Chapter 9

1 0 0
                                    

Jane pov

Sunday ngayon at walang pasok,

Napangiti ako ng maalala ko yung date namin ni jake kahapon. na kung saan sinimulan nya na akong ligawan

Nagpagulong gulong ako sa kama ko sa sobrang kilig

Wahhhhhhhhhhhhhhhhh

Nakarinig ako ng katok ng pinto mula sa baba, tumayo ako at lumabas ng kwarto

Bumaba ako at binuksan ang pinto

"Hi"-nagulat ako sa taong nasa harapan ko ngayon

"Jake!"-tawag ko

"Oh? Di mo ba inasahan na pupunta ako?"-sabay ngiti nya

"Sana nagsabi ka na pupunta ka"-ako

"Sobrang naeexcite na kasi ako, hindi ko na nagawang tawagan ka"-jake

"Teka pasok ka muna"-sabay pasok naman nya sa apartment ko

"Wait, naeexcite saan?"-tanong ko

"Tara, ipapakilala na kita sa parents ko"-jake

"A.ah?"-hindi makapaniwalang tanong ko

Shems kinakabahan ako ipapakilala nya na ako?

Jake pov

"Ipapakilala na kita so tara"-sabi ko sabay hawak ko ng kamay nya

"Kinakabahan ako jake"-sagot nya

Ngumiti ako

"Wag kang kabahan andun ako, ako bahala sayo"-ako

(Jake House)

"Ma, Pa si Jane nililigawan ko"-sabi ko sa parents ko

Hawak ko ng mahigpit ang kamay ni jane

Para hindi rin sya masyado kabahan

"Hello po"-jane

"Hello jane kinikwento ka sakin ni jake"-sabi ni mama

Napangiti ako

"Ma,"-saway ko baka kung ano pa sabihin nya

"Mag usap tayo jake"-agad na sabi ni papa sabay alis

"Ako muna bahala kay jane anak"-mama

Nagkatinginan kami ni jane

"Iwan muna kita kay mama"-tumango sya

Iniwan ko muna sila

Pag pasok ko sa office room ni papa

"Pa bakit hindi mo pinansin si jane? Bakit kailangan pa natin mag usap?"-tanong ko kay papa

"Jake hindi mo sya pwedeng ligawan"-sagot nya

"A.ano? Mahal ko sya pa"-agad na sabi ko

"Hindi pwede jake"-papa

"At bakit hindi?"-naiinis na tanong ko

"Jake malapit mo ng imeet yung babaeng"-hindi ko na sya pinatapos magsalita dahil agad na akong sumagot

"So ano gagawin mo sakin yung ginawa mo kay kuya? Yung ipinakasal mo sya sa babeng hindi naman nya mahal, kung nagawa nyo yun kay kuya pwes sakin hinding hindi mangyayari yun ipaglalaban ko si jane"-agad akong lumabas ng room ni papa

Badtrip!

Hindi nya pwede gawin sakin yun!

Jane pov

Nakita ko ng papalapit samin si jake at halatang badtrip sya

Hindi ko maiwasang wag mag isip, ano kayang pinag usapan nila ng papa nya

"Jake"-tawag ng mama nya

Tinignan ni jake yung mama nya

"Hindi ko susundin yung sinabi ni papa alam mo yan ma"-pagkasabi nun ni jake agad akong hinawakan sa kamay ni jake

"Alis na tayo"-jake

Tinignan ko yung mama ni jake ngumiti ako at nag paalam na

Lumabas na kami ng bahay ni jake

"Jake may problema ba?"-hindi sya sumagot

Niyakap nya ako

Alam kong may problema,

"Ayaw ba sakin ng papa mo"-tanong ko

"Jane mahal kita, hindi ko susundin yung sinasabi ni papa"-jake

Pumiglas ako ng yakap sakanya

"Ano ba pinag usapan nyo?"-ako

"Ipapakasal nya ako sa babaeng hindi ko naman mahal gagawin nya sakin yung ginawa nya kay kuya. At Hindi ko yun gagawin kasi mahal kita ikaw ang gusto kong pakasalan jane"-jake

Ngumiti ako kasi nararamdaman ko na mahal nya ako

"Pero jake hindi pa naman tayo diba? Nililigawan mo palang ako baka may gawin yung papa mo"-sabi ko

"Kahit anong mangyari hinding hindi ako papayag sa gusto nya wag kang mag alala itutuloy ko ang panliligaw ko sayo"-jake

"Pano kung sagutin na kaya kita?"-tanong ko

Nagulat sya sa sinabi ko

"A.ano? Sasagutin mo na ako?"-tanong nya ng hindi makapaniwala sa sinabi ko

"Oo"-sagot ko

Bigla syang tumawa, kinurot nya ang pisngi ko

"Ang bilis mo naman wag muna gusto ko pang ipakita at iparamdam sayo kung ano pa yung mga bagay na kaya kong gawin"-jake

Napangiti ako

"Joke lang noh"-sabay tawa ko

"Syempre hindi ako pinalaki ng mga magulang ko na maging easy to get noh"-dugtung ko pa

Niyakap nya ako

"Basta araw araw kitang liligawan at pag dumating yung araw na sinagot mo na talaga ako liligawan at liligawan parin kita"-jake

Ang swerte ko parang sasabog ang puso ko sa sobrang saya

"Hindi nila tayo mapipigilan jane wag kang mag alala"-jake

"Sana talaga tanggapin ako ng papa mo"-sabi ko

Para wala narin maging hadlang samin

Unexpectedly InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon