindi ko alam kung papatok rin to. Pero sana nga maenjoy nyo. :) Dont worry, it will still be a certified true story. :)

Kung hindi nyo pa po nababasa yung He's Complicated, its better po if you will read it first, I would really appreciate it. :)

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Kapag raw walang boyfriend o girlfriend, ang tawag SINGLE. Kapag may nagkakagustong lalaki at sinabi sayong "pwede ba kitang ligawan" pagkatapos ee lumalabas labas na kayo, ang tawag DATING, meron pa ngang EXCLUSIVELY DATING ee. Kapag naman sinagot mo na sya, ang tawag IN A RELATIONSHIP. Kapag parang kayo pero hindi kayo, M.U. Kapag naguguluhan kayo kung ano talaga kayo, ITS COMPLICATED. Naalala ko lang yung biro nun, pano raw kapag hindi nyo maamin sa isat isa yung nararamdaman nyo, anong tawag dun? ITS CONSTIPATED?? Haha. Napakarami ng status na pwede mong gamitin para idescribe ang estado ng lovelife mo. Isama mo pa dyan yung married, separated at widowed. Jusko. Ee kahit gano pa karami yan, kung hindi mo naman alam kung alin dyan ang swak sayo, aanhin mo pa yang mga pagpipilian na yan? Kailangan ba talaga laging may status update? Di ba pwedeng wala na lang? Hindi naman siguro ikakadagdag ng kaban ng bansa kung lahat ng Pilipino ee nakastatus update lagi. XD

Ee ikaw, anong status mo?

-----------------

Almost 7months na rin ang lumipas. Humupa na rin naman yung mga nabuong tensyon sa pagitan namin ni Jacob. Lumipas na rin yung sama ng loob ko. At siguro nga, handa na rin akong magpatawad. Patawarin sya kasi nasaktan nya ako at patawarin ang sarili ko dahil hinayaan kong masaktan ako ng ganun. Matagal-tagal ring wala akong naririnig o nalalaman tungkol sa kanya. We are totally living our separate lives, though at times, iniisip ko rin kung kamusta na sya. Kahit kasi ano pang nangyari noon, malaking bahagi pa rin sya ng buhay ko. Anyway, sobrang madalang ko lang namang isipin yun. Masyado rin kasing loaded yung utak ko ng trabaho ee. Hindi na nga pala ako nagtuturo dun sa school kung san din sya nag-aaral. Nasa ibang school na ako ngayon at malayo talaga sa school ko dati. Its a totally new environment with so much adjustments and everything. But its ok, im ok and everything's doing well. ^^

What's on your mind?

Bakit kaya yan yung naisip nilang ilagay dun sa box kung san tinatype yung status sa facebook? Teka, kung anu ano na atang napapansin ko. Haha. Simula kasi nung single na ang pretty Heidi nyo, social website na ang naging stress reliever ko (isama nyo na rin ang pagkain). Kaya nga eto, lahat na talaga napupuna ko, araw araw ko ba naman kasing kausap ang fb at twitter. Haha. Lahat na ng updates nababasa ko, which is kinatatamaran kong gawin dati. Tignan mo nga naman, there is no permanent in this world except change talaga.

Naalala ko tuloy nung biglang nagmessage si daddy nya habang nakaOL ako.

Flashback

"Hindi ko alam kung pano nag umpisa pagkakaibigan at pagmamahalan nyo ni Jacob hanggang sa umabot na sa ganyan ngayon. Pero sana gabayan kayo ng Diyos at maging magkaibigan kayo ulit. Salamat kasi naging mabuti at magalang ka sakin."

Natouch naman daw ako sa sinabi ng daddy nya. Kahit naman kasi hindi kami nagkasama ng daddy nya o nagkausap man lang except when we exchange messages sa chat, ee masasabi kong napakabait sakin ni uncle.

"Sana nga po uncle. Sa tamang panahon. Salamat din po kasi hindi man po tayo nagkasama ng madalas, mabait po kayo sakin."

Totoo naman talaga yun. Si uncle na todo todong boto sakin para kay Jacob. Nakakamiss rin pala.

He's Complicated Book 2: Moving OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon