Chapter 4

1 0 0
                                    


Joy pov

Uwian na namin inayos ko na ang gamit ko nagulat ako ng biglang kunin ni jake ang bag ko

"Sumama ka, tsyaka ko lang to ibabalik sayo"-jake

Hys. Nakakainis naman to si jake

"Ayoko nga ng nanonood ng ganun"-ako

Ewan ko pero hindi ko talaga trip manoood ng bastketball psh.

"Sige na Joy"-pagmamakaawa nya pa

Iniwas ko ang tingin ko sakanya

"Ayyieee sadama na yan"-pang aasar ni brent

"Tara na joy mag eenjoy ka dun"-sabay akbay sakin ni Mia

"Sige na nga"-pagkasabi ko nun nakita kong ngumiti si jake

"Ayos! Tara na"-nauna na syang lumabas ng room

"Kinilig yun ahahaha"-brent

"Brent ano ba, bat naman kikiligin yun"-tanong ko

"May gusto yun sayo eh, diba babe"-sabi pa ni brent kay Mia

"Oo bagay kayo nun"'-Mia

Napatulala ako hindi ko alam kung ano irereaction ko sakanila

"Baliw"-sabi ko nalang

At agad ng lumabas hindi pa nakakalayo si jake sinundan ko sya shet hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko gusto kong pigilan tong nararamdaman ko ayokong mag assume ayokong umasa

Nang makalapit ako kay jake

"Yung bag ko"-sabi ko

"Ako na mag bibitbit"-sabay ngiti nya

"Akala ko ba ibabalik mo kapag sumama ako?"-tanong ko

"Ako na, para di ka mapagod"-sabi nya

Inalis ko nalang ang tingin ko sakanya at hinayahan sya sa gusto nya

Hinintay namin na makalapit sina mia samin

Nang makalapit sila , sabay sabay na kaming naglakad palabas ng school

(Court)

Nandito kami sa street nila jake na kung saan nandito yung court nila

Nakaupo na kami ni mia sa unahan

"Exciting to Joy basta support mo lang si jake"-nang aasar na sabi nya

"Mia tigilan mo nga ako sa pang aasar mo, kayo ni brent puro kayo asar samin ni jake"-sabi ko

"Manhid kaba Joy?obvious naman na gusto ka nya"-mia

Hindi ko sya sinagot

Hindi ako manhid ramdam ko naman

Hys.

Nagsimula na ang laro nila tinignan ko si jake

hindi ko ineexpect na magkakagusto ako sayo, Hindi naman kita gusto dati eh pero ngayon nagugustuhan na kita at kahit anong pigil ko mukhang malabo na parang lumalalim na ang pagkagusto ko sayo

Ang hirap mag pigil ng feelings, hindi ko alam kung ano iisipin ko sayo jake may gusto kaba talaga sakin?Ayokong umasa ng walang kasiguraduhan wala ka naman kasing inaamin eh

Baka trip mo lang talaga ako.

Ayoko ng pakiramdam na to

Iniwas ko ang tingin ko sakanya at yumuko nalang

Mia pov

Last game na at sobrang kinakabahan ako kasi lamang ng 2points yung kalaban last 30 sec. Nalang shet

Nakuha ni brent yung bola at ipinasa nito kay jake inuubos nya na yung oras at nung last 10 seconds ishinoot nito sa ring at napasigaw ako sa tuwa dahil naka 3points sa shoot si jake

"Ang galing ng bebe mo joy ahahaha"-sabi ko

Tinignan ko si joy na nanonood lang

Nang matapos na ang game

"Tara joy puntahan na natin sila"-sabay tayo ko

Tumayo narin sya

"Ayos ka lang ba?"-ang tahimik kasi nya

"Oo ayos lang"-sagot naman nya

"Ayos ba babe"-sabay akbay sakin ni brent andito na pala sila

Agad ko syang niyakap

"Congrats babe"-ang ganda ng laro nila

"Tara kain tayo nagutom ako"-yaya ni brent

"Oo nga tara guys"-ako

Tinignan ko yung dalawa, bagay talaga sila feeling ko nga may chemistry silang dalawa

Nakay jake parin pala yung bag ni joy

"Kayo nalang uuwi na ako"-sabi ni joy

Tinignan ko si joy syempre bilang bestfriend nya nasesense ko na parang may mali

"Yung bag ko jake"-sabi ni joy

"Hindi kana sasama?"-jake

"Hindi na,"-joy

Inabot ni jake yung bag ni mia

"Sige una nako"-sabay talikod nya na

"May problema ba yon?"-tanong sakin ni jake

"Ewan ko kanina pa sya ganun"-sagot ko

"Kayo nalang muna kumain mag date nalang kayo sundan ko lang sya"-jake

"Sige pre"-brent

Sabay alis ni jake

"Babe bakit hindi nalang ligawan ni jake si joy?"-tanong ko

"Syempre bilang lalaki babe takot kami sa mga rejections, natatakot si jake na baka pag ginawa nya yun baka hindi nalang sya pansinin ni joy feeling ko nga parang ayaw ni joy kay jake eh,"-brent

"Oo nga eh pero malay natin diba"-sagot ko nalang

Unexpectedly InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon