DARE | 25

1.1K 24 5
                                    


DISCLAIMER:

Before reading this, the author would like you to know that this will contain a lot of vulgar words and explicit topics such as sexual exploitation, psychological manipulation, and domestic violence. If you are not comfortable with this, it is highly recommended that you skip this book. Otherwise, it is implied by default that you have agreed that the author will NOT be held accountable for whatever psychological disturbance you have experienced throughout your reading sessions.

***

Lukas did not know how long he had been dozing off. Basta, nagising na lang siya nang maramdaman niyang may bumuhos na malamig na tubig sa mukha niya.

"Mabuti naman gising ka na," sabi nang isang matabang lalaki sa harapan niya.

Lukas squinted his eyes. Sino ito? And where was he?

Then, it dawned upon him what happened earlier. "Hayop ka! Anong ginawa mo sa akin?!" Akmang susugod sana siya pero noon lang niya napagtantong nakagapos pala siya. All of his extremities were tied on an X-frame. "Pakawalan mo ako dito!"

Ngumisi si Mr. Riego. "Bakit ko naman iyon gagawin?" Lumapit ito sa kanya habang bitbit ang isang kulay itim na machine na may nakakabit na maraming wire.

"Anong gagawin mo?" tanong niya habang dinidikit nito sa dibdib niya ang dalawang pad. Kasama iyon sa nakadugtong sa machine.

"Oh? Hindi mo ba alam kung ano ito?" Itinaas nito ang machine.

Tiningnan niya iyon mabuti. His gaze widened when he realized what it was. "Put that thing out of me--" Naramdaman niya ang matinding boltaheng dumaloy mula sa pad. Napahiyaw na lang siya dala ng kirot.

Tumawa muli ang lalaki. "Ano ba iyan? Hiyaw ka agad? Akala mo naman mamamatay."

Pinanlisikan niya ito ng mga mata. "Put this thing off, Riego. Binabalaan kita!"

"Oh? What would you do then? Would you come running to your daddy? Isusumbong mo ba ako sa papa mong walang pakialam sa iyo?"

Umismid siya. "I never agreed with this. Sasampahan kita ng kaso--" Muli na naman siyang napahiyaw.

"If you think the law scares me, then you're wrong, Lukas." Hinawakan nito ang baba niya. "Nasa Pilipinas ka. Walang ngipin ang batas dito. As long as you are powerful. As long as you have money, the laws mean nothing."

Binitiwan nito ang mukha niya saka muling naglagay pa ng pads sa iba't-ibang bahagi ng katawan niya. "Hindi ba sa ganyang paraan din kaya naging mayaman ang angkan mo? Kalahati ng CALABARZON, pamilya mo ang may-ari. Ever wonder why?" Muli itong ngumisi.

"Why does it matter? Wala naman akong pakialam sa kanila. I loathe being a Fortaleja."

"Oh? Is that your way of telling me to let you go? Sorry to say, Lukas, pero walang maidudulot iyan." Muli nitong pinaandar ang makina.

Lukas howled in pain. Napatingala pa siya. The shock lasted only for two seconds yet it felt like an hour. Nang tumigil iyon, pawis na pawis na siya at hindi na makatuwid nang tayo.

"Beg, Lukas. Magmakaawa ka. The same way I begged your father to spare my life forty years ago!"

"Look, kung anuman ang isyu n'yo ng walanghiya kong ama, wala akong alam. Wala rin akong pakialam. It does not concern me, at sa maling tao mo ibinabaling ang galit--AAAAAH!" He flailed violently and the voltage made his system berserked. "I will never beg down, Riego! Kahit saktan mo ako nang paulit-ulit, hindi ako magmamakaawa sa kasalanan ginawa ng ama ko!"

Dare You to Move [BxB | FIN✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon