Chapter 7

1 0 0
                                    

Jane pov

(Uwian)

Bigla nalang tumayo si jake at umalis
Nagkatinginan pa kami ni mia

"Jane tara na sabay kana samin"-mia

"Hindi na, mauna na kayo may kukunin pa akong libro sa library"-sabi ko

"Edi samahan ka namin"-mia

"Oo nga"-brent

"Hindi wag na ayos lang"-ako

"Ok, sige una na kami jane ah"-mia

"Sige"-ako

"Bye jane"-brent

Ngumiti nalang ako, sabay alis nila

Inayos ko na ang gamit ko at dumeretsyo na sa library

Agad kong hinanap yung libro na kukunin ko nang makita ko iyon lumabas na din ako ng library

Paglabas ko nagulat ako kasi nakasandal sa pader si jake

Tumingin sya sakin agad syang lumapit sakin at hinila ako

Hindi na ako nagsalita pa at sumunod nalang sakanya

Namiss ko to.

Dinala nya ako sa rooftop

Humarap sya sakin at Binitawan nya ang kamay ko

Napansin kong ang lungkot ng mata nya iniwas ko ang tingin ko sakanya

"Jane bakit mo ba ako hindi pinapansin? Galit kaba?"-jake

"Hindi jake"-ako

"Kung ganon bat mo ako iniiwasan jane? Please wag mo naman gawin sakin to ayoko ng ganito tayo"-napayuko ako sa sinabi nya

"Gusto kita jane matagal na at ayoko ng umiiwas ka sakin kung may nagawa man akong mali sorry,"-jake

Bumilis ang tibok ng puso ko ng tignan ko sya may tumulong luha mula sa mga mata ko

Totoo nga , totoo nga na gusto talaga ako ni jake

Eto yung hinihintay ko umamin na sya sakin

"So.rry Jake, sorry kung umiiwas ako sayo"-sabi ko

"Ayos na sakin basta wag mo ng uulitin hindi ko na kasi alam kung ano pa gagawin ko jane"-jake

"Gu.gusto kita jake"-nagulat sya sinabi ko

"Talaga? Gusto mo ako Jane?"-hindi makapaniwalang tanong nya

"Oo jake.. gusto kita, kaya ako umiwas kasi ayokong ... palalain yung nara...ramdaman ko sayo pero ...  lalong lumalala jake .... lalo kitang nagugustuhan sorry kung nasaktan man ... kita sa ginawa ko ... "-umiiyak na sabi ko

Tinakpan ko ang mukha ko

Bigla nya akong niyakap

"Ayos lang jane, ngayon alam ko na, na gusto mo din pala ako"-jake

"Ayos lang sayo? Hindi ka manlang magagalit?"-tanong ko

"Hindi. kasi kasalanan ko din naman dapat pala sa una nag lakas loob na akong umamin sayo pero hindi ko rin naman kasi sure kung may gusto ka din ba sakin o wala pero ayos lang ang importante sa ngayon nalaman ko na gusto natin ang isat isa."-napangiti ako sa sinabi nya

Pumiglas si jake ng yakap

"Basta wag mo na ulit uulitin yun, nasaktan kaya ako sa ginawa mo"-jake

"Hindi, hindi ko na uulitin yun jake"-sagot ko

Pinawi nya ang mga luha sa mga pisngi ko

"Sobrang namis kita jane"-muling yakap nya sakin

Napangiti ako sobrang gaan ng pakiramdam ko

Still, ang bilis pa din ng tibok ng puso ko

"Ako din jake"-sabay yakap ko din sakanya

Unexpectedly InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon