Chapter 2

1 0 0
                                        

Joy pov

Papunta palang ako sa room ng bigla kong makasalubong si jake na parang nagmamadali pa

"Tara!"-sabay hila nya saken at tumakbo

"Oy jake san tayo pupunta"-ako

Hindi nya ako pinansin at mukhang alam ko na kung san kami pupunta

(Rooftop)

"Anong gagawin natin dito?"-tanong ko kay jake

Umupo sya , dahil hawak nya pa yung kamay ko hinila nya ako napalakas yung hila nya kaya natumba ako sakanya

Nanlaki ang mata ko sa naging position namin

Shet.

Sobrang lapit ng mukha namin

Agad ko syang tinulak

"Sorry napalakas"-nangingiting sabi nya

"Bat mo ba kasi ako dinala dito"-hindi nya ako pinansin

Iniwas ko yung tingin ko sakanya, ugh nakatitig kasi sya parang baliw

"Bat ka namumula?"-nagulat ako sa sinabi nya

"A.ano?"-ako

"Namumula ka, ayyieeee"-nakangiti paring sabi nya

Nakakainis na sya putek

"Ang kapal mo ah"-tumayo nako pero hinawakan nya yung kamay ko

"Joke lang hindi mabiro eh"-jake

"Wag ka muna umalis, wala tayong teacher"-dugtung pa nya

"Eh bakit hindi mo niyaya sina brent?"-tanong ko sabay alis ko ng kamay ko na hawak nya

"Eh ikaw gusto kong kasama eh"-jake

Biglang Bumilis ang tibok ng puso ko Agad kong iniwas ang tingin ko sakanya Hindi ko nalang sya pinansin, at umupo na sa tabi nya

Lahat lang naman ng inaakto nya sakin ay puro pang aasar lang ewan ko pero feeling ko pinagtritripan nya lang ako ganyan na sya nung 2nd weeks nung pasukan, ngayong school year lang din naman kami nagkakilala, eh boyfriend pala ni Mia si Brent na bestfriend naman ni jake kaya yun eto si jake masyadong nag feeling close sakin kaya simula nun lagi nya na akong inaasar

"Wag mo ako isipin andito lang ako sa tabi mo oh"-rinig kong sabi ni jake

"Kapal mo"-sabi ko nalang

Baka kasi kapag sinabi ko na sya nga yung iniisip ko lumaki pa ulo nito ano pa isipin nya ayoko namang mangyari yun.

Bigla nyang ipinatong yung ulo nya sa lap ko

"Bantayan mo ako, matutulog muna ako napagod ako eh"-sabay pikit nya

No choice naman ako kaya hinayahan ko nalang sya

"Napagod saan?"-tanong ko ng hindi nakatingin sakanya

"Gusto mo malaman?"-jake

"Hindi na lang"-ako

"Eto naman suko agad, napagod ako kakaisip sayo eh"-jake

Tinignan ko si jake nakapikit parin sya , hindi nako nagsalita pa gusto ko syang hampasin para tumigil na sya sa kalokohan nya hys.

Isinandal ko ang likod ko at pumikit

Ang bilis nanaman ng tibok ng puso ko, nakakainis

Sa totoo lang nung sembreak gabi gabi ko ng naiisip si jake para na nga akong mababaliw sa kakaisip sakanya, ayoko ng pakiramdam na yun hindi ko naman kasi gusto si jake pinigilan ko rin ang sarili ko na wag akong mag assume sa mga kinikilos nya sakin kasi never naman syang umaamin na may gusto sya sakin pero narealize ko nalang na, unti unti kong nagugustuhan si jake

Pero pinipigilan kong huwag lumala kasi ayoko, baka sa huli masaktan lang ako

Unexpectedly InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon