DARE | 11

2K 49 0
                                    


DISCLAIMER:

Before reading this, the author would like you to know that this will contain a lot of vulgar words and explicit topics such as sexual exploitation, psychological manipulation, and domestic violence. If you are not comfortable with this, it is highly recommended that you skip this book. Otherwise, it is implied by default that you have agreed the author will NOT be held accountable for whatever psychological disturbance you have experienced throughout your reading sessions.

***

"And welcome sa farm namin!" masayang bungad ni Ciel nang makababa silang lahat sa sinakyang puting van.

Nasa Bataan na sila, kung saan nakatira sina Keaton at Ciel. Pagkatapos ng show sa Subic, nagdesisyon ang management na bigyan muna sila ng dalawang araw na break dahil wala na sila halos pahinga sa mga susunod na araw. Kaya nagkasundo sila na magtungo na lang sa farm ng pamilya ni Ciel upang doon ubusin ang libreng oras.

Samantalang, humahangos na lumapit sa kanila ang isang babaeng mestisa, si Melissa, ang mama ni Ciel.

"Oh my God, ang baby Ciel ko!" bati nito sa anak saka tumingkayad para hagkan ang pisngi nito. "I miss you, Anak!"

"Miss you, too, Mom!" Tapos, nagyakapan ang dalawa.

Pagkatapos, si Keaton naman ang nilambing nito. "Grabe, bakit parang pumayat ka pa yata? Ini-stress ka ba ni Ciel, ha? Nagpapasaway ba 'to sa Manila?"

"Grabe si Mama," Ciel complained.

Binigyan ni Keaton nang malisyosong ngisi si Ciel. "Hay, nako, Tita! Kung alam n'yo lang ang pinaggagagawa niyang si Ciel!"

"Ha? Bakit? Di ba nagbe-behave?" Hinarap ni Melissa ang anak. "Ano iyon, ha? Nagpapasaway ka talaga, ano?"

"Luh!" hirit naman ni Ciel kasabay ng panlalaki ng mga mata. "Wala kaya akong ginagawa!"

"Asus, wala raw!" Lalong lumawak ang ngisi ni Keaton. Nang panlisikan siya ni Ciel ng mga mata, tumawa siya. "De, joke lang po iyon, Tita. Anyway, pakilala ko lang po itong mga bandmate namin."

Inisa-isa niya ang tatlo, starting from Dean hanggang kay Lukas. Nagmano naman ang tatlo saka sila niyaya ni Melissa sa loob ng farmhouse. Pero bago iyon, niyaya muna nilang magmeryenda ang driver nila pero tumanggi ito dahil pinapabalik daw agad sa Subic para sunduin naman ang mga naiwang staff doon, kasama na ang manager at PAs nila.

Pagkatapos nilang ihatid ito ng tanaw, saka lang sila pumasok.

Isang malaking kubo ang farm house. Mayroon iyong tatlong kwarto.

Dinala sila ni Melissa sa dining area kung saan nila nadatnang may nakahandang boodle fight.

"Holy shit! I miss this!" bulalas ni Ciel. "Thanks, Mom!" Hinagkan nito ang nanay sa pisngi.

"No problem, anak. Sige na, kain na kayo."

Dumalo na sila. Keaton sat beside Lukas, opposite them were Ciel and Isaac. Nasa dulo si Dean habang sa head seat naman umupo si Melissa.

"Pakabusog lang kayo, mga anak! Marami akong hinandang para sa inyo."

"Nako, mukhang tataba pala kami dito, ah?" biro ni Dean. "Boys, water fast tayo pagbalik sa Manila, ha?"

"Anong water fast-water fast? Kailangan ninyong kumain para may energy kayo sumayaw!" suway naman ni Melissa. Natahimik tuloy bigla si Dean. Parang napahiya pa nga ito.

Dare You to Move [BxB | FIN✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon