DARE | 19

1.4K 34 10
                                    

DISCLAIMER:

Before reading this, the author would like you to know that this will contain a lot of vulgar words and explicit topics such as sexual exploitation, psychological manipulation, and domestic violence. If you are not comfortable with this, it is highly recommended that you skip this book. Otherwise, it is implied by default that you have agreed that the author will NOT be held accountable for whatever psychological disturbance you have experienced throughout your reading sessions.

***

"Keaton?"

Naramdaman ni Keaton na may tumapik-tapik sa pisngi niya.

"Keaton, wake up. It is our only chance to escape."

Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. Unang bumungad sa kanya ang mukha ni Lukas. They were a hairlock away from each other. Kaunting maling galaw, maglalapat ang labi nila.

Taranta tuloy siyang napalayo pero bago pa man siya nakalikha ng anumang tunog, naging maagap sa pagtakip ng bibig niya si Lukas.

"Wag kang maingay," bulong nito. "Wala sila. Ito na ang chance nating makatakas."

Kumunot ang noo niya. Anong pinagsasasabi ni-- Napasinghap siya ng bibig saka niya tiningnan ang paligid. Nasa isang hindi pamilyar na lugar sila. Parang warehouse na tambakan ng mga sira-sira at spare parts ng sasakyan.

"Nasaan tayo?" tanong niya kay Lukas. "Na-kidnap ba tayo?"

Nagkibit-balikat ito. "I don't know. Pero tatakas tayo."

"How long have I been sleeping?" May maliit na bintana sa tapat niya at nakikita niyang madilim na.

"More than twelve hours, I guess? Masyado yatang matindi ang epekto ng stun gun sa iyo. Anyway, kaya mong tumayo?"

Sinubukan niya. Medyo nangangatog ang tuhod niya pero kaya naman niya. "Yeah."

"Kaya mong tumakbo? We will sneak outside pero baka mapilitan tayong tumakbo nang mabilis."

Nag-squat siya nang dalawang beses saka sumipa-sipa hanggang sa tuluyan nang manumbalik ang lakas ng binti niya. "I think I could."

Tumango-tango si Lukas saka tumayo. "Okay. Lalabas na tayo dito. Siguraduhin mo lang na huwag kang lilikha ng ingay, ha?"

Then, Lukas asked him to hide behind a dusty car. "Diretso lang dito ang exit. After I check if it is clear, tatakbo tayo, okay?" Sinilip nito ang paligid.

"Okay, I guess?" tugon naman niya. Noon lang niya napagtanto na wala silang tali o bantay man lang. That's quite weird.

"Let's go, Keaton."

Sumunod siya kay Lukas. Sa bawat malaking pwede nilang pagtaguan, doon sila pwepwesto. Then, they repeated the same routine: Lukas would check, Keaton would wait for his signal. They did it five times hanggang sa nasa may doorway na sila.

Sumandal sila sa pader.

"This is weird, Lukas. Bakit walang nagbabantay sa atin?"

"I know. Siguro nandito silang lahat sa labas--"

Natigilan sila pareho nang makarinig sila ng tawanan mula sa labas. Base sa palitan ng linya, mukhang naglalaro ng baraha ang mga lalaki.

"Shit. We need to look for another exit," sabi ni Lukas. "Nakita kong may baril sila kanina. This will be dangerous for both of us."

Napalunok na lang si Keaton. "Baril?" Wala naman siyang traumatic experience involving guns pero nanlambot siya nang maisip na pwede silang habulin ng mga ito habang pinapaulanan ng bala.

Dare You to Move [BxB | FIN✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon